Chapter 17: Sunset

246 9 0
                                    

"Ma'am, pinapamigay po ng manliligaw niyo." si Leslie na front desk ng hotel, inaabot sakin ang bulaklak at tsokolate nang makapasok ako ng lobby.

"Sino?" tanong ko. Malay ko ba, baka hindi kay Eros 'to.

"Yung pogi pong kakompetensya niyo sa resort."

Kumurba ang bibig ko at tinanggap ko na ang bigay ni Eros.

"Hindi po ako makapaniwala Ma'am na nililigawan po kayo nun." singit ni Rhea na housekeeper.

"Babastedin ko lang naman yun." biro ko.

Parang nagulat pa sila sa sinabi ko.

"Kawawa naman pala si Sir. Pogi, babastedin lang ni Ma'am." sabi ni Rhea na napaniwala sa biro ko.

Pumunta na ako sa opisina ko. Pagkaupo ay tiningnan ko ang bulaklak at tsokolate. Uminit ang pisngi ko. Mukhang desidido na talaga ang mokong na manligaw.

Sabi niya kagabi na aalis siya ng umaga papuntang Maynila para sa negosyo. Apat na araw daw siyang mawawala.

Sa sumunod na mga araw ay nakatanggap na naman ako ng bulaklak at tsokolate galing kay Eros. May inutusan ang mokong na magpadala rito.


"Did you missed me?" rinig kong baritonong boses saking likod. Nandito ako sa baybayin, sinisipa ang white sand, libangan ko kapag gusto ko magmuni-muni.

Humarap ako kay Eros na nakamulsa. Black muscle tee at board shorts ang kanyang suot. Ayan na naman ang mukha niyang nagpapacute.

"No." tipid kong sabi. Pero ang totoo ay namiss ko siya. Apat na araw ba namang hindi ko siya nakita.

"Pero ako, namiss kita." aniya.

Uminit ang pisngi ko.

"Swimming tayo." anyaya niya.

Palubog na ang araw at okay naman na lumangoy kami. Kase hindi kami makikita.

'Bakit? Ano bang iniisip mong mangyari Jillian?' tanong ko sa sarili ko.

Kunware ay nag isip pa ako ng matagal. Napatalon nalang ako sa gulat nang sinabuyan ako ng tubig ni Eros. Tumatawa siya habang ako ay iritado na. Hinabol ko siya at hinampas siya ng tubig.

Naghabulan na kami sa tubig hanggang makapunta sa hanggang balikat ko ng tubig.

Nang dahil matangkad siya ay hanggang abs niya pa ang tubig.

"Ang ganda ng sunset." aniya habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Tinitigan ko ang naka sideview niyang mukha. Ang matangos niyang ilong, ang lips niyang kissable hanggang sa adam's apple niya. Shet! Ang gwapo talaga nito. Bigla siyang lumingon sakin kaya nahuli niya ang titig ko.

"Sasagutin mo na ba ako?" tanong niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Agad naman akong umiling. "Hindi pa noh."

"Kasi kapag tayo na, iyong iyo na ako, pagmamay ari mo na ako, lahat ng gusto mo, ibibigay ko, pati ang mundo ko,"

Sana hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.

"Pati ang katawan ko." Tumawa siya. Hinampas ko naman agad siya ng tubig.

"Aray ko naman." aniya habang kinukusot ang mga mata.

"Ay, sorry."

Kinukusot niya parin ang mata, nakapikit siya ng mariin. Naguilty naman ako. Lumapit ako sakanya at tiningnan ang mga mata.

"Patingin nga." sabi ko sabay hawak sa ulo niya.

Nakita ko nga ang pamumula ng mata niya.

"Kiss mo, baka mawala ang hapdi." aniya.

Kahit nagbibiro lang naman siya ay ginawa ko parin ang gusto niya. Hinalikan ko ng mabilis ang isang mata niyang napapikit dahil sa gulat.

"Oh ayan, nawala na ba ang hapdi?" tanong ko. Ang bilis na ng pintig ng puso ko.

Kita ko sakanya ang pagkagulat dahil sa ginawa ko.

"Heto pa, mahapdi." turo niya sakanyang labi.

Aba't, sumusobra na siya ah.

Umirap ako, pero sa pagbalik ko ng tingin sakanya, nagulat ako nang mabilis niyang nilapat ang kanyang labi sa labi ko. Marahang halik ngunit parang natunaw ang puso ko. Tumugon ako sa mga halik niya, parang nakakaadik siyang halikan.

"I love you." aniya sa pagitan ng mga halikan namin.

Pareho na kaming kumalas sa halikan. Namumungay ang kanyang mga mata.

Magkadikit ang mga katawan namin. I felt something poking in my tummy. Mabilis akong lumayo sakanya. Kita ko ang pamumula ng tenga niya.

"Ah, umahon na tayo." sabi ko.

Tumango siya.

"Mauna ka na," saad niya.

Tumaas ang kilay ko.

"May pinapalambot lang ako." bulong niya na hindi naman nakatakas sa pandinig ko.

"Hmm, sige." sabi ko.

Nang nasa pangpang na ako ay nandun parin siya. Kumaway ako at tinuro ang resort namin.

Para akong lumulutang habang naglalakad sa buhanginan, hindi makapaniwala sa paghahalikan namin. May nakasalubong akong lalaking foreigner na wagas kong makatitig sakin.

Ay patay! Wala akong towel. Sana hindi bakat ang bra ko. Dumaan ako sa gilid ng resort at pumasok na sa bahay ng basang-basa.

Nagulat ako nang makita si Mama sa sala na may kasamang isang lalaki. Tumayo agad ang dalawa nang makita ako. Nagtataka akong napatingin sa lalakeng kasama niya. I think mga nasa mid 40's na ang edad nito. Mukhang ang gwapo niya nung kabataan niya. Matipuno ang pangangatawan at sorry sa pagjudge agad sa lalake, mukha siyang babaero.

"Jillian, anak, ba't basang-basa ka." untag ni mama.

Napayakap naman ako sa sarili ko.

"Lumangoy po ako." sagot ko sabay baling doon sa lalake. Ngumiti ito sakin.

"Bakit hindi ka nagdala ng towel?"

"Biglaan po kase." ngiting sabi ko kay Mama.

Pansin ko ang kakaibang hagod ng tingin sakin ng lalake nang nilingon ko siya muli.

Umakyat na ako sa kwarto ng mabilis. Pumasok ng banyo at naligo. Lumipad ulit ang isip ko kay Eros.

Gosh!

Realization hits me. Yun ang kauna-unahan naming halikan with the background pa ng sunset.

Matapos maligo ay nagbihis na ako at bumaba.

"Anak, ito nga pala ang Tito Jaime mo, boyfriend ko." pakilala ni mama sa lalake. Hindi ko maitago ang gulat sa mukha ko.

Ngumiti sakin ang lalake. "Hi, Jillian."

Ngumiti naman ako ng pilit sa lalake.

Kung gayon, masaya ako para kay Mama na nakatagpo siya ng lalaking mamahalin niya. Bata palang ako, mga 4 years old ako nang mamatay ang papa ko dahil sa pagkakalunod.

Kumain kami ng hapunan. Si mama ang nagluto. Habang kumakain ay parang naiilang ako kay Tito Jaime. Everytime na nagtatama ang mga mata namin ay ngumingiti siya.

"May anak narin ang tito Jaime mo, dalawang binata, ang isa kaedaran mo, mamemeet mo rin sila soon and they will become your stepbrothers." Napatingin ako sa kamay ni mama na lumapat sa kamay ni Tito Jaime na nakarest sa mesa.

Step-brothers? So it means, may balak siyang pakasalan si Tito Jaime.

Okay, kung saan siya masaya, dun ako.

Ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa.

***

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon