Parang napalundag ang puso ko nang ni-heart react ni Eros ang profile picture ko sa facebook nang mag online ako.
Tsk!
At bigla kong naisip na baka si Ken ang gumawa nito. Pinagtitripan na naman kami. Naalala ko tuloy 'yung Valentines day na akala ko si Eros ang makikipagdate sakin, 'yun pala ay trip lang ng mga kaibigan niya.
Naramdaman ko na naman ang pait sa sistema ko.
Mga paasa talaga ang mga lalake. Nagbibigay kasi sila ng motibo, tapos mag aassume naman ang babae.
Napailing nalang ako sa naiisip.
Sa pag iiscroll ko sa newsfeed ay may nagchat bigla sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang si Eros ito. Siya ba talaga? Kumalabog ng husto ang puso ko sa chat niya.
'Ako talaga 'to, si Eros na dati mong crush. Pwede bang manligaw?'
Dating crush? Ang kapal niya ah.
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko napigilang kiligin, para bang nagbalik ako sa pagka-teenager.
Gusto niya akong ligawan? Wait, di pa maprocess ng utak ko.
Sineen ko muna siya at nag isip ng irereply.
Bakit kasi hindi siya sa personal nagtanong kung gusto niyang manligaw at idinaan nalang sa chat?
Nagreply ako ng 'Idk.'
At nag log out na. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Baka pinagtitripan nanaman ni Ken ang facebook account niya. Gusto ko nalang sa personal kami mag usap.
May kumatok sa pinto at sumungaw ang ulo ni Mama, parang nagising ang diwa ko dahil lutang ako.
"Aalis na ako."
Ngayon pala ang alis niya papuntang Maynila.
"Mag iingat ka ah, wag ka ng mag jogging sa malayo, dyan nalang sa dalampasigan." paalala niya. Tumango ako. Simula nung nakidnap ako ay never ko ng naisipang magjogging sa highway.
Sinundan ko naman si Mama hanggang sa gate. Sumakay na siya sa sasakyan.
"Mag ingat po kayo." sabi ko at kumaway na sakanya.
Para akong lumulutang nang pumasok na ako ng hotel habang iniisip yung chat sakin ni Eros. Binati ako ng mga empleyado at ginawaran ko lang sila ng tipid na ngiti.
Napalundag ang puso ko sa gulat nang narito si Eros sa may lobby. Tumayo siya at ngumiti ng matamis sakin. Parang nalaglag ang panga ko. Am I dreaming? Nandito ba talaga sa loob ng hotel namin si Eros? Ang karibal namin sa negosyo?
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang bouquet of flowers, at muling umangat ang mga mata ko sa lalaki na nagkakamot na sa batok.
"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong nang makalapit na sakanya.
"Hmm, aakyat sana ako ng ligaw sayo."
Sa pagsabi niyang 'yun ay parang uminit ang puso ko. Nakita kong umalon ang adams apple niya. Natameme ako. Parang naubusan ako ng mga salita.
"Ah, pwede naman." sabi ko. Deep inside naghuhuramentado na ang puso ko.
Abot-tenga naman ang mga ngiti niya at nilahad na sakin ang bulaklak.
"Para sayo."
Tinanggap ko naman ang bulaklak at nagpasalamat.
"Upo ka muna." Tumango siya at umupo ulit sa sofa.
Napatingin ako sa paligid. May mga nanonood pala samin. Nagsibalikan naman agad sila sa kani-kanilang trabaho nang binalingan ko.
Umupo ako sa katapat niyang sofa at tiningnan ang bulaklak. Parang may nagkakarerang kabayo sa dibdib ko habang nakangiti siya sakin. Parang nagpapacute.
"Ah, sigurado ka bang liligawan mo ako?" kaswal kong tanong.
"Oo, ngayon lang ako naglakas ng loob na ligawan ka na, baka kase maunahan ako ng iba eh," nahihiya niyang sabi, nagkakamot sa batok.
"O baka naman, marketing strategy mo 'to?" pagbibiro ko.
"Hindi ah." iling na sagot niya.
"Baka naman, nag i-spy ka lang at aalamin ang kahinaan ng resort namin?" pagbibiro ko pa.
"Grabe ka naman, liligawan kita hindi para siraan ang negosyo niyo." sagot niya.
"Actually, maganda ang resort niyo." aniya at luminga sa paligid.
"Mas maganda pa sa resort niyo?" hamon na tanong ko.
Ngumiti na naman siya ng pagkatamis-tamis. Sana hindi niya mahalata ang pamumula ko. Nag iinit ang pisngi habang nag uusap kami.
"Oo, mas maganda." ngiting sagot niya.
Parang konting pambobola nalang niya ay masasagot ko na siya agad.
Kalma lang Jillian. Kakasimula niya palang manligaw, sasagutin mo na agad? Ang easy to get mo naman kung ganun.
Naiimagine ko na ang sarili kong boyfriend siya.
"Pwede ba kitang mai-date?" tanong niya. Halata sa boses niya na kinakabahan siya.
Kunware ay nag isip muna ako.
"Sige." sabi ko, kunware hindi tunog excited.
Tumunog ang phone niya at kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon niya.
"Sagutin ko muna itong tawag." aniya. Tumango agad siya.
Lumayo siya sakin at kinausap na ang caller.
Habang pinagmamasdan si Eros. Ang kanyang porma at tindig, nakapamulsa habang may tinatawagan. Inisip ko, parang kinain ko lahat ng mga masasamang paninira ko sakanya. Heto, parang nalulunod nanaman.
***