Epilogue (Part 1)

426 12 0
                                    


"Inindian mo?" tanong ni Ken sakin.

Pabirong sinuntok ko ang kanyang tiyan.

"Tigilan niyo na nga ang pangbubugaw niyo sakin sa babaeng yan." iritado kong sabi. Kasi naman, gumawa sila ng pekeng love letter na nagsasabing mag date kami sa darating na Valentines day.

"Bagay kaya kayo." sabi pa ni Ken.

Nagtawanan ang mga kaibigan ko na sina Dwayne, Jiro at Ken.

Suminghal nalang ako. Lakas ng trip ng mga kaibigan kong 'to.

Mas lalong nadagdagan ang pagkairita ko sa babae nang malaman kong karibal namin ang pamilya niya sa negosyo. Katabi lang ng resort nila ang beach resort namin sa Labrea.

Hindi ko siya sinipot sa date namin kuno nung Valentines day. She deserves it. Cuz, she's so annoying.

Jillian is her real name. Naririnig kong tawag sakanya ng kanyang kaibigan.

Dao mingsi.

'Yun ang tawag niya sakin. Ang sakit lang sa tenga ng kanyang tawag sakin.

Isang gabi, nasunog ang ilang bahagi ng hotel nila. Kami ang sinisisi sa nangyaring sunog. Matalim ang tingin sakin ni Jillian.

"Tara na Ma, pagbabayarin nalang natin sila." Hinigit niya na ang kanyang ina. Tinaliman niya muna ako ng tingin bago kami talikuran.

Kami nga ang nagbayad ng danyos sa nangyaring sunog. Bobo naman kasi nung poi dancer. Nabitawan ang poi at tumilapon sa katabing hotel.

Simula nun, matalim na ang tingin sakin nung Jillian. Para bang kasalanan ko na nasunog ang hotel nila.

"Ang pangit-pangit niya, kamukha na niya si Pennywise, kulang nalang may dala siyang pulang lobo." rinig kong sabi ni Jillian at malakas silang nagtawanan ng kaibigan niya.

"Grabe ka sis." natatawang sabi nung kaibigan.

"Nagsasabi lang ako ng totoo." malakas na sabi ni Jillian. Alam kong ako ang pinariringgan niya.

Pennywise?

"Kaya hindi ako nagkakagusto sa babaeng 'yan kase ang pangit niya." malakas na sabi ko.

Aray ko! Shit!

Binato lang naman sakin ni Jillian ang bola. Dumugo ang ilong ko. Parang nagsiakyatan naman ang dugo ko sa mukha ko. Pasalamat siya, babae siya, dahil kung hindi.. nabasag ko na ang pagmumukha niya.

Nakagraduate narin ako sa wakas sa kursong business administration. Ako na ang pina-manage ni papa ng beach resort namin dahil siya ay sa hotel naman namin sa Maynila. Matagal ng hiwalay ang papa at ang mama ko since highschool pa ako kaya kaming dalawa nalang ang nag aasikaso ng aming negosyo.

Aba! May boyfriend na ang kalaban ko sa negosyo. Natatanaw ko sila mula dito sa terrace ng hotel ko. Biruin mo yun, may nagtiyaga sa babaeng ito. Nakaupo sila sa baybayin at tinatanaw ang papalubog na araw sa dagat. Nang gabing 'yun ay nakita ko silang naghahalikan sa parking lot. Muntik pa akong masuka sa kalandian nila.

Isang araw, habang nag jojogging ako ay nakita ko si Jillian na mag isa sa may cliff, hindi kasama ang boyfriend. Natalisod naman siya nang inirapan niya ako at talikuran. Napaupo siya sa damuhan habang iniinda ang sugat sa tuhod. Nilapitan ko naman siya at nilahad ang kanang kamay. Umirap siya sakin at mag isang tumayo.

Pinanood ko nalang siyang paika-ikang tumatawid ng kalsada.

Saan ba pupunta ang babaeng 'yun?

Pumasok siya sa gubat. Ahh, siguro maghahanap ng herbal plants.

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon