Chapter 40

91 2 3
                                    

"Ms. Solana, alam ko na po 'yung tamang sagot sa tinanong niyo po sa'kin kahapon!" 

Napatigil ako sa pagta-type ko sa laptop ko nang marinig ang excited na boses ni Reign. I looked at her, and she was just smiling at me. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, kaya napakunot 'yung noo ko.

"What do you mean?" I asked, feeling confused.

She comfortably sat on the chair beside me, so we could talk casually. "Yung tanong niyo po kahapon na kung sinaktan na ko ng boyfriend ko ng 2 beses, babalikan ko pa ba siya." 

"What is it?" I asked curiously. She suddenly gave me the guts to listen to her.

"Para sa akin po, opo." She half-smiled. "Everyone deserves chances. Pero sasabihin ko sa kaniya na last chance niya na 'yon, if he hurted me again, wala na, ayoko na sa kaniya. Madami po akong natutunan sa mag-asawang senior citizen kahapon." 

Me too, Reign. Me too. 

"Is that what you think?" I asked again.

She immediately nodded, "Yes, Ms. Pero alam ko na magka-iba po tayo ng sitwasyon. But if you think Architect Villamor deserves that 3rd chance, why not try it again po? Love is about taking risks." 

Nanlaki mata ko dahil sa biglaang pagsabi niya sa pangalan ni Axel. Tumatak sa'kin 'yung huli niyang sinabi. Pero paano niya nalaman?

"Y-you knew?" I mumbled.

"Napansin ko po kasing medyo awkward ka sa kaniya. Kaya binigyan po ako ni Ms. Ashley ng kaunting chismis." Then she smiled, an apologetic one.

Hay nako, Ashley. 

Bumalik na sa trabaho niya si Reign, habang ako iniisip pa din 'yung mga sinabi ni Reign kanina. Give him a 3rd chance? Is that even possible? Hindi ba magiging awkward 'yon sa amin pareho? A-and does he still love me the same?

Natapos ang buong araw ko sa trabaho dala-dala 'yung mga iniwang salita ni Reign. Sana pala ay hindi ko na lang siya tinanong kahapon. Edi sana ang pagpunta ko lang sa concert ng Ben&Ben ang iniisip ko ngayon. Speaking of that, 2 araw na lang ay gaganapin na itong concert. Ano na bang balak ko?

The next morning, I took a day off at nagpasama kay Ashley sa Tagaytay. Feel ko lang mag-unwind ngayon. Miss ko na din lumanghap ng sariwang hangin. Puro kasi pollution at lamig ng aircon ang nalalanghap ko sa amin. Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa damuhang may manipis na kumot nang tinawag ako ni Ashley para kumain. 

"Do you think I should take risk?" I suddenly asked out of the blue.

"Risk, sa alin?" Naguguluhan niyang tanong habang kinakain 'yung sandwich niya.

"Giving Axel a chance again." I told her, at napatigil siya sa pag kain.

"Alam mo kase," She faced me 'saka ibinaba 'yung kinakain niya, "Alam ko may konting galit ka pa din sa kaniya dahil sa nangyari, pero alam mo kung ano 'yung mas nangingibabaw? Yung hope. Hope na magiging kayo ulit. Pero natatakot ka lang." She chuckled.

"Halata kasi 'dyan sa reaksyon mo." She added and laughed a bit 'saka itinuloy yung kinakain niya.

"You mean, I should give him a third chance?" I asked. 

"Kung 'yan ang ikapapanatag ng loob mo, then yes. Kaysa mabaliw ka diyan kaiisip." She answered me back. 

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. All along, alam ko naman na talaga ang sagot. Pero tama si Ashley, takot lang ako. Takot ako mag-take ng risk, takot akong sumugal ulit, takot akong mag-mahal ulit, at takot akong masaktan at maiwan ulit. 

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon