Chapter 21: Talk

204 7 0
                                    

We've been together for almost 3 months. Patago ang relasyon namin kay Mama. Gusto ko man sabihin sakanya ang relasyon namin pero pinapangunahan ako ng kaba. Alam ko kasi na tutol si Mama sa relasyon namin ni Eros. Palagay niya kasi ay karibal parin ang turing sakin ni Eros na ginagamit lang ako. Pareho sila ng instict ng papa ni Eros. They think that we were a business rival.

Alam narin ng mga kaibigan ko na si Danny, Toni at Diane nang minsan ay pumunta sila dito sa resort. Hindi sila makapaniwala na boyfriend ko na si Eros.

Minsan naman ay nakikita ko si Shayne na magkasama sila ni Eros for a business purpose. Minsan, nakakaramdam ako ng selos dahil may something talaga  sa tingin ng babae kay Eros. Ito namang boyfriend ko, patay malisya lang yata sa motibo na pinapakita nung Shayne sakanya.

"Ayaw mo ba talaga?" mababakas ang lungkot sa tanong ni Eros. Iniimbitahan niya kase ako sa engagement party ng kanyang pinsan sa Maynila.

"Hindi kasi papayag si mama." sabi ko. Nandito kami sa dagat ng hapon. Hanggang balikat ko na ang tubig, samantalang siya ay nasa bandang siko niya pa.

Bumuntong-hininga siya at tumango. Yumuko siya at ginawaran ako ng marahang halik na tinugunan ko naman. Hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Eros, wag d-dito." nakikiliti na ako sa dampi ng halik niya sa leeg ko.

"Tsk, bitin." singhap niya.

Sa sumunod na araw, malungkot ako dahil hindi ko masasamahan si Eros. Ngayong araw na yung sinasabi niyang engagement party ng pinsan niya. Gusto ko sanang sumama talaga pero may hadlang. Nakakalungkot talaga.

Hanggang sa nakita ko nalang ang picture ni Eros sa facebook. Tinag siya ni Shayne. May dumaang kirot sa puso ko na magkasama sila. Parang sila 'yung nag-date.

Nakaramdam ako ng selos. Ba't hindi sinabi ng lalaking 'yun na si Shayne pala ang kapalit sakin?

Sa mga pictures makikita na lagi silang magkasama. Nakakapit ang babae sa braso ni Eros, at may larawan na nagbubulungan sila at nagtatawanan.

Naiinis ako!

"Akala ko sasabay lang siya sakin sa Manila para umuwi, yun pala gusto niya pang sumama sakin sa party." paliwanag sakin ni Eros nang magkita kami sa dalampasigan sa sumunod na araw.

Nakataas ang kilay ko. 'Yung inis na nararamdaman ko ay biglang naglaho sa paliwanag niya.

"Wag ka ng magtampo, sa susunod na mag aatend si Shayne ng engagement party ay sa atin na." aniya.

Kunware ay umirap ako, pero deep inside ay kumalabog ng husto ang puso ko at uminit ang pisngi ko.

Haay, marupok ka talaga Jillian. Kanina lang, balak mong tadyakan si Eros.

"Ayiee, kinikilig yan, gusto mo na bang maikasal sakin?" panunuya niya. Yumuko siya at dinampian ako ng halik sa pisngi.

Umirap ako at humalukipkip, pinipigilan ang mapangiti. As if naman siya talaga. Pero sana, siya nga ang maikasal sakin.

Nakahiga na ako sa kama, pagulong-gulong ako, hindi ako makatulog. Iniisip ang nangyari kanina. Para akong teenager kung kiligin. Kase naman, ang gwapo ng soon to be husband ko. Pumikit ako at pinilit na matulog. Hanggang sa naramdaman kong may nagbukas ng pintuan. Siguro si mama, ichecheck ako kung tulog na ako.

Narinig ko ang yapak patungo sakin. Umuga ang kama. Nakapikit lang ako. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan ng may kamay na dumapo sa legs ko. Napamulat agad ako ng mga mata.

I saw the shocked expression of my step-father and he stood up immediately.

Bumangon ako. "B-bakit po?" kinakabahan kong tanong.

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon