Chapter 28: Left

214 7 0
                                    

"Salamat po sa anim na taon niyong pagkupkop sakin, sobrang laki ng utang na loob ko sainyo." naiiyak na sabi ko kay Lola Zen.

Ngumiti naman ito na naluluha.

"Mag iingat ka ah, wag mong gutumin ang sarili mo, tuparin mo ang mga pangarap mo."

Nagyakapan kami ng mahigpit. Hinahagod niya ang likod ko. Wala namang humpay ang pagtulo ng mga luha ko, at parang may nagbabara pa sa lalamunan ko.

Habang buhay kong dadalhin ang mga pangaral niya.

Bitbit ko ang mga maleta kong kumaway kay Lola Zen. Kumaway siya na naluluha.

"Paalam Jillian, mag iingat ka." si Mela na naluluha rin. May mga taong kumaway rin sakin. Ngumiti ako sa kanila. Sa anim na taon kong pamamalagi sa lugar na 'to, marami akong naging kaibigan.

Sasakay na sana ako ng tricycle nang may bumusinang kotse, bumaba dito si Daniel.

"Hatid na kita sa bus terminal." aniya sabay agaw ng bitbit kong maleta.

Ngumiti naman ako. "Sige, kanino mo naman nahiram 'yang sasakyan?"

"Sa kaibigan ko." aniya.

Nang makasakay na ako sa front seat ay muli akong kumaway. Ngumiti ako kay Lola Zen na umiiyak parin.

"Magkita tayo doon sa Maynila ah, tatawagan kita kung nasaan ka." paalala niya habang nagmamaneho.

Paulit-ulit niya akong pinaalalahanan na magkita kami sa Maynila kung sakaling doon ang trabaho niya.

"Oo nga, ang kulit mo." natatawang sabi ko.

"Parang kailan lang nang makita kitang nahihirapang kumuha ng mangga." aniya. Muli ko naman inalala ang pangyayaring yun. Isa siya sa mga tumulong sakin.

Nagkwentuhan kami ni Daniel ng masasayang alaalang pinagdaanan ko rito sa San Gabriel habang nagbabiyahe.

Mahigit kalahating oras ay nakarating na kami ng bus terminal.

"Hoy, mag iingat ka." si Daniel na nangingilid ang mga luha, pati rin ako.

"Oo, paulit-ulit." pabirong irap ko.

"O sige, aalis na ang bus. Salamat sa lahat." sabi ko sakanya. Sumakay na ako. Tinanaw ko si Daniel at kumaway sakanya. Nakita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. Tumalikod pa siya para pahiran ito at tinanaw muli ako at kumaway. Umandar na ang bus.

Bumuntong-hininga ako. After 6 years, babalik na ako. Hindi ko pa alam kung anong buhay ang haharapin ko sa pagbabalik. Life is so unpredictable talaga. Nagpapasalamat parin ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng mga taong mababait.

Matapos ang mahaba-habang biyahe na mahigit siyam na oras, natatanaw ko na ang mga nagtataasang mga gusali at billboards.

Huminto na ang bus at bumaba na ako. Sumakay ulit ako ng bus papunta samin. Kumusta na kaya ang resort? May pagbabago ba? May nirenovate ba si Mama? Baka mala 5 star na ang resort namin?

Makaraan ang ilang oras ng biyahe ay narating ko na ang Labrea. Kinakabahan ako. Parang bumibigat ang dibdib ko. Sumakay na ako ng tricycle. Makaraan ang ilang minutong biyahe ay natatanaw ko na ang dagat, hanggang sa matanaw narin ang resort ng mga Villanueva, at pagkatapos ay ang resort namin. Nanlaki ang mga mata ko, kasi naman ang resort ng kalaban namin ay karugtong na ng resort namin.

Bumaba ako na nagtataka. Laglag ang panga ko sa nakikita. Parang sinakop na nito ang resort namin. Ang laki ng building, it's a 6 story building.

Paanong...?

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon