"Petchay kayo dyan! Sariwa pa!" sigaw ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nakalagay ang mga petchay sa bilao na minsan ay nasa baywang o ibabaw ng ulo ko.
Tirik ang araw pero binalewala ko na lamang iyon, dahil gusto kong maubos ito, na bagong ani ni Lola Zen.
Hapon nang maubos ko na ang binebentang gulay.
Natanaw ko si Lola Zen sa bakuran na dinidiligan ang pananim niyang petchay, sitaw at okra.
"Ubos na po." ngiting sabi ko nang nilapitan siya sabay paikot ng bilao.
"Hay salamat sa Diyos." aniya.
Mahigit isang buwan na ako rito sa San Gabriel. Payapa naman ang lugar na 'to. Walang krimen na nangyayari. Parang ayaw ko na ngang umalis dito. Pero naaalala ko si Mama. Kamusta na kaya siya? Tinawagan ko si Mama gamit ang cellphone ng kaibigan ko na si Mela, pero hindi ito nagriring manlang. Naisip ko na baka tinapon ni Tito Jaime ang cellphone ni mama para hindi ko matawagan. Ngayon nagsisisi ako na walang facebook account si Mama, edi sana natawagan ko siya through video call.
"Ako na po." Kinuha ko ang tabo na hawak ni Lola Zen at ako na ang nagdilig.
"Magpahinga ka na Jillian, alam kong pagod na pagod ka na." sabi nito.
"La, okay lang ito." ngiting sabi ko.
Si Lola Zen ay biyuda. May isa siyang anak na babae na may asawa na, nakatira daw ito sa Maynila. Wala na siyang balita sa anak niya.
Sa tuwing gabi at titingala ako sa kalangitan. Hinihiling ko lagi na sana ay nasa mabuting kalagayan si Mama. Sana hindi siya sinasaktan ni Tito Jaime. Naiisip ko rin minsan na hinahanap na ako ng mga pulis. Baka isa na ako sa most wanted samin. Naluluha ako minsan dahil sa pinagdadaanan ko. Maybe there's a reason why this is happening to me. Just go with the flow. Hahayaan ko ang sarili kong tangayin ng agos kung saan ako dalhin nito.
***
6 years later....
Isa ang karinderya namin sa dinadagsa dahil sa masasarap na pagkain. Abala ako sa pagseserve ng mga pagkain sa customer. May katulong naman ako na si Leah. Si Lola Zen naman at si Manang Risa na nanay ni Leah ang taga luto. Ang karinderya ay nasa gilid lang ng daan. Inarkilahan namin ang lupa. Mabuti naman at hindi kami nalulugi dahil sa dinadagsa ito ng mga parokyano.
"Ang sarap talaga ng bulalo niyo, hindi nakakasawa." puri ng isang customer.
"Salamat po." ngiting sabi ko.
Natanaw ko naman na papunta rito si Daniel sakay ng motor. Nakapagtapos na siya ng engineering 2 years ago. Masaya ako para sakanya na naabot niya na ang kanyang pangarap. Nagtatrabaho na siya sa kabilang bayan bilang isang engineer.
"Napunta ka rito." ngiting sabi ko nang pumasok siya ng karinderya.
"Namiss ko kase ang pakbet niyo eh." ngiting sabi niya sabay kindat.
Sa nagdaang taon ay naging matalik kaming magkaibigan. Minsan ay niligawan niya ako ngunit binasted ko lamang siya. Ayaw kong magpaasa ng tao at hindi pa handa ang puso ko na magmahal muli. Naiintidihan niya naman at tinanggap na hanggang magkaibigan lang kami.
"Tama na nga yang pa-kyut mo kay Jillian, ito order mo." Nilapag na ni Leah ang kanyang order.
Napatawa nalang ako.
"Naku-kyutan kalang kasi sakin." sabi ni Daniel.
"Eww, pangit mo." irap ni Leah.
Napangiti nalang ako sa dalawang ito.
"Samahan mo ako Jillian kumain." anyaya niya.
Umiling naman ako. "Tapos na ako eh."
Isang araw ay inimbitahan ako ni Daniel sa birthday party ng kanyang kapwa inhinyero. Napilitan na akong sumama sakanya, ang kulit kase.
Sa kabilang bayan pa ito. Sakay lang kami ng motor niya. Marami ng tao sa pagpunta namin doon. Malaki ang bahay ng katrabaho niya na nagngangalang Jason. May videoke sa bakuran ng bahay nito. Nakaakbay sakin si Daniel nang nilapitan namin ang birthday celebrant.
"Happy birthday Bro." bati ni Daniel. Binati ko naman ito kahit hindi ko naman kilala.
"Bro, girlfriend ko nga pala, ah este bestfriend ko na si Jillian." Magpoprotesta sana ako nung sinabi niya na girlfriend niya ako.
Ngumiti ito sakin at tumango.
"Maganda pala ang girlfriend mo, este bestfriend mo." sabi ni Jason sabay pasada sakin mula ulo hanggang paa.
"Bro, walang ganyanan." natatawang sabi ni Daniel.
"Eh, sa maganda naman talaga siya." giit nito.
Napangiti nalang ako ng tipid.
Kumain na kami. After naming kumain ay napapauwi na ako, kaso nag eenjoy pa si Daniel na kausap ang mga kaibigan niya.
Gabi na nang nabobored na ako sa pakikinig ng mga kumakanta sa videoke.
"Tara,"
Hay salamat naman at uuwi na kami. Naamoy ko naman ang alak sakanya.
"Baka lasing ka na." sabi ko.
"Hindi naman." aniya.
Makahulugan naman ang mga tingin ni Mela nang makita niya kaming magkasama sa motor ni Daniel pagkauwi. Bumaba na ako at nag thank you sakanya.
"Salamat din." ngiting sabi ni Daniel at kinindatan ako bago umalis.
"Ikaw ah, kailan mo naman sasagutin yan?" tanong ni Mela.
"Magkaibigan lang kami." sabi ko.
Sa mga nagdaang taon, lagi niya akong pinagtutulakan kay Daniel. Palibhasa kasi, siya ay may long time boyfriend.
"Wala ka ba talagang nararamdaman sakanya?" tanong niya.
"Wala." sabi ko.
"Gwapo naman siya ah."
"And so.."
Nakatingala ako sa buwan at mga bituin. Hindi pa ako makatulog. Nandito ako sa labas ng bahay. Iniisip ang mga napagdaanan ko sa buhay. Hanggang dito nalang ba talaga ko? Magtatago? Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ako napadpad dito.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Lola Zen. Lumapit siya sakin.
"Hindi pa po." sabi ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, kailan mo balak bumalik sainyo?" tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi ko po alam kung kailan ako babalik."
"Kung iniisip mo ako, na iiwan mo akong mag isa, wag kang mag alala, ayos lang ako." ngiting sabi niya.
Naikuwento ko na sakanya noon lahat ng pinagdaanan ko. Nakinig lang siya at hindi niya ako hinusgahan. Pinagkatiwalaan niya ako kahit na sinabi kong nagtatago ako sa mga pulis.
"Baka naman, wala na ang kaso sayo, tiyak, marami ng nagbago." aniya.
Ngayon niya lang nasabi sakin 'to.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
Ito na ba ang sign na bumalik na talaga ako? Paulit-ulit itong katanungan sa isip ko sa mga nagdaang taon.
Ngayon ko na talaga naisip.
Six years is enough, I think, kailangan ko na nga talagang bumalik.
Bahala na kung ano ang magiging kapalaran ko sa pagbabalik.
***