Chapter 12: Dancing

340 11 2
                                    

Lumabas na agad sila ng hotel room nang mailapag na ang mga gamit sa iisang kwarto. Quad room ang kinuha nila.

"Bilis na guys, makikipaglaro pa tayo ng volleyball sa mga boys." si Danny na nagmamadali.

Nagpatianod nalang ako sa kanila habang papalapit kina Eros na mga naglalaro ng volleyball sa baybayin. Hindi ko na inisip na nasa harap na pala ako ng resort ng kalaban. Teritoryo na nila ito.

"Hi boys! Can we join?" ipit na boses ni Danny at Toni.

Natigil sila sa paglalaro.

"Sige." si Jiro at Dwayne ang sumagot. Napalakpak naman ang dalawang bakla.

"Okay, kami ang team Gandur."

Gumilid nalang ako para manood. Parang ang ganda ng tanawin, mga abs ang nakikita ko pwera lang kay Eros na feeling macho.

"Jillian, maglalaro karin halika na." anyaya nila sakin.

Umiling ako. "Kayo nalang."

"Kj nito."

"Okay, let's the game begin."

Nagserve na ng bola si Danny.

Sa kalagitnaan ng laro ay panay ang tawa ko. Kase naman nahihirapan na ang mga bakla sa pagreceive ng bola. Mga naglulupasay na sila sa buhanginan. Parang gusto ko tuloy maglaro, hanggang sa nagsabi si Diane na "Sub."

Hinigit na ako ni Toni sa laro at hinayaan nalang siyang higitin ako. Napatingala ako kay Eros at Jiro na sobrang tangkad sa harap ko. Nakataas ang dalawang mga kamay lagpas sa net. Nakangisi sakin si Eros na parang inaangasan ako. Umirap nalang ako.

Sinet sakin ang bola at tumalon ako para paluin ito. Ayan, block ako ni Eros. Naghiyawan ang mga lalake.

Umirap ulit ako sakanya. Tss, ang yabang. Matangkad ka lang. Kahit nakatagilid ako ay kita sa peripheral vision ko ang mapangasar na mga ngiti ni Eros.

Sinerve ni Dwayne ang bola ng malakas, buti nareceive ito ng maayos ni Toni. Magaling siya sa pag receive ng bola. Sinet ni Danny ang bola kay Yohan, at ayun, napalakpak kami ng nagiba nito ang blocker niya na si Ken.

Nag stare down si Yohan kay Ken. Naghiyawan kami.

"Ay, palavarn..." panunuya ni Toni.

Pansin ko, parang may chemistry sila. Kung magtitigan kase, parang may something.

Syempre, bumawi din si Ken. Sobrang lakas ng palo niya at hindi namin nablock ni Yohan. Tinaasan ng noo ni Ken si Yohan, inangasan ito ng dating.

Nagtawanan kaming lahat.

"Aba, rivalry talaga sila." panunuya ni Danny.

Kinabahan ako nang nasa likuran na ako. Ako na at si Yohan ang magrerecieve ng bola. Sinet ang bola kay Jiro at pinalo ito. Hindi ko nareceive ang bola at sa balikat ko ito tumama.

Aray!

Rinig ko ang hiyawan nila.

Napahawak ako sa balikat ko.

"Sorry, sorry." Lumapit sakin si Jiro na humihingi ng tawad.

"Wag mo naman lakasan bro." si Eros kay Jiro.

"Sorry talaga, Jillian." paghingi ulit ng tawad ni Jiro.

"Masakit ba? Itigil na natin 'to." sabi pa ni Eros.

"Ayos lang." sabi ko. Kita ko sa mga mata ng lalake ang guilty. Ngumiti nalang ako, assure them na ayos lang at nawala din naman ang sakit.

Nagpatuloy ang paglaro at kami ang nanalo ,o talagang nagparaya lang ang mga boys. Naghiyawan kami at tumalon-talon.

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon