Lutang ako habang hinahatid na ako ni Daniel sa bahay galing sa trabaho. Parang hindi maabsorb ng isipan ko ang mga sinabi ni Eros. Ano yun? Binili niya ang resort namin tapos ni-renovate, dinugtong sa resort nila, at sakin niya lang din pala ipapangalan?"Okay ka lang?" tanong ni Daniel habang nagmamaneho.
Tumango lang ako.
Namalayan ko nalang na nasa tapat na kami ng bahay. Nagpasalamat ako sakanya. Umalis narin naman siya. Hindi siya nangulit sakin ngayon. Siguro napansin niyang wala ako sa mood.
Masigla akong sinalubong ni mama sa sala.
"Ikaw pala ang may ari ng JM hotel and resort.." bungad niya.
"Sinong nagsabi?" tanong ko kahit alam ko naman na kung sino.
"Si Eros, pumunta siya rito kanina." aniya.
"Ewan ko ba sa batang yun, kung bakit sayo ipinangalan ang resort." aniya pa.
"Ma, kahit na, wag nating tanggapin yun." sabi ko. Hindi naman ako mapride na tao pero nakakahiya naman kasi kung tatanggapin ko ito.
Hindi na nagpakita sakin si Eros sa sumunod na araw sa convenience store. Siguro sinunod niya na ang gusto kong ayaw ko ng makita siya. Instead, si Heart ang nagpakita sakin. Tumawag siya kagabi kung saan daw ako nagtatrabaho.
"Ano sis, nahanap mo na ba si Mr. Right?" tanong niya, pumipili siya ng chichirya na bibilhin malapit lang siya dito sa counter.
"Don't chase for love, love will chase you." sambit ko.
"Taray, iba na ang pananaw ngayon, noon kase chini-chase mo ang love eh." pang aalaska niya.
Sinaway ko naman si Heart. Ang lakas ng boses. Napatingin tuloy sakin si Jd, nang uusisa.
Naaalala pa pala nito ang paghahabol ko sa gusto kong lalaki.
Nagtagal naman siya ng isang oras sa pakikipagkwentuhan sakin. Kalaunan ay umalis narin siya. Medyo malapit lang naman dito ang tinatrabahuan niyang company. Naalala ko naman ang iba ko pang mga kaibigan na sina Danny, Diane at Toni. Kamusta na kaya ang mga yun? Baka may mga asawa na. Hanapin ko nalang sila sa facebook kapag gumawa na ako ulit ng fb account.
Hindi ako naihatid sa bahay ni Daniel dahil may trabaho pa raw siya. Okay lang naman sakin yun, ayaw ko siyang abalahin.
Wala si mama sa bahay. Nag alala naman ako at tinawagan siya kung nasaan siya.
"Nandito ako sa resort." tugon niya sa kabilang linya. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko dahil sa pagkagulat.
"Ma naman, anong ginagawa mo dyan?" iritado ko ng tanong.
"Namiss ko kasi ang resort natin, grabe, ang lawak na pala ng resort, sinakop na nito ang dating resort ng mga Villanueva." sabi niya.
Napabuntong hininga nalang ako. Napahilamos ako ng palad sa mukha.
"Ma, umuwi ka na rito." sabi ko.
"Dito na ako matutulog, pwede ring dito na ako tumira." tugon niya.
Wala na akong nagawa kundi ang sunduin si mama sa resort. Sumakay ako ng bus. Mahigit tatlong oras ang biyahe patungo sa Labrea.
Madilim na nang makarating ako ng beach resort. Buhay na buhay ang resort. Maliwanag ang paligid. Ang daming nagbago. Yung dating dalawang hotel ay magkakonekta na sa bawat isa. Tumaas narin ito, 6 storey building.
Humugot ako ng malalim na paghinga at pumasok na ng lobby. Ito ang pangalawang beses kong pagpasok dito.
Nanlaki ang mga mata ng mga empleyado sa pagpasok ko ng lobby. Napalitan din naman agad ito ng mga ngiti.
"Good evening, Ma'am Jillian." nakangiting bati nila.
Nakaramdam naman ako ng hiya. Heto lang naman ako, nakasuot lang ng simpleng t-shirt, jeans at lumang sapatos.
"Hinahanap ko lang ang mama ko, n-nasaan siya?" tanong ko.
"Nasa presidential suite po." sagot nito.
Nahiya ako.
"Ma'am Jillian." bungad sakin ng dalawang empleyado ko noon. Natatandaan ko pa sila.
"Oh, dito pala kayo nagtatrabaho?" tanong ko.
"Yes po Ma'am, ang tagal ka naming hindi nakita, mukhang napahaba ang bakasyon niyo, Ma'am." sagot ng isang lalaking empleyado ko dati. He's one of my bellboy.
Wala naman akong makapang isasagot. Hindi ko inaasahan na nagtatrabaho pa pala sila dito.
Matapos ang kamustahan namin ay iginiya na nila ako sa elevator. Pupuntahan na namin si Mama. Presidential suite talaga siya mag i-stay?
Kasama ko sa pagsakay ng elevator si Emman. Pagdating ng 4th floor ay lumabas na kami ng elevator. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating sa isang suite.
"Dito po siya, Ma'am." sabi ni Emman at nagpaalam na aalis na.
Ako na ang kumatok. "Ma, nandito ako."
Bumukas naman ang pinto at bumungad sakin ang mukha niyang may skin care.
"Sabi na, pupunta ka rito." masiglang sabi niya.
Inirapan ko naman siya.
"Ma, uwi na tayo." seryosong sabi ko.
"Gusto ko dito, atsaka satin naman daw itong resort." aniya.
"Ma, nakakahiya." madiin ko ng sabi.
"Ano namang nakakahiya? eh ikaw ang may ari nitong resort." giit niya.
Pumasok na ako. Nilibot ko ang paningin sa buong suite. Malawak ito. Color beige and white ang motif. May sariling living room, walk in closet at may veranda. May malaking flat screen tv sa harap ng queen size bed at tanaw ang jacuzzi sa may banyo.
"Dito na tayo mag i-stay, simula ngayon ikaw na ang magma-manage ng resort na 'to, kasi si Eros ayaw niya na raw dito, may mga hotel din daw kasi siya sa Maynila na mina-manage."
Napabuntong hininga ako at problemadong napasapo ang palad sa noo.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Sakin ba talaga niya ipinangalan ang beach resort na 'to?
"Magresign ka na doon sa tinatrabahuan mong convenience store." pakiusap niya.
Muli akong humugot ng malalim na paghinga. Naloloka ako sa nangyayari. Hindi ko inimagine na mangyayari pa pala sakin 'to na magmanage ng beach resort.
***