Chapter 30

72 5 1
                                    

"Girl! Alam mo ibig sabihin niyan? Pinaglalapit kayo ulit ng tadhana!"

Napalakas ang sigaw ni Ashley, kaya napayuko ako nang pinagtitinginan na kami dito sa starbucks.

"Ano ba, Ashley. Hinaan mo nga 'yang boses mo!" Nahihiyang sabi ni Judi kay Ash habang tumitingin sa paligid.

Ashley just chuckled, halatang proud na proud sa ginawa niya, "Eh, what if nga diba? Paano kung hinahabol ka niya ulit?" 

Judi looked at Ashley with an irritated face, "Naalala mo pa ba 'yung ginawa ng buwisit na 'yon sa kaibigan natin? Kung nakalimutan mo na, gusto ko lang ipaalala sayo na iniwan at sinaktan niya lang naman to'ng kaibigan natin. Tapos gusto mo pa siyang bumalik?" Judi talked a lot while pointing at me.

Bigla namang natahimik si Ashley dahil sa sinabing 'yon ni Judi. I think she just realized it just by now. We just had our lunch out, 'saka ako bumalik sa office dahil madami pa akong gagawin. Pagpasok ko palang sa office, sinalubong na agad ako ni Reign.

"Naglunch ka na?" I asked her. 

She nodded twice, "Yes, Ms. Solly. Anyway po, nag-email na po si Architect Cortez regarding po doon sa designs na gusto niyo. Nagsend na po siya ng mga choices niyo doon, and sabi niya din po pala mas okay daw po sana kung sa personal niya daw po maexplain sa inyo." Tuloy-tuloy na sabi niya.

"Okay, sige. We'll have our appointment tomorrow, ask him if it's okay ng dinner. Tapos update mo ko ng sagot niya." I walked towards my chair, sat at sumandal doon.

"Noted po Ms. Solly." She stormed out after answering me. 

Dahil wala pa naman masiyadong ginagawa, I tried to browse some mountains to hike on bandang Norte. I just missed hikings, lalo na ngayon at sobrang nasstress ako sa buhay ko ngayon. I think I needed this one. 

When I went home, I immediately checked the weather in the coming days, and it seems good. Agad kong kinontact si Ashley to tell her to come with me on the next day for hiking. We were both excited. Bumili pa ko ng bagong sapatos para sa muling pag-akyat namin. 

Unfortunately, I thought it was a sunny day. Pero madaling araw pa lang umuulan na ng sobrang lakas. Just in time to cancel the hiking, Ashley called. 

[Uy, girl. Ano, tuloy tayo?] Bungad niya.

"Of course, hindi! Nakakainis naman na ulan 'yan oh. Nag-aayos na nga ako ng gamit eh." Nagmamaktol na sabi ko na para bang teenager na hindi pinayagang gumala ng magulang.

[Ako nga din eh. Sinabihan lang ako ng kapatid ko na umuulan pala. Sayang naman, nag-leave pa naman ako sa trabaho, baka magulat sila bakit bigla akong pumasok.] She let out a small chuckle after she said that.

Hindi na lang ako nagsalita dahil naiinis pa din ako. Earlier, I was just packing my things. Pero few minutes lang ay nag-uunpack na ko ng gamit ko. 

"Reign, what's my schedule today?"

I took off my wet blazer because of that freaking rain. I was so pissed that I can't even greet my employees a while ago. I hate the rain!

"Good morning po, Ms. Solly." My secretary came near holding her tablet with my schedules for today.

"You have a photoshoot po mamayang 2PM sa BGC for the clothing line. 4PM naman po ay darating po dito ang press for an interview po." I sat on my swiveling chair while trying to dry my wet hair. I pursed my lips when I saw the pile of papers beside me.

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon