Nakasakay ako ng bus, patungo akong Maynila. Pinili kong magcommute nalang kaysa magdrive ng kotse. Nakakangalay kase.
Isang linggo muna akong magbabakasyon. Mukhang natrauma ako sa nangyaring kidnapping. Feeling ko, may kikidnap ulit sakin. Panay ang linga ko sa paligid at may konting kaba saking dibdib.
Si Mama muna ang magmamanage ng resort. Susurpresahin ko si Jordan. Hindi ko siya tinawagan na pupunta ako ng Maynila. Naiintindihan ko naman siya kung madalang nalang kaming magkasama. May trabaho na kasi siya sa isang kompanya.
Mahigit tatlong oras ay nasa Maynila na ako. Dumiretso na ako sa bahay na nasa loob ng subdivision. Gabi nang pumunta na ako sa condo ni Jordan. Tinawagan ko siya kung nasa trabaho pa siya, at ang sabi niya ay katatapos pa lamang ng kanyang trabaho at pauwi na.
Naghintay ako rito sa labas ng condo unit ni Jordan. Sinipat ko ang wristwatch ko, magkakalahating oras na ako rito. Bumukas ang elevator. Lumabas ang isang babae at kasama nito si...
Jordan?
Parang nilukot ang puso ko nang maghalikan sila sa harap ko. Nakatalikod si Jordan sakin habang abala siya sa pakikipaglaplapan sa babae.
Wala sa sariling nabitawan ko ang dala kong pizza at softdrinks. Nakalikha ito ng ingay kaya natigil sila sa paghahalikan. Napalingon sakin si Jordan at nanlaki ang mga mata.
Parang kumulo ang dugo ko. Mabilis akong lumapit kay Jordan at lumipad ang kamay ko sa pisngi niya. Tabingi ang ulo niya sa lakas ng pagkakasampal ko sakanya.
"Who is she?" tanong ng babae.
"Jillian--"
Nilampasan ko na siya at sumakay ng elevator.
Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Parang pinipiga ang puso ko. Pinahid ko ang luha saking pisngi nang bumukas na ang elevator at lumabas na ako ng mabilis sa condominium building.
"Jillian." May humigit sa braso ko.
"Magpapaliwanag ako, hinalikan niya lang ako bigla--"
"Wag ka ngang magsinungaling, kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang kataksilan mo!" madiin kong sabi.
"Jillian," pagmamakaawa niya.
"Tapusin na natin 'to." sabi ko at tinalikuran na siya.
Ang sakit ng puso ko habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus. Hindi ko aakalain na dito matatapos ang relasyon namin ni Jordan. Sadyang mapagbiro ang tadhana. Gumawa ng paraan para paghiwalayin kami. Kung hindi pala ako pumunta ng Maynila hindi ko pa malalaman na niloloko na pala ako ng boyfriend ko.
Ang hapdi na ng mga mata ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak. Hanggang sa nagising akong nasa terminal na ako.
Lutang ako nang makauwi na ng resort kinaumagahan. Sinalubong ako ni Mama na nagtataka
"Oh, ba't ang mugto ng mga mata mo, umiyak ka ba? Anong nangyari?" alalang tanong niya.
Nahihirapan akong lumunok. Para bang may bukol sa lalamunan ko.
"Kung hindi pala ako pumunta ng Maynila, hindi ko pa malalaman na niloloko niya na pala ako."
Umawang ang bibig niya na hindi makapaniwala.
Humugot ako ng malalim na hininga at hindi ko napigilan na naman ang mapaluha. Niyakap nalang ako ni mama ng mahigpit. Ang sakit talaga. Hindi ko 'to inasahan.
I should move on. Hindi pwedeng magmukmok nalang ako at isipin ang nangyari. Isang linggo ang nakalipas, gumawa ako ng bagay na makakapaglimot kay Jordan. Inabala ko ang sarili ko sa pag-manage ng resort. Maghahanap din ako ng bagong engineer na papalit kay Jordan sa ipapagawa naming pool.
Sa malayo ay natanaw ko sina Eros at mga kaibigan niya na naglalaro ng volleyball. Mga nakahubad na damit. Mga feeling macho naman ng magto-tropang 'to. Mabuti naman at gumaling na si Eros. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang nangyari sa ospital na akala ko patay na siya. Napailing nalang ako saking naiisip.
Tumilapon sa direksyon ko ang bola. Pinulot ko ito. Itatapon ko sana sakanila kaso nakalapit na sakin si Eros. Ang likot naman ng mata ko dahil dumako agad sa abs niya.
Rinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan niya. Pinasa ko na sakanya ang bola.
"Thanks." tipid na sabi ni Eros. Visible ang pasa niya sa mukha. Pero ganun pa man, gwapo parin.
Teka..
Binabawi ko, hindi pala siya gwapo.
Tumalikod na siya at malakas na pinalo ang bola sa mga kaibigan niya.
"Ano ba kayo, may boyfriend 'yung tao." dinig kong sabi ni Eros.
Tumaas ang isang kilay ko. Single na kaya ako.
"Jillian!" rinig kong tawag.
Nang nilingon ko kung sino ito, ang mga kaibigan ko na sina Toni, Diane, at Danny, at may kasamang isang lalake.
"Hi! Sis." Nagbeso sila sakin nang makalapit na kami sa isa't-isa.
"Mag a-outing kayo ulit rito?" tanong ko at pinasadahan ang mga dala nilang bag.
"Yes, mag a-outing ulit kami, dala ko nga yung bikini ko eh." si Danny.
"Ako rin." segunda naman ni Toni.
"Wala akong dala." si Diane.
"Conservative mo kase teh." si Danny.
Napatingin ako sa kasama nilang pogi. Sino kaya ang jowa nito sa tatlo?
"Ay, ito pala si Yohan, ang kaibigan ko." pakilala ni Danny.
Kumaway ako.
"Hi! Nice to meet you." malambot nitong sabi.
Parang nalaglag ang panga ko. Is he a gay?
Sayang!
"Siya ba?" tanong nung Yohan.
"Siya nga ang ina-aurahan ng papa Ken mo." sagot ni Danny.
Ano raw?
Anong ako?
"Charot lang bakla, wag ka ng magselos dyan." Tinapik ni Danny 'yung Yohan.
"Hindi ako nagseselos noh."
"Kamusta na kayo ng jowa mo?" tanong ni Diane.
"Break na kami." matabang na sagot ko.
Nanlaki ang mga mata ng tatlo, mukhang hindi naniniwala.
"Ah, nakapagcheck in na ba kayo?" pag iiba ko ng usapan.
"Hindi pa, diba binibigyan mo kami ng discount? Kaya di muna kami nagcheck-in." si Toni.
"Tara, samahan ko na kayo." anyaya ko.
"Wait lang, yung bet natin naglalaro ng volleyball." si Danny.
"Ang yummy ng katawan ni Eros." si Toni.
"Jusko, ang gaguwapo nilang lahat. Ang hot ni Ken, naglalaway na tuloy si Yohan."
"Ang tanong, nalawayan mo na ba si Ken?"
Hinampas naman ni Yohan ng malakas si Toni at nagtawanan sila.
Mukhang harutan lang ang mangyayari sa kanila dito.
***