Trigger Warning: Suicide**
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Papungas-pungas ako ng mga mata nang kinuha ang phone na nasa ibabaw ng mini table, at nakitang tumatawag si Jillian.
Dumaan naman ang sakit sa puso ko. Hatinggabi na, tumatawag pa siya sakin. Hinayaan ko nalang na magring ito hanggang sa makatulog ulit ako dito sa may couch, nagbabantay kasi ako kay papa dito sa ospital.
"Do you break-up with her?" tanong ni Shayne nang dinalaw ko siya kinaumagahan. Nakahilig siya sa headbord ng hospital bed.
Tumango nalang ako.
Ngumiti naman siya.
"So, tayo na?" tanong niya.
Napasinghal nalang ako. "Wala yan sa kondisyon, ang sabi mo hihiwalayan ko lang siya."
"Kaya nga, ngayong hiwalay na kayo, we can be together na."
"Hindi kita mahal." pag amin ko.
Lumungkot naman ang mukha niya.
"You will love me back, basta bigyan mo ko ng chance na mahalin ka." she said.
Pumikit ako ng mariin.
"Shayne, magpahinga ka na muna, saka na natin 'to pag usapan." sabi ko.
She nodded slowly.
Naabutan ko si mama sa room ni papa. Siya naman daw ang magbabantay, magpahinga naman raw ako.
Malumbay akong umuwi sa resort. Naisipan ko namang puntahan si Jillian. Sasabihin ko sakanya ang totoong pakikipaghiwalay ko sakanya kagabi
"Diba dapat ikaw ang tanungin ko kung nasaan ang anak ko?" asik sakin ng mama ni Jillian pagpunta ko sa bahay nila.
Bumigat ang dibdib ko.
"Hindi ko po siya kasama." sabi ko. Bumaling ako ng tingin sa kasintahan nito na tahimik lang.
"Pag may nangyaring masama sa anak ko, ikaw ang sisisihin ko!" duro niya sakin.
Dalawang linggo na ang nakalipas nang hindi pa bumabalik si Jillian sa bahay nila. Sinisisi ko ang sarili ko sa paglalayas nito. Alam kong dahil 'to sakin.
Nadischarge na si papa sa ospital. Sa ngayon ay nagpapagaling siya at araw-araw na kinokonsulta ng personal niyang doktor. Si mama naman ay bumalik na ng Maynila. Wala na yata talagang pag asa na magkabalikan pa sila.
Lumipas na ang isang buwan nang wala paring balita kay Jillian. Sobra na akong nag aalala sakanya. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Nagpatulong na ako sa mga kaibigan ko na baka mahanap nila si Jillian sa Maynila. Wala raw ito sa bahay nila sa Maynila sabi ni Jiro nang pumunta ito doon.
'Ang tanga mo.'
'Bobo ka.'
Namamalayan ko nalang ang sarili kong inuuntog ang ulo ko sa pader kapag sinasambit iyon. Gawain ko na ito tuwing nagsisisi ako at nagagalit sa sarili. Manhid na yata ang ulo ko dahil sa tuwing inuumpog ko ang ulo ko ay hindi ko na maramdaman ang sakit.
Suicidal akong tao at hindi alam 'yun ng pamilya ko.
Lumipas pa ang ilang buwan nang wala paring balita kay Jillian. Unti-unti na akong nawawalan ng pag asa.
Dumagdag pa sa problema ko ang takdang engagement namin ni Shayne.
"Pa, ayaw ko sakanya! Hindi ko siya mahal!" mariin kong sabi.
Nasa rooftop ako, nakatayo sa railings. Gabi kaya walang makakakita sakin dito. Paulit-ulit na rumirehistro sa isipan ko ang pakikipaghiwalay kay Jillian.