After 3 years, finally, nakapagtapos narin ng pag aaral.
Ako muna ang nag aasikaso ng beach resort sa nakalipas na isang taon. Mabilis naman nakabangon ang resort namin sa nangyaring sunog noon. Akala nila mapapabagsak nila kami, never.
Who would have thought that I used to like him, but suddenly became a rival.
Hanggang ngayon ay parang tumataas ang blood pressure ko kay Eros aka Pennywise sa tuwing nakikita ko siya o natatanaw kahit saan. Ang sarap tadyakan ang pagmumukha niya. Sobra niya na talagang pangit sa paningin ko.
Napatalon ako sa gulat nang may pumatong na kamay sa balikat ko.
"Mukhang malalim ang iniisip ah." nakangiting sabi ni Jordan.
"Ah, ngayon na ba? Hindi pa ako nakakapag ayos." sabi ko. May pa-thanksgiving kase siya dahil nakapasa sya ngayong taon sa engineering licensure exam.
"Mamaya pa naman. For now, swimming muna tayo." anyaya niya at hinigit na ako papuntang dagat.
May iilang turista naman ang nagsiswimming sa dagat.
Nagulat ako nang binuhat ako ni Jordan papuntang tubig.
"Hoy! Ibaba mo ko." asik ko sakanya.
At ang gago, binagsak ako sa tubig. Napatawa nalang siya habang ako ay pinanlilisikan ko siya ng aking mga mata.
Kung hindi ko kaya to sagutin. Ilang buwan na siyang nanliligaw sakin. Naging friends muna kami for 2 years at nagpahiwatig na na manligaw, pumayag naman ako.
Habang hinahabol ko si Jordan para hampasin ng tubig ay natanaw ko si Eros na papalapit dito sa dagat. Magsiswimming yata si Pennywise. Naka-trunks lamang ito. Akala mo naman macho siya sa dating niyang yan, eh lampayatot parin naman siya. Apakayabang niya.
Umirap ako sa kinaroroonan niya at hinabol si Jordan.
Nasaan na yun?
"Bulaga!" Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Hinampas ko naman siya ng tubig.
Parang nawalan na ako ng ganang lumangoy dahil nandito si Eros na nagsiswimming din, may kausap na siyang dalawang babae.
Umahon na ako at sumunod si Jordan.
"Luh! Wait lang, lumubog ka muna." hinila niya ako palubog sa tubig.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Kita na ang bra mo, kukuha lang ako ng tuwalya."
Napatingin ako sa suot ko. Oo nga.
"Flat, hahahaha!" rinig kong tawa ng lalaki malapit sakin.
Paglingon ko sa tumatawa, si Eros na katawanan ang dalawang babae.
"Anong flat ka dyan, ang laki nga eh, ipahimas ko pa sayo." malanding sabi ng isang babae.
Umirap ako. Ayan, kumukulo na naman ang dugo ko. Posibleng ako ang pinariringgan niya ng flat. Hindi nagtagal ay dumating na si Jordan na may dalang tuwalya. Tumayo na ako at tinakip na sakin ang tuwalya.
Bago kami umalis ay pinanlisikan ko na muna ng mga mata ko si Eros na katawanan ang dalawang babae. Yung isang babae ay halos dumikit na ang dibdib sa mukha ni Eros.
**
I am wearing a yellow spaghetti strap v neck ruffle dress. Narinig ko na ang tunog ng sasakyan sa labas. Lumabas na ako at natanaw si Jordan na nakasandal sa kanyang kotse. Ang gwapo niya sa suot na long sleeve, nakatupi hanggang siko.
"Wow! You're so adorable." puri niya.
"Thanks, ikaw rin." sabi ko.
Nakarating na kami sa isang bar na pagmamay ari nila. Konti lang naman ang tao, more on mga kaibigan niyang lalake ang narito na nakapasa din sa board exam. Lumapit na kami sa isang pabilog na couch.
"Sana all!" sabi ng isang lalake na hindi ko kilala. Nakatingin na silang lahat samin. Bigla akong nakaramdam ng hiya.
"Ang ganda naman ng magiging girlfriend mo, Jordan." sabi ng isang lalake.
"Wag nga kayong advance." ngiting sabi ni Jordan.
Umupo na kami ni Jordan. May nagpeperform sa mini stage na banda. Nagkakatuwaan na at nag iinuman. Ako heto at tahimik lang sa isang sulok. Nagulat nalang ako nang matanaw si Jordan na nasa mini stage may hawak ng gitara.
"Hi everyone, thank you sa mga nagpunta rito. This song is dedicated sa babaeng isa sa naging inspirasyon ko upang tuparin ang pangarap ko, this song is for you."
Naghiyawan ang mga kaibigan niya dito. Napangiti nalang ako nang kinantyawan si Jordan ng mga kaibigan niyang ito.
We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mineNow you want to be free
So I'm letting you fly
Cause I know in my heart babe
Our love will never die
No!Nagtama ang mga mata namin at kinindatan ako. Parang pulang-pula na ako rito dahil sa kilig na nararamdaman.
You'll always be a part of me
I'm a part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Ooh darling cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my babyUnti-unti siyang lumapit sakin habang kumakanta at hinigit ako patayo. Naghiyawan ulit at nagkantyawan ang lahat.
"Can you be my girlfriend?" tanong niya.
Kumalabog na ng husto ang puso ko.
Since gusto ko na maranasan magkaboyfriend ay..
"Yes." matamis na ngiting sabi ko.
Kita sa kanyang mga mata ang tuwa sa sagot ko at niyakap ako. Naghiyawan ang mga kaibigan niya.
"Woooh!"
"Sana all talaga!"
Sana siya na ang lalaking makapiling ko habambuhay. Ayaw kong dumating ang araw na saktan niya ako. Natatakot ako.
**