Nagtransfer ako sa St. Ariston University sa Maynila. I'm a second year college, taking up business ad. major in management.
Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Kasi ako, oo. Unang kita ko palang sakanya sa pagtransfer ko dito, binihag niya na ang puso ko. Nakasalubong ko siya sa corridor. Curious ako kung ano ba ang course niya.
Nang dahil magaling ako sa pang-i-stalk ay nalaman ko agad ang kanyang kurso. Pumasok siya sa isang classroom, at nagtanong ako sa isang estudyanteng papasok din doon kung ano ang classroom na papasukan niya. He is a second year business ad. major in marketing pala.
Sana ay maging blockmate kami kahit sa isang subject man lang. At natupad nga ang hiling ko. Kaklase ko siya sa math.
At dahil uso ang introduce yourself ay nalaman ko na ang pangalan niya.
"I'm Eros Villanueva, 18 years old." pakilala niya.
Napatitig nalang ako sa gwapo niyang mukha. Ugh! He's perfect. Medyo singkit ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Maputi siya at matangkad. Pang boyfriend material. I think, bagay na bagay kami, Hihi!
Kasagsagan pa ng chinese version ng meteor garden kaya ang tawag ko na sakanya ay Dao ming si, kahawig niya kasi eh. Hihi! Kinikilig ako.
Sakto pala na apat silang magkakaibigan, kaya f4 ang tingin ko sa kanila. Gwapo naman silang apat, kaso si Eros talaga ang pinakapogi para sakin.
Sinasadya ko talaga na mapalapit sakanya at magpapansin. Alam kong nahahalata niya na na gusto ko siya. Lagi niya ngang nahuhuli na nakatitig ako sakanya.
Syempre, dapat munang makipag kaibigan sakanya.
"Hi! Can we be friends?" tanong ko nang kami lang dalawa ang naiwan dito sa classroom dahil breaktime. Abala siya sa paglalaro sa kanyang cellphone.
"Ayoko makipagkaibigan sa babae." aniya habang abala sa paglalaro.
Napanguso nalang ako. At saka tumango.
Nagkaroon naman ako ng kaibigang babae, si Heart, seatmate ko. Maganda siya, tahimik lang, at matalino, laging nagrerecite sa klase.
Nang dahil sa close kami ay nalaman niya kung sino ang crush ko.
"Ay naku, kahit di mo sabihin, halata naman na gusto mo siya." aniya habang kumakain kami rito sa cafeteria.
Inayos ko na ang bangs ko nang matanaw na si Eros kasama ang mga kaibigan niya na papasok dito sa cafeteria. Nagpacute ako nang magsalubong ang aming mga mata ni Eros. Siniko naman siya ng kaibigan niya. Ken yata ang pangalan. Nag stalk ako kay Eros sa facebook at nalaman ko ang name ng mga kaibigan niya.
Inirapan naman ako ni Eros. Haay, ang pogi niya talaga kapag umiirap sakin.
Balang araw ay magiging boyfriend din kita.
Mark my word.
"Dao ming si!" tawag ko kay Eros nang tumatambay sila sa ilalim ng puno sa gilid ng football field.
Nakita ko ang pag asim ng kanyang mukha, samantalang ang mga kaibigan niya ay nagtawanan.
"Ayan na si Shan cai." rinig kong sabi nung Jiro.
Kinilig naman ako sa tawag nila sakin.
"Para sayo." inabot ko ang mini cake kay Eros.
Hindi naman ako natinag sa matalim niyang tingin sakin. Sanay na ako. Alam kong natotorpe lang siya sakin. Kaya wala naman masama kung ako ang magfi-first move, diba?
Napangiti nalang ako ng pilit nang hindi niya tinanggap ang ginawa kong cake. Si Ken nalang ang kumuha nito sakin.
"Salamat sa cake, Barbie." ngiting sabi ni Ken. Shancai, Barbie, Jill, Yan, Lian. Ang dami ko namang nickname.