Chapter 36

59 4 7
                                    

"Ms. Solana, eto daw po 'yung mga papers na kailangan niyong pirmahan. Kailangan daw po 'yan ni Mr. de Vega mamaya."


"Ms. Solana, meron din po kayong business meeting mamayang 10 AM. Short meeting lang naman po."


"Ms. Solana, meron po kayong photoshoot mamaya sa Madeline Clothing, 1PM. May mga inilabas daw po kasi silang bagong designs, at gusto daw po nila na kayo po ang unang magsuot."


"Last na po, Ms. Solana, may appointment po kayo mamaya with Engineer sa site po."


My schedule is full jammed! May dahilan pala ang pagtulog ko ng maaga kagabi, I never knew ganito ka-puno ang araw ko ngayon. If you were asking, halos 5 days na ang nakalipas simula noong nag-usap kami ni Axel sa labas ng condo ko. 


And to my expectation, hindi pa din kami nag-uusap hanggang ngayon. I have to let myself heal first, I think he'll understand naman kasi hindi rin naman siya nagpaparamdam ngayon.


"Yan na ba lahat ng schedule ko ngayon, Reign?" I asked habang inaayos 'yung mga papel na dadalhin ko mamaya sa meeting.


"Uh, yes po, Ms. Solana. Gusto niyo pa po bang dagdagan?" Then she smiled, a playful one.


Kaya napangiti din ako, "Yes, please."


Bigla namang nagbago 'yung reaction niya, "Ay, hala. Joke lang naman po 'yun, Ms."


Mas lalo naman akong natawa sa reaksyon niya, "I'm serious. Please add Architect Villamor sa schedule ko today. Dinner meeting. Ikaw na bahalang mag-contact sa kaniyya. Thank you, Reign!" I stormed out, and saw her na naguguluhan dahil sa mga sinabi ko.


I think, it's already time for us to talk properly, and clear things up. I don't want him to be confused kung anong meron sa amin. I hope he'll fully understand what my decision would be. 


I headed to the conference room para sa meeting, at ako na lang pala ang hinihintay. It only took less than an hour, 'saka tinapos ko muna 'yung mga papers na kailangan kong pirmahan bago pumunta sa studio mamaya for the photoshoot. 


"Solana, dear! It was nice to see you again, lalo kang gumaganda! Bagay na bagay sa'yo 'yung mga nilabas naming design, oh goodness!" Ms. Shery welcomed me with a smile, at nakipag-beso sa'kin. She's the head designer and the co-CEO of this clothing line. She seems excited.


"Hi, Ms. Shery. Oh, thank you. Wala pa ding makakatalo sa ganda mo no." I answered back, making her smile more.


"Ayan ang namiss ko sa'yo eh." She joked, at hinila na ako papasok ng studio. 


Nagulat ako nang makita si Andi sa loob na may hawak na camera, "Andi, you're here!" I came near him and hugged him.


"Oo naman, girl 'no! Alam kong ikaw ang kukuhanan ko ngayon, kaya nagprepare ako. Don't worry, girl, gagandahan ko ang mga shots mo!" He answered while playing with my hair. 

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon