Chapter 38: Pain

238 8 0
                                    

Nang makalampas na sakin si Eros ay lumabas na ako ng hotel, nakasunod sakin si Daniel.

"Saan ka na pupunta? Mamasyal pa tayo." dinig kong sabi niya.

"Bukas nalang, magpapahinga ako." sabi ko nalang.

Wala naman na siyang nagawa at hinatid na ako sa apartment gamit ang kanyang kotse.

"Parang nakita ko na yung lalaking pumasok sa lobby." sabi ni Daniel habang nagdadrive. Tinutukoy niya yata si Eros.

"Sino?" maang-maangan kong tanong.

"Basta nakita ko na siya somewhere, ay oo, sa trinabahuan mong convenience store, doon ko siya nakita." aniya.

Nagkibit balikat na lamang ako. Wala pa ako sa mood upang sabihin sakanya na ex ko ang tinutukoy niya.

"Babalik ako dito mamaya." sabi ni Daniel nang makarating na kami ng apartment.

Dumating naman si mama ng hapon. Nakabihis ito ng pormal. Blue blouse with blazer and skirt above the knee.

"Nagresign ka na ba sa trabaho mo sa Maynila?" bungad niyang tanong.

"Yes, Ma."

"Sa hotel ka na magtatrabaho?" tanong niya.

"Sa ibang hotel." sabi ko. Balak ko sa ibang beach resort. Marami pang pwedeng applyan na trabaho dito sa Labrea.

Tumango naman siya ng malumbay dahil gusto niya sa hotel ni Eros ako magtrabaho.

Gabi nang dumating naman si Daniel sa apartment. Kwento niya, ang ganda raw ng hotel na ini-stayan niya. Pabor naman doon si mama.

"Maganda talaga doon, sayang nga lang dahil ayaw ni Jillian na i-manage yun."

Dito na kumain si Daniel. Si mama ang nagluto ng sinigang kaya sarap na sarap itong kumain.

"Ang sarap po ng luto niyo." si Daniel.

Umirap ako. Sipsip din to eh.

Ngumiti si mama. Pero pansin ko na kanina pa makahulugan ang kanyang tingin samin.


Kinabukasan ay niyaya ako ni Daniel na magswimming.

"Sige na Jillian, check out ko na mamaya, luluwas na ako ng Maynila." pamimilit niya.

Tumango nalang ako. Ang kulit.

Namroblema tuloy ako sa susuotin kong pang swimming. Conservative parin talaga ako. T-shirt at short-shorts ay ayos na.

Buwan ng Agosto, madalang lang ang mga turista na mag-staycation sa beach resort. Pero kahit na hindi naman summer, pansin ko na marami parin ang mga turistang nagbabakasyon dito.

Tinanggal ko ang sapin sa paa ko dito sa may cottage. Iniwan muna ako ni Daniel dahil magpapalit siya ng trunks. Naglakad na ako sa pinong buhangin. Winawagayway ang buhok ko ng malakas na hangin. Hindi masyadong mainit dahil natatakpan ng mga ulap ang araw. Banayad lamang ang alon sa dagat. Pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang preskong hangin.

Parang namiss ko ang lugar na 'to. Something that I've longing for years.

"Jillian." rinig kong tawag sakin. Lumingon ako sa likuran at nakita si Daniel na topless. Maganda ang kanyang pangangatawan, pang modelo ang dating.

"Naglalaway ka na yata." pang aasar niya.

Inirapan ko siya at tumawa lang siya.

Nagtampisaw na kami sa dagat. May mangilan-ngilan ding turistang nagsiswimming, may nagsa-sun bathing at naglalakad lang sa baybayin.

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon