Chapter 39

72 4 15
                                    

"Sabi mo hindi na tayo boto kay Axel kasi sinasaktan niya 'tong si Solana, eh bakit sumabwat ka pa sa kaniya kahapon?"


Judi scolded at Ashley na ngayon ay nakatungo lang ang ulo. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nilang dalawa habang nagkukunwari akong nagtatrabaho. Nalaman ni Judi 'yung mga nangyari kahapon sa event, and here she goes, acting as our ate.


"Eh, iniisip ko kasi na baka may chance pa sila. Nag-promise siya sa'kin na hindi niya na sasaktan si Solana kaya pumayag na ako." Ashley answered with a low voice, dahil alam niyang kapag sumagot pa siya ng pabalang, mataas na boses ni Judi ang sasalubong sa kaniya.


Nagulat ako dahil sa sinabi niya, "You guys talked?!" I exclaimed. "Kailan pa?"


She slowly looked at me, "The other day lang. Saglit lang naman 'yon, humingi lang siya ng tulong sa'kin na pasamahan ka sa party nila, at iwan ka sa venue kahapon. 'Yun lang naman." She explained.


"Paano kung saktan niya ulit 'tong si Solana?" Judi questioned back.


"Edi sasaktan ko din siya!" Pagalit na sagot ni Ash na ikinagulat namin.


I tried to cool down the atmosphere around us, "Girls, chill. Malaki na ko, alam ko na mga ginagawa ko. Hindi naman ako gagawa ng desisyon na alam kong ikapapahamak o ikakasakit ko. Thank you for your concern, Judi. I appreciate it." I looked at her and smiled, trying to ease the lines on her forehead.


"Paano naman ako? Wala akong thank you?" Ashley pouted while looking at me.


"Wala!" Judi and I both answered.


Naging back to normal ang buhay ko kinabukasan. Pumasok ulit sa trabaho, meetings, and modellings.Na-trip-an ko ding mag-serve at mag-waitress sa restaurant na ikinagulat ng iba, lalo na ng mga costumers, but I just smiled at them. Pag-uwi ko sa bahay, kinontact ko kaagad si Kimmy, the make up artist, at sinabing sa Friday ang schedule ng ramp ko.


I took a bath, and did my skincares. Bago ako humiga sa kama, naalala kong kailangan ko palang magpalit ng bag dahil nasira 'yung zipper at kailangang ipaayos. I was taking off my things from my bag nang mapansin 'yung papel na nakaipit sa wallet ko. I remembered, it was the concert tickets ng Ben&Ben na binigay ni Axel noong nakaraang araw. Naka-schedule din ito ng Friday, oh gosh.


Ngayon ko lang naintindihan 'yung sinabi niya na kung pupunta ako dito, it means I'm giving him a chance again. Pero kung hindi, ibig sabihin, I don't want him anymore. It frustrates me so much! Dadagdag pa yata ito sa mga iisipin ko. I tried to close my eyes and sleep. May ilang araw pa ako para magdesisyon. You can do this, girl.


"Ms. Solana, today po naka-schedule 'yung interview para sa commercial po natin." Sinalubong ako ni Reign kinabukasan sa office habang hawak ang tablet niya.


"Anong oras 'yan?" I asked pagkaupo ko sa swivel chair ko.


"After lunch po, ma'am. 2 PM." She answered back and smiled.


"Dalawang senior citizen 'yan diba?" I asked again habang nagsisimulang pirmahan 'yung mga papeles na nakabalandra sa mesa ko.

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon