Kinalimutan ko na siya ilang taon na ang nagdaan. Parang bumalik yung pamilyar na pakiramdam. 'Yung pakiramdam na ang sakit. Na kahit iwasan ko ang sakit ay patuloy paring bumabalik.
Mahal niya pa raw ako.
Baka naman, naaawa lang siya sa nangyari sakin.
Imposible naman na mahal niya parin ako. 6 years na ang nakalipas, parang wala sa pagkatao niya ang pagiging faithful.
Humugot ako ng malalim na paghinga para gumaan ang bigat sa dibdib ko, pero bumalik parin ang bigat nito.
Wala akong ibang masabi kundi..
"Hindi na kita mahal," sabi ko, hindi ko tiningnan ang ekspresyon niya at tinalikuran na siya.
Nakapasok na ako ng bahay na tulala. Bumungad sakin si Mama na nakangiti.
"Kumain na tayo." aniya.
Ngumiti naman ako ng tipid.
Pagpasok ko pa lamang ng convenience ng umaga ay bumungad na sakin si Eros. Parang napatalon ang puso ko sa gulat.
Nakasuot siya ng corporate attire. Umiinom siya ng kape.
Dire-diretso naman akong tumungo sa counter.
"Shet! Ang gwapo niya." kinikilig na sabi ni Alyssa.
"Sino?" kunot noo kong tanong.
Nginuso niya naman kung nasaan si Eros.
"CEO daw yan, oh my god! Baka bet niya ako."
Nagkibit balikat nalang ako.
Impit siyang napatili na parang teenager.
Ako na ang pumalit sakanya bilang cashier. Si Alyssa hindi pa umaalis. Nakaupo malapit kay Eros. Nagtama ang mga mata namin ni Eros. Agad akong umiwas ng tingin at inaabala ang sarili sa computer.
Dumating narin si Jd na papalit na salesman kay Ryan. Makalipas ang isang oras ay hindi parin umaalis si Eros. Nakaalis na lamang si Allysa, nandyan parin siya. Pangatlong balik na yata siya sa vending machine para kumuha ng kape. Hanggang sa lumapit siya sakin dito sa counter para bilhin ang isang biscuit. Nakayuko lang ako habang ini-scan ang binili niya at binigay na sakanya. Nagkatinginan kami.
Nakita ko ang bukol sa gilid ng kanyang noo. Kumunot ang noo ko. Agad naman siyang tumalikod at bumalik sakanyang pwesto.
Ba't siya may bukol sa noo? Napaaway ba siya? Nadulas?
Hindi nagtagal, sa wakas at umalis narin siya.
"Sagutin mo na kase si Pogi." pang aalaska sakin ni Jd. Kanina pa siya. Tinaliman ko nalang siya ng mga mata ko.
Dumating si Daniel nang malapit na akong mag out. Niyaya niya na naman akong mamasyal. Parang napatalon ako sa gulat nang biglang pumasok si Eros. Napatingin siya samin dito sa counter. Yumuko siya at dumiretso sa kanyang bibilhin.
Naalala ko, sinabi ko nga pala sakanya na boyfriend ko itong si Daniel.
Lumapit na siya samin, may dala siyang isang cone ice cream. Mabilis ko naman itong ini-scan. At nang matapos na siyang magbayad ay umupo siya doon sa gilid para kainin ang ice cream.
"Saan naman kaya tayo mamamasyal?" tanong ni Daniel.
Nagkibit balikat ako.
Natapos na ako sa trabaho ay hindi parin umaalis si Eros. Naubos niya na lamang yung kinakain niyang ice cream. Lumabas na kami ni Daniel nang dumating na ang papalit sakin.
Nang makasakay na ako sa sasakyan ni Daniel ay natanaw ko si Eros na pinagmamasdan lang kami. Malungkot ang itsura niya.
"Kilala mo ba yung lalaking customer? Kanina pa kasi yun tingin ng tingin sayo." sabi ni Daniel habang nagmamaneho siya.