Chapter 37

59 3 5
                                    

"Girl, bakit ba kasi hindi mo pa sagutin 'yang si Marco? Tignan mo ko, I'm young, wild, but taken!"


Ashley's voice filled out the whole office. I am just slowly sipping in my coffee habang nakatingin sa kaniya. Everyday she's getting weirder and weirder. Simula noong naging sila ulit ni Dylan months ago, mas lalo siyang naging baliw.


"Whut? Anong klaseng tingin 'yan, Solana Amelie?" She asked habang nakatingin lang ako sa kaniya. Agad napakunot 'yung noo ko nang banggitin niya ang buong pangalan ko.


"I'm just saying na, why not sagutin mo na si Marco?" She explained, "Look ha, mabait naman 'yung tao, masipag, mabango pa, tapos mayaman! And take note ha, mag-iisang taon na siyang nanliligaw sa'yo. Don't tell me pusong bato ka pa din, girl ha." She rolled her eyes at me, at uminom na din ng kape.


Yeah, Marco. I met him a year ago sa runway sa New York. I was the guest and final model, tapos nakita niya 'ko. He's half Fil and half Canadian. Malapit nang mag-isang taon ang panliligaw niya sa'kin, at bilib ako sa kaniya dahil hindi pa din siya tumitigil kahit ilang beses ko na siyang nire-reject. I just, y'know, no time for love for now. Priority ko muna ngayon ang career ko.


"Hay nako, Solana ha. Sinasabi ko sa'yo, bakit hindi mo kasi bigyan ng chance si Marco? Malay mo mas better diba?" Napatingin ako kaagad kay Ashley at napakunot ng noo dahil sa sinabi niya.

"What? Malay mo lang diba?" I heard her gasp. "Wait, wait, wait. Don't tell me kaya ayaw mong sagutin si Marco kasi hinihintay mo pa ding 'yung Axel na 'yon?!" She scolded.


"Wala akong sinasabing ganiyan!" Depensa ko.


"Gosh, Solana! It's been 3 years na! Tumigil na kakaasa, ha. Walang siyang paramdam means wala na siyang pake at wala nang pag-asa, oki?" She reminded as she pats my head slowly.


3 years na simula nang umalis siya nang walang paalam at pasabi. Wala din siyang paramdam kung nasaan siya eksakto. As much as I want to follow him there, ayoko namang mag-mukhang desperada. I still have my pride and ego here. I really tried to get him out off my head, but I don't know, he's really stucked in here. 


I stood up and fixed myself. In my peripheral view, I saw Ash looking at me. Maybe thinking kung saan ako pupunta at bakit bigla ko siyang iiwan.


"Hoy, aber saan ka pupunta at tila'y biglang mo na lang ako iiwan?" I laughed because of her deep tagalog. Para siyang nanay kung magsalita.


"Marco asked for a date." I plainly answered na ikinatuwa niya, and she even clapped her hands.


"Oh my! Sasagutin mo na ba si Marco?" She asked out of excitement.


"Baliw!" I shouted habang palabas ng office.


"Go, girl! I-taken mo na 'yan, baka maraming umagaw!" She shouted back na ikinatawa ko.


Good thing, maaga akong umalis ng office. Knowing ang traffic sa Pilipinas, it really sucks. It took me an hour of waiting sa Ortigas, dagdag pa na may nagbungguan bandang Edsa. I texted Marco that I'll be late for like a few minutes, and he replied that it's fine, and that he can wait.

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon