Chapter 10: Tears

353 7 1
                                    

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mama na umiiyak, pagkalabas ko sa abandonadong gusali kung saan kami nakidnap.

"May masakit ba sayo anak? Dalhin ka namin sa ospital." nag aalalang boses ni mama.

"Ayos lang po ako." tulalang sabi ko.

Nakita ko naman si Jordan na mababakas din ang pag aalala sa nangyari sakin. Nandito rin ang ama ni Eros. Papasok na sa ambulansya ang streatcher kung nasaan nakahiga si Eros na walang malay.

Nang nasa resort na kami ay hindi ako mapakali. Iniisip ko ang kalagayan ni Eros. Awang-awa ako kay Eros sa nangyaring panggugulpi sakanya. Nang dahil sakin kaya siya binugbog. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya.

Hanggang sa nakatulog na ako sa sobrang pagod.

Gabi nang nagising ako dahil sa isang bagungot. Mabilis ang paghinga ko. Napaginipan ko si Eros na binubugbog siya ng mga kidnapper. Bumangon na ako at naabutan si Mama sa baba. Sinabi niya sakin na umalis na si Jordan.

"Bibisitahin ko lang po si Eros." sabi ko.

"Anak, bukas na. Magpahinga ka muna."

"Ano pong balita sakanya?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala. Pero sa tingin ko gising na yun, hindi naman yata siya nabugbog ng grabe." aniya.

Tumango ako. Sige, bukas nalang.

Kinaumagahan, ay pumunta na ako ng ospital. Tinanong ko ang information desk kung saan ang room ni Eros. Naninikip ang dibdib ko nang palapit na ako sa admitting room ni Eros. Natanaw ko si Ken na kalalabas lang ng kwarto pero nang natanaw ako ay biglang pumasok ulit.

Dumadagundong na ang kaba sa dibdib ko nang nasa tapat na ako ng pinto. Bumukas ang pinto at nakita ko si Dwayne na tumutulo ang luha.

"W-wala na siya, Shan cai.." aniya sabay pahid ng luha gamit ang kanyang braso.

Teka..

Wait...

Parang hindi pa kayang maproseso ng utak ko ang nangyayari.

Nangilid ang mga luha ko sa sinabi niya.

Hindi.

Nanuyo ang lalamunan ko nang pumasok na ako ng kwarto. Tulala si Jiro na nakatayo sa paanan ni Eros. Balot na ito ng kumot. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita.

Si Ken naman ay umiiyak. "Tol, wag mo naman kaming iwan."

"Eros, mahal na mahal kita." naiiyak na sabi ni Dwayne sa likuran ko.

I shook my head. Nananaginip lang ako. Hindi ito totoo. Sana magising na ako sa bangungot na 'to.

Pinahid ko ang mga luhang tumakas sa mata ko. Parang may bukol sa lalamunan ko, nahihirapan akong lumunok.

Hinawi ni Ken ang kumot sa mukha ni Eros at nakita ko na ang kanyang mukha. He looked so pale. Nakakadurog ng puso ang nangyaring ito sakanya nang dahil sakin. Napailing ako.

Lumapit ako at hindi ko na napigilang mapaikbi. Sa kabila ng galit ko sakanya ay hindi ko maitatangging naging mahalaga siya buhay ko. Sorry sa lahat.

"S-sorry.." nasabi ko nalang.

Nakapikit ang mga mata ko habang umiiyak, at nang magmulat ang mga mata ko ay parang napatalon ang puso ko nang makita si Eros na mulat na mulat, at nakataas ang gilid ng labi. Napaatras ako agad. Naghagalpakan ang mga kaibigan niya.

Napalitan ang mga mata kong umiiyak ng nanlilisik ang mga mata.

"It's a prank.." pigil tawang sabi ni Eros.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong itapon sakanya ang mansanas na nakuha ko agad sa mini table. Napabangon na siya at sinalag ng kamay niya ang dalawang mansanas na tinapon ko.

"Mga gago kayo!" sigaw ko.

"Sorry Shan cai, heto kase ang pasimuno eh." turo ni Jiro kay Ken.

"Anong ako? Si Dwayne kaya."

"Si Eros, hindi ako."

Gumaan na ang pakiramdam ko. Okay lang na prank lang, wag lang talaga na totoong patay na siya.

"Hoy, Eros, mahal ang bayad ng mga luha ko." si Ken.

"Ako rin." si Dwayne.

"Nakakadiri ka naman tol mag i love you." si Eros na natatawa.

"Kay Tyrone lang dapat yung I love you mo." si Ken.

Tyrone? Lalake?

Magwo-walk out na sana ako nang hinarangan ako ni Ken.

"Hindi mo manlang ba kakamustahin ang pogi naming kaibigan?"

"Hindi na." Nawala ang momentum ng totoong emosyon ko.

Humarap na ako kay Eros. "Salamat. Yun lang." sabi ko at tinalikuran na siya.

"Wait, mag usap pa kayo, aalis na kami, tara na mga tol." Lumabas na sina Ken, Dwayne at Jiro.

Muli akong humarap kay Eros na iniinda yata ang pasa sa noo niya at natamaan pa kanina ng mansanas.

Bumuntong hininga muna ako.

"Salamat," sincere na sabi ko. "Na-rape na sana ako kung hindi mo ako pinagtanggol." sabi ko pa.

"Wala yun." tipid na sabi niya.

"Magpagaling ka." sabi ko. Tumango naman siya.

"Sige, alis na ako." sabi ko at tinalikuran na siya. Pagkalabas ko ay naroon ang tatlo na nakaupo at nagtatawanan. Pinanlisikan ko parin sila ng mga mata ko. Pwede pala silang maging drama actor. Ang gagaling nilang umacting.

"Tapos na kayo mag usap?" tanong ni Ken.

"Hindi pa Ken, hindi pa." bara sakanya ni Jiro.

Umirap nalang ako sa kanila at naglakad na. Rinig ko ang mahina nilang hagikhikan. Nang muli ko silang nilingon ay napatigil bigla ang pagtawa nila. Kita ko ang mga pisngi nilang lumolobo kapipigil na matawa.

Umirap ulit ako at sumakay na ng elevator.

Parang nawala ng parang bula ang galit ko kay Eros, napalitan ito ng paglambot muli ng puso ko sakanya.

***

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon