"Since she was accidentally fell down the stairs and got a traumatic head injury, that’s where her depression began. She was 16 weeks diagnosed of major depressive disorder. She has always thoughts of suicide." sabi ng psychiatrist nang kamustahin ko ang kondisyon ni mama.
Nahulog siya sa hagdan?
"Now that she has seen you, there is a possibility that she will recover from her condition, dahil ikaw na anak niya ang lagi niyang hinahanap." aniya.
Tinatanaw namin si Mama na nasa duyan sa ilalim ng puno. Parang kinukurot ang puso ko nang malamang matagal na siyang nawala sa katinuan.
"Akala ko di ka na babalik." sabi ni Mama nang bumalik ako sakanya.
"May kinausap lang po ako." sabi ko.
Nandito ako sa likuran niya. Dinuyan ko siya ng mahina at sinimulan ko na ang pagkwento sakanya.
"Umalis ako Ma, dahil may naghahabol sakin." panimula ko.
"Sinong naghahabol sayo?" inosenteng tanong niya.
"Gusto niya akong saktan kaya nagtago ako." sabi ko.
Ayaw kong sabihin sakanya na si Tito Jaime iyon baka matriggered siya, pati narin ang pagtatago ko sa pulis noon.
"Nasaan po pala si Tito Jaime?" tanong ko.
"Hindi niya ako binibisita rito, hindi niya na ako mahal." aniya.
Parang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Humugot ako ng malalim na paghinga.
Tinanong ko si Mama kung kumusta na ang resort namin, at ang sabi niya ay binenta na raw ito ni Tito Jaime.
Binago ko na ang usapan namin ng mga masasayang alaala.
Ilang oras kaming nanatili sa parke at naisipan ng pumasok sakanyang admitting room. Hapon na, at wala pa pala akong matitirhan kaya kailangan ko ng umalis upang maghanap ng paupahang bahay.
"Balik ka ah, kung hindi magpapakamatay ako."
"Babalik ako Ma, promise." sabi ko.
Nakakapanlumo naman ang nangyari sakanya. Tinatagan ko nalang ang sarili ko.
Bitbit ang maleta ko na naglalaman ng mga gamit ko ay sinimulan ko ng maglakad-lakad sa gilid ng kalsada.
Panay ang linga ko na baka sakaling may apartment na marerentahan. May pera naman ako na inipon. Ang balak ko ay maghahanap ako ng trabaho pag may matutuluyan na ako. Sana nga lang ay matanggap ako sa mga kompanya na aaplyan ko kahit na anim na taon akong natengga o walang experience.
Napatingala ako sa isang billboard. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang larawan niya rito, may pangalan niya sa baba (Eros Villanueva) at ang logo ng kanilang hotel.
May dumaang sakit sa puso ko. For years ay hindi ko na siya iniisip pa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Maggagabi na, wala parin akong nahahanap na matutuluyan.
Mabuti naman at nakahanap na ako ng apartment bago dumilim. Maliit lang ang apartment, sapat na ito sakin dahil mag isa lang naman ako.
Tumawag naman sakin si Daniel at kinumusta ako.
"May nahanap ka na bang apartment?" tanong niya.
"Meron na." sagot ko.
"Kumain ka na?"
"Oo na." sagot ko. Kumain na ako sa karinderyang nadaanan ko kanina habang naghahanap ng apartment.
"Okay, mag iingat ka dyan ah. Tatawag ako ulit."