Chapter 3

150 31 0
                                    

"Nako ma'am, sorry po talaga. Sana po tinawagan ko na lang po kayo, hindi ko naman po alam na hindi niyo po mababasa 'yung text ko." Pagkarating ko sa parking area ay agad humingi ng sorry ng paulit-ulit si kuya Noel, hanggang sa makapasok ako ng sasakyan.


"Sorry talaga ma'am, sa susunod po tatawagan na lang po kita. 'Wag niyo po akong isisante, ma'am." I smiled a bit.


"Wala 'yon, kuya. Just call me next time." Napatingin ako sa hawak kong itim na payong na hinagis sa'kin kanina."Good thing I have an umbrella." Agad namang napatingin sa'kin sa rear mirror si kuya Noel.


"Ano pong ginamit niyo ma'am? Nandito po ang payong niyo." Tinuro ni kuya Noel ang payong kong pink na nasa passenger's seat.


Kaya pala hindi ko makita sa bag ko, naiwan ko pala dito.


Hindi ko alam sasabihin ko, "A-ah, kay Ash po ito kuya, ipinahiram niya sa'kin." Pagsisinungaling ko, tumango na lang siya sa sagot ko at hindi na ulit nagtanong.


Pagkarating ko sa bahay, nagpalit lang ako kaagad ng damit dahil nabasa ako ng ulan kanina. Agad kong tinawagan si Ashley.


"Ash."


[Anong chika, girl?]


"Naalala mo ba yung muntik na bumunggo sa'kin non? Yung naka motor."


[Oo naman, bakit? Gusto mo na ba ipatrace kung kanino 'yon? Medyo memorize ko pa naman ang plate number niya.]


"Hindi, baliw. Kanina habang umuulan hinagisan niya 'ko ng payong, pero hindi ako sure kung siya nga 'yon. Pero feeling ko siya 'yon."


[Omg! Mabait naman pala! Ano 'yon, bumabawi sayo?]


"Ewan, ma at pa."


[Huh?]


"Malay ko at pakialam ko."


Napahaba ang usapan namin ni Ash, hanggang sa umabot ang paguusap namin sa project ng kapatid niya.


[Oo girl, kainis to'ng batang 'to. Nagsasabi lang na may project sila kung kailan bukas na ang submission. Eto, cramming ang peg namin.]


"May pinagmanahan naman pala 'yang kapatid mo. Hahahaha!"


[Bwiset ka.]


Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil kailangan pa nilang tapusin iyon, at magrereview pa daw si Ash. Lumabas ako ng kwarto ko para maghanap ng makakain sa kusina, naabutan ko namang kumakain si Dark sa lamesa.


"Ate! Kumain ka na?" Umupo ako sa tapat niya at umiling, naghanda naman ng plato at kutsara ang katulong namin 'saka ako sumandok ng pagkain.


"Nga pala ate, ipapakilala ko sayo bago kong girlfriend ha!" Bigla naman akong napatingin sa kaniya, at kusang kumunot ang noo ko.

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon