Chapter 4

141 30 2
                                    


"Wow, after 1 week! Welcome back, Solly!" Bungad sa'kin ni mami Rej.


"Grabe naman, mami. Isang linggo lang naman ako nawala!" Natatawa kong sagot.


Nagkatinginan kami nina Elaiza at Janella, nginitian nila ako at kumaway, hindi naman ako makalapit sa kanila dahil on set sila. Kadarating ko lang sa taping set namin, dumeretso ako agad sa tent ko, at lumapit ang make up artist ko para simulan akong ayusan while I memorize my script.


"Ohhh, Solana! One of my favorite artists!" Bungad sa'kin ni direk.


Nahihiya akong ngumiti sa kaniya, "Okay, ready tayo ha. Roll tayo in a few minutes!" Paalala ni direk. Lumapit agad sa'kin si Elaiza nang matapos sila sa scene nila, "Solly! You're here!" Tinadtad niya na naman ako ng kiss sa mukha ko.


"May make up na ko!" Natatawa kong sabi sa kaniya habang pinapalayo siya.


Days have passed and our finals are done, so as our school days. Next month ay babalik na lang ako sa school para mag-enroll for my last year sa college. Gradwaiting na ko! So back to normal ako ulit, and I'm back in filming our upcoming movie. Hindi naman ako masyadong makalapit kay Janella Salvador dahil kausap siya ng mga staffs at nireretouch pa siya, hihingi pa naman ako ng video greeting para kay Ash.


"Camera rolling! In 3, 2, 1 action!" Pagsigaw ni direk


I started giving out my lines the best that I could, medyo kabado dahil baka makalimutan ko yung ibang dialogues ko. Just show true emotions, just feel the lines and imagine na ikaw 'yung nasa 'ganoong situation.


"Sorry, we can't be together." I said my last line while feeling it.


"And, cut! No takes, good job Solana!" Pagsabi ni direk habang nakangiti sa'kin.


"Thank you, direk." Bumalik ako ulit sa tent ko, saka ako inabutan ng tubig ni Crizza, my personal assistant.


"How are you, Crizza? Long time no see." Ininom ko ng deretso ang malamig na tubig.


"Mabuti naman po, Ms. Solly. Nakapagpahinga naman po ng maayos, and ready to work na po ulit." Masiglang sagot niya, tumango naman ako sa kaniya at pinakuha yung phone ko.


Lumabas muna ako ng tent para sana kausapin si direk tungkol sa next scene, nang makitang may kausap pa siyang matangkad na lalaking nakatalikod sa'kin.


I know who he is. Nakita ko yung arrow tattoo niya sa batok.


Magkakilala sila ni direk? Pero sabagay, hindi na nakapagtataka, she's a very well known person. Nagtago ako malapit sa kanila, hintayin ko na lang na matapos sila.


"No, Axel. Welcome ka sa bahay ko, but your parents need you." Narinig kong sabi ni direk.


So, it's Axel pala.


"Kausapin mo muna sila, 'pag nakausap mo na sila ng maayos saka ka bumalik sa amin." Dagdag pa ni direk. Nagkunwari akong nagcecellphone malapit kina direk, pero ang totoo ay nakikinig ako sa usapan nila. Sorry, hindi ko sadyang mag-eavesdrop.

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon