Chapter 36: Rain

218 8 0
                                    

Pinanlisikan ko siya ng mga mata ko nang lumabas na kami ng board room. Kasabay ko siya sa paglalakad dito sa hallway. Nauna ng nakaalis si Ms. Shiela.

"Anong sabi mo? May nagseselos?" taas-kilay kong tanong.

Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya. E, anong pakealam ko kung nakikipagdate siya, kahit nga ikasal pa siya, wala akong pakealam.

Tumigil ako sa paglalakad. Kita ko ang kaba sa mukha niya. Napakamot siya sa batok.

"Just kidding." pilit na ngiting sabi niya.

Umirap ako sakanya.

"Kung may balak ka pang i-transfer sa pangalan ko, wag mo ng gawin, kahit ako nalang ulit ang mag t-take over ng posisyon mo." aniya.

"Edi, sabihan mo si mama na sumama na sakin." sabi ko.

Tumango naman siya.

"Oo, sasabihan ko si mama, ah este si Tita Olivia."

Muli akong umirap.

Pansin ko naman ang mga empleyadong nababaling ang tingin samin.

Dumiretso na ako ng lakad patungong elevator. Nang makapasok na ay nakatingin lang siya sakin hanggang sa magsarado na ang pinto ng elevator.

"Anong sabi ni Eros na tinransfer mo na raw sa pangalan niya ang resort na 'to?" takang tanong ni mama pagpasok niya dito sa hotel room.

Buti naman at sinunod ni Eros ang sinabi ko.

"Oo ma, kaya umalis na tayo rito." sabi ko.

Lumungkot naman ang mukha niya.

"Ma, may trabaho naman ako eh, atsaka nakakahiya sakanya kahit pa ipinangalan niya sakin ito." wika ko.

Bumuntong-hininga siya.

"Sige, pero magtatrabaho parin ako dito kahit anong posisyon pa yan, gusto ko kasi magtrabaho dito." aniya.

Napasinghap nalang ako.


This is her passion. Sino naman ako para pigilan siya sakanyang pangarap.

Inassign si mama bilang isang Housekeeping Supervisor. Tuwang-tuwa siya dahil mataas agad ang posisyon niya sa trabaho. Ano pa nga ba, si Eros lang naman ang naglagay sakanya sa trabaho.

Naghanap ako ng apartment malapit sa resort, at nakahanap naman ako agad. Dito si Mama mag i-stay. Ako naman ay pinag iisipan ko pa kung dito narin ako magtrabaho, hindi sa resort ni Eros. Maghahanap ako sa bayan.

Gabi nang palabas na ako ng hotel. Uuwi na ako sa Maynila, at pag iisipan ko na magresign sa tinatrabahuan ko.

Nakita ko agad si Eros sa may lobby. Dumiretso na ako palabas hanggang sa gilid ng kalsada.

"Saan ka pupunta?" tanong niya. Tinabihan niya ako.

"Uuwi." sabi ko.

"Saan?"

"Maynila."

"Hatid na kita."

"Ayokong makaabala."

"Hindi ka abala sakin."

Sinulyapan ko siya.

"Wala ng dumadaang sasakyan oh, atsaka malalim na ang gabi, delikado." sabi niya.

"Kaya ko ang sarili ko." sabi ko.

Muling sumagi sa isipan ko ang pangyayaring yun. Tinanaw ko ang kalsada sa harapan namin. Dito mismo sa kalsadang ito ako tumakbo at hindi alam kung saan tutungo.

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon