Chapter 29

75 5 1
                                    

"Malay mo hindi lang naman ako ang Solana sa eroplanong 'yon!"


I just went home for about 3 hours ago, and Ashley and I were talking about the incident that happened at the plane a while ago. Hindi ko maiwasang ikwento sa kaniya, 'cause it bothered me so much. 


"For your information, napaka-rare ng pangalan mo kung hindi mo pa alam." She rolled her eyes at me habang tinutulungan akong tanggalin mga gamit ko sa maleta, "Oh sige, sabihin na nating coincidence nga 'yon, at may isa pang Solana sa eroplano. Pero paano mo ma-eexplain 'yung sinabi ng piloto na galing 'yon sa kaibigan niyang archi? Architect 'yon, girl diba?" 


I kept quiet for a minute, thinking about what she said. 


"Maraming architect sa mundo." I answered with a low voice habang nakatulala.


I heard Ashley's soft chuckle, kaya bigla akong napatingin sa kaniya, "It was very very clear na si Axel 'yon. At sa kaniya galing 'yon, okay? Bakit ba hindi mo matanggap sa sarili mo 'yon?" She sounded a bit irritated.


"Ayoko, okay? Ayoko." Maikling sabi ko, "At kung siya nga talaga 'yon ay wala na akong pakialam." 


After I said that, I saw and heard Ashley's loud gasp, "What if?" 


"What if, what? I asked curiously.


"What if nakita ka nga talaga ni Axel doon sa conference, kaya nalaman niyang nandoon ka sa eroplano na 'yon? I'm so bright diba?" She proudly said, na biglang ikinabuhol ng utak ko. 


It can't be. Natahimik ako dahil sa sinabi niyang 'yon, while Ashley continued unpacking my things. When suddenly I heard her shout. 


"Hoy kanino 'to? Sa lalaki 'to ah? Wala ka namang ganiyang jacket! Nagtake-out ka ba ng lalake doon at dinala mo ang jacket niya?" She questioned, as if she was like an investigator.


"Heck no! Why would I do that?!" I bluntly answered and raised my voice.


"Eh kanino 'to?" 


"Hindi ko din alam! The attendant just saw it on my seat, at ibinigay sa'kin pagbaba ko sa eroplano. Wala naman 'yon doon noong umupo't umalis ako doon 'no." I explained to her. 


"Eh bat hindi mo na lang sinabi na hindi 'yon sayo?" She asked again.


"I would freeze to death if I wouldn't accept that." I saw her nod as I explain more.


Pero biglang naningkit 'yung mata niya, "Sigurado ka hindi ka nagtake-out ng lalaki ah? Kasi kapag nalaman kong sa lalaki mo 'to, magagalit ako sayo." She said and rolled her eyes.


"And why?"


"Kasi una, nagsinungaling ka sa'kin. At pangalawa, hindi mo ko inuwian ng lalaki, duh." I just laughed at her reaction. 

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon