Eros Villanueva:
Nandito ako sa baybayin, hehe.Hindi ko alam kung ano ang irereply ko nang mag-chat si Eros kinagabihan. Hinipan ko ang tumakas na bangs sa mukha ko. Badtrip siya. Arrgh!
Sineen ko lang ang chat niya at natulog na.
Kinaumagahan, palabas ako ng bahay nang namataan ko si Eros sa parking lot nila. Kausap niya yung babae na nakabikini kahapon. Maganda ang babae. Blonde ang mahabang buhok nito, maputi, at balingkinitan ang katawan.
Parang kinukurot ang puso ko sa natanaw. Yumakap ang babae kay Eros at kumaway na bago sumakay ng sasakyan nito.
Eros Villanueva:
Pwede ba tayong magkita sa baybayin? Hehe.Tumaas ang kilay ko nang magchat sakin si Eros, nasa opisina na ako.
K. Before lunch. -reply ko.
Paaasahin din kita, gago ka!
Nagkita nga kami before lunch sa baybayin. Ngumiti siya sakin ng pagkatamis-tamis. Pinigilan kong mapairap.
"Hmm, nag lunch ka na ba?" tanong niya. Ang bobo naman nito. Kaya nga before lunch eh.
I shook my head. "Hindi pa."
"Sabay na tayo, saan mo gusto?"
"Sige. Ikaw na bahala kung saan." sabi ko.
Dinala niya ako sa kanilang resto. Infairness naman sa resto nila, pero mas maganda parin ang resto namin. Lumapit ang isang waiter at inabot samin ang menu.
"Anong gusto mo?" tanong niya.
"Steak." sabi ko. Tumango siya at tinawag niya ang waiter para sa order namin.
Panay ang linga ko sa paligid. Konti lang ang customer. Maganda naman ang ambiance.
Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder namin. Natakam naman ako sa pagkain, ang bango.
"Kain na tayo." aniya. Tumango nalang ako.
Hmm, masarap naman ang pagkain nila kahit papaano.
Iinom na sana ako ng orange juice nang may nakita akong lumulutang na patay na langgam sa juice.
"May langgam."nandidiring sabi ko sabay pakita sakanya ng baso ko.
"Huh?" takang tanong ni Eros.
"Waiter." tinawag niya ang waiter at pinapalitan ang orange juice ko.
"Nakakapaganda kaya ng boses ang langgam." nakangiting sabi ni Eros.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So, hindi maganda ang boses ko kung hindi ako kakain ng langgam, ganun?"
"What I mean is, mas lalong gaganda ang boses mo."
Umirap ako. Gumagana ngayon ang pagkabitch mode ko. Bumalik na ang waiter at may dala ng bagong juice.
"Sorry kung... nabadtrip yata kita dahil sa langgam." aniya. Nahalata niya yata na mukha akong iritado.
"Okay lang." sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.
Nang matapos sa pagkain ay nakita ko sa mukha ni Eros na parang tinitimbang ako. Ngumiti siya ng pilit sakin.
Tumayo na kami at lumabas na ng resto. Nagulat ako nang makasalubong namin ang papa niya. Ginapangan ako ng kaba sa matalim niyang hagod ng tingin sakin. Naramdaman ko ang paghawak ni Eros sa kamay ko. Napatingin naman doon ang papa ni Eros.
"Pa, si Jillian, ang nililigawan ko." pagpapakilala sakin ni Eros.
Kumunot ang noo nito.
"How come, na ang nililigawan mo pala ay kalaban natin sa negosyo." mataman na sabi ng kanyang papa.
Tumindi ang kabog ng dibdib ko.
"Baka hinahanapan niya lang tayo ng ikakasira natin." dagdag nitong sabi. Walang pakealam na naririnig ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa kamay ko ni Eros.
"Pa, nililigawan ko siya, nakakahiya ang pinagsasabi mo." sabi nalang ni Eros. Napailing nalang ang kanyang papa at nilampasan na kami.
"Sorry sa inasal niya." baling sakin ni Eros.
Tumango ako. "O-okay lang."
Naiintindihan ko naman. Kahit yata si Mama ay ganun din ang magiging reaksyon at trato.
Hinatid niya ako sa resort namin. Kumaway siya at kumaway din ako pabalik.
Napagtanto ko na parang malabo talagang maging kami. Hindi ko maimagine na maging boyfriend ko si Eros. Parang ang layo namin sa isa't-isa.
Habang maaga pa, kailangan ko na siyang bastedin. Walang patutunguhan ang panliligaw niya.
Gabi nang magchat si Eros na nasa baybayin siya. Bumuntong-hininga ako. Parang mabigat ang dibdib ko sa plano ko ngayon.
Nakita ko naman agad si Eros na nakapamulsang nakatanaw sa dagat. Kinakabahan akong lumapit sakanya.
Ngumiti siya nang makita ako. Ngumiti naman ako ng pilit sakanya. Parang kinukurot na ang puso ko sa balak na sasabihin.
"Gusto mo bang pumunta ng Amusement park?" tanong niya.
"Itigil mo na ang panliligaw sakin." matapang kong sinabi.
I saw the pain in his eyes. Napayuko siya.
"Bakit?" malungkot niyang tanong.
"Basta." sabi ko.
"Boring ba akong kasama." malungkot niya pang tanong.
"Hmm, hindi naman."
"Dahil ba kay papa?"
"Hindi."
"Eh ano? Napapangitan ka ba sakin?"
"Hindi kase tayo bagay." matabang kong sinabi.
"Huh? Paano mo naman nasabi?" Nilingon niya ako. Malungkot ang kanyang mga mata.
"Basta, hindi talaga tayo pwede."
"Atsaka, marami naman dyan magagandang babae, gusto mo hanapan pa kita." sabi ko pa. Sana hindi niya mahalata ang pait ng boses ko.
"Eh sa ikaw ang gusto ko."
"Iba nalang, wag ako."
"P-please, give me a chance. Papatunayan ko sayo na gusto kita."
"Edi, dalawa ang gusto mong babae. Hindi yun pwede sakin."
"What? Wala akong ibang babae." giit niya.
"Sino yung nakita kong kasama mong babae kagabi?"
Kumunot ang kanyang noo.
"Yung blonde ang buhok at nakabikini."
"Ahh, si Kendra, kaibigan ko lang yun."
Kaibigan? Hindi halata.
"Yun ba ang dahilan, magkaibigan lang kami nun." paliwanag niya.
Napangiwi ako.
"Haist, 'yun pala ang dahilan." napasapo siya sakanyang noo.
"Bigyan mo ako ng chance na ligawan ka, at papatunayan ko sayo na nahulog ang poging 'to sayo." humarap siya sakin.
Napairap nalang ako. Ang kapal ah.
Tumango nalang ako. Sige, bibigyan ko siya ng isang chance.
***