Chapter 9: Gun

338 7 0
                                    

"Jackpot tayo nito sa may ari ng dalawang resort."

"Imbes na isa lang, naging dalawa."

Rinig ko nang magmulat ang mga mata ko.

Hindi ako makagalaw dahil nakatali ang mga kamay at paa ko dito sa upuan. Nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sakin. Nagulat ako nang makita sa gilid ko si Eros na walang malay. Nakaupo rin siya at nakatali ang mga kamay at paa.

"Gising na pala ang baby girl." Lumuwa sa pintuan ang nakamaskarang lalake, at sinundan pa siya ng tatlo pang nakamaskara.

"Anong kailangan niyo samin?" kinakabahan kong tanong.

"Hoy pogi! Gumising ka narin." Niyugyog ng isang lalake si Eros.

Nagising si Eros na gulat na gulat sa nakikita at sakin. Nagpupumiglas na siya.

"Parang awa niyo na po, palayain niyo na po kami." nagmamakaawang sabi ko.

"Palalayain namin kayo kapag nakuha na namin ang tumatagingting na ramsom." natatawang sabi ng lalake.

Ransom? Baka ubusin nito lahat ng pera namin.

"At kapag nagalaw na kita." Hinawakan ako ng isang lalake at hinipuan ako sa legs. Bigla akong kinilabutan.

"Wag po." pagmamakaawang sabi ko at nagtawanan sila.

"Magbibigay ako ng pera, wag niyo siyang gagalawin!" mariing sigaw ni Eros.

"Share mo naman samin ang sexy'ng katawan ng girlfriend mo."

Matatalim ang tinging iginawad ni Eros sa mga kidnapper. Nangingilid na ang mga luha ko sa takot.

"Anong phone number ng pamilya mo?" Lumapit sakin ang isang lalakeng may hawak na cellphone.

"Ako nalang ang magbibigay ng ransom." sabi ni Eros.

"Tumahimik ka! Kaya nga kinidnap ka pa namin para doble ang ransom." sigaw ng lalake kay Eros.

Labis na akong kinakabahan. Baka mapahamak din si Mama.

Umiling ako.

"Ayaw mo, edi gusto mong mamatay?" sigaw sakin ng lalake.

"P-pero wag niyong sasaktan ang mama ko." naluluhang sabi ko.

"Ibibigay niya lang naman ang pera samin!" mariing sabi nito sakin.

Sa huli, ay sinabi ko na sa kanila ang numero, at ganun din si Eros.

"Hello! Mrs. Mendez." Tinawagan na nila si Mama.

Kilala niya kami?

"Hawak namin ang anak mo, palalayain namin siya kapalit ng isang milyong piso."

Huh? Isang milyon?

Nilapit niya ang phone sakin.

"Hello, anak? Jillian?" rinig ko ang pag iyak ni Mama sa kabilang linya.

"M-ma.."

"Huwag kang mag alala, gagawin ko ang lahat para--"

Nilayo na sakin ang cellphone.

"Sa oras na may makita akong pulis na kasama mo, iuuwi ko ang anak mong bangkay na." sabi ng lalake at sinabi na nito kung saan sila magkikita.

Ganun din ang sinabi niya sa sunod niyang tinawagan, ang pamilya ni Eros.

Mabigat ang dibdib ko sa mga sumunod na oras na nakatali ako rito sa upuan. Iniwan na kami ng mga kidnapper dito sa abandonadong gusali.

Nilingon ko si Eros na nakatingin sakin. May bahid ng awa ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako. Ako lang dapat ang nakidnap hindi siya. Siguro nung nawalan ako ng malay ay nilabanan niya ang mga kidnapper. May pasa kase siya sa gilid ng kanyang labi.

Dumating na ang mga kidnapper na nag inuman saglit, mga nakamaskarang itim parin sila na mga mata lang at bibig ang nakikita.

"Ang ganda naman nitong cellphone mo, pogi." sabi ng isang lalake.

"Akin na nga yan, ako ang nakakuha sa bulsa niya." Inagaw ng isang lalake. Parang siya yung leader sa kanila.

Tumingin ako kay Eros na mabibigat ang paghinga. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa mga kidnapper.

"Pwes, akin nalang 'to." Lumapit sakin ang isang lalake at tumindig ang mga balahibo ko nang hipuan niya ako sa legs.

"Wag po.."

Nagpumiglas ako.

"Don't touch her!" madiing sabi ni Eros.

Labis-labis na ang kabog ng dibdib ko. Para akong nahihirapan sa paghinga.

"Ano raw sabi niya?" tanong nung nanghipo sakin sa mga kasamahan niya.

"Wag mo raw hahawakan." natatawang sabi nila.

"Eh kung gusto ko." Napatalon ako sa gulat nang dakmain niya ang dibdib ko.

"Wag po.." naluluhang sabi ko.

"Sabing wag mo siyang gagalawin!" nangangalaiting sigaw ni Eros.

"Ang tapang mo ah." Tinulak si Eros at napasubsob siya sa sahig.

"Wag niyo siyang sasaktan, please.." pagmamakaawa ko.

Hinila ng lalake ang buhok ni Eros upang umangat ang ulo nito at biglang sinuntok sa mukha.

"Wag!" Wala akong magawa kundi ang sumigaw at magmakaawa.

Nagtawanan ang mga kidnapper.

Itinihaya si Eros at sinuntok pa sa mukha. Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita.

"Mga demonyo kayo! Pag ako nakatakas dito--" sabi ni Eros ngunit inapakan ng malakas ang kanyang tiyan. May dugo na sakanyang bibig.

"Parang awa niyo na.."

Pilit na tumatayo si Eros ngunit pinapatumba siya ng mga lalake.

Awang-awa na ako sa kalagayan niya.

Lumapit ulit ang lalake sakin at nagulat nang hinahalikan niya na ako sa leeg.

"Wag, hmmp.." Umiiwas ako sa mga halik niya.

"Putangina niyo!" malutong na mura ni Eros. Pabangon na si Eros nang hampasin siya ng upuan. Tumba siya ulit sa sahig at patuloy na may lumalabas na dugo sa bibig.

"Wag..." naiiyak na sabi ko.

Hihilain na sana ang short ko, napatigil ito nang makarinig ng sirena.

"Puta!" malutong nilang mga mura.

"May nakamanman satin!"

Siguro nga, may nakakita sa kanila at nagsumbong agad sa mga pulis.

"Hostagin niyo ang mga 'to."

Hinila ako patayo ng lalake at pinulupot nito ang braso sa leeg ko habang nakatutok ang kanyang baril sakin.

Tumingin ako kay Eros na wala ng malay. Parang nadudurog ang puso ko nang makita siyang wala ng malay.

May mga pulis na dumating. Nakipagtutukan ang isang kidnapper ng baril sa mga pulis. Dalawa lang ang baril ng mga kidnapper. Yung dalawa, walang hawak.

"Ibaba niyo ang baril niyo, kundi sabog ang bungo ng babaeng 'to!" sigaw ng may hawak sakin.

Napaubo ako sa mahigpit niyang pagkakasakal sakin.

Napatalon ako sa gulat nang umalingawngaw ang putok ng baril. Biglang natumba ang lalakeng hawak ako. Natanaw ko ang pulis na bumaril sa may bintana sa gilid ng gusaling ito. Natumba rin ang may hawak pa ng isang baril dahil binaril din ito. Napataas nalang ng kamay ang dalawa pang kidnapper na walang hawak na baril.

Lumapit samin ang mga pulis at inalalayan na ako at si Eros na walang malay.


***

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon