Chapter 23: Run

228 7 1
                                    

Problemado akong napasapo ng palad sa noo ko. Pabalik-balik ang lakad ko dito sa loob ng kwarto. Sumisikip lalo ang dibdib ko sa naiisip. Baka ipakulong niya ako.

Napatalon pa ako sa gulat sa katok sa pinto.

"Jillian, may nanloob sa bahay natin sa Maynila." histeryang sabi ni mama pagkabukas ko palang ng pinto.

"Huh?!" gulat ko.

Nagpatong-patong na ang problema ko.

Nagmadaling umalis si Mama kasama si Tito Jaime. Ako nalang ang mag isa dito sa bahay. Jusko! Natataranta na ako sa kung ano ang gagawin ko. Napaparanoid na ako, baka may pulis na darating at ikukulong ako.

Tumunog ang phone ko. Nakitang si Eros ang tumatawag. Nangangatal ang kamay kong sinagot ito.

"Eros, hindi ko--"

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong niya agad sa kabilang linya.

"S-sige." kinakabahan kong tugon.

May kutob na ako kung ano ang pag uusapan namin. Sana ay maniwala siya sakin.

Sinabi niyang nasa baybayin daw siya. Bumibigat ang dibdib ko habang papalapit sakanya.

Nakapamulsa siyang nakatanaw sa dagat. Mukhang malalim ang iniisip.

"Eros." bungad ko.

Tumingin siya sakin. Bakas sa mga mata niya ang lungkot at pagod.

"Hindi ko s-sinasadya ang nangyari kay Shayne," nauutal na sabi ko.

Umiwas siya ng tingin sakin at bumuntong-hininga.

"Maniwala ka sakin, siya ang--"

"Itigil na natin 'to."

Natigilan ako. May dumaang kirot sa puso ko.

"A-ano?"

"Maghiwalay nalang tayo."

Hinawakan ko siya sa braso.

"Ano bang pinagsasabi mo?" nangingilid na ang mga luha ko.

"Pagod na ako sayo." mataman niyang sabi. Parang sinaksak ng punyal ang dibdib ko.

"Eros, makinig ka sakin, si Shayne kasi--"

"Tama na! Ayoko na. Ayoko na sayo!" madiin niyang sambit.

Napabitaw ako sa braso niya at pinahid ang luhang lumandas saking pisngi.

Humugot ako ng malalalim na paghinga. Parang dinudurog na ang puso ko.

Naglakad na siya palayo sakin. Agad ko naman siyang sinundan. Hinawakan ko ang braso niya ngunit tinanggal niya lang ito ng marahas.

"Eros, ayoko. A-ayokong m-maghiwalay tayo." pagmamakaawa ko.

Umiling siya.

Mariin niya akong tinapunan ng tingin bago naglakad ng mabilis. Bumuhos ang mga luha ko. Nanghina ang mga tuhod ko. Napaluhod ako sa buhanginan habang umiiyak. Tinatawag ko ang pangalan niya ngunit hindi na siya bumalik.

Tulala lang akong bumalik sa bahay. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Eros. Pagod na raw siya sakin. Siguro nga ay nakakapagod talaga akong mahalin.

Humiga ako sa kama. Tumulo na naman ang mga luha ko habang inaalala ang masasakit na binitawang salita ni Eros.

Hindi talaga ako makapaniwala. Sana binabangungot lang ako sa mga nangyayari ngayon.

Siguro iniisip ni Eros na mamamatay tao ako, kaya niya ako hiniwalayan.

Ganun nalang yun? Hindi niya na ako mahal dahil nasaktan ko ang papa niya at ang babaeng lumalandi sakanya?

Parang pinipiga ang puso ko.

Nakatulog ako dahil sa pagod at nagising sa pagbukas ng pinto.

Si Tito Jaime ang niluwa nito.

Ginapangan na ako ng kaba sa dibdib habang papalapit na siya sakin. Napabalikwas ako at umatras.

Naamoy kong amoy alak siya. Ang mga mata niya, nakakatakot. Para bang gutom at handa ng sakmalin ako.

"Tulong!" sigaw ko.

Hinila niya ang paa ko upang mapalapit ako sakanya. Pumaibabaw agad siya sakin at sinunggaban ako ng marahas na halik sa leeg ko.

"W-wag po.." pagmamakaawa ko habang iniiwasan ang marahas niyang halik.

"Mama! Tulong!" sigaw ko.

"Wala siya dito." nakangisi niyang sambit.

Nagpupumiglas ako pero hindi ko kaya ang lakas niya. Mahigpit ang hawak niya sa dalawang kamay ko. Ang paa ko ay sinisipa na siya pero hindi siya natitinag. Tumindig ang balahibo ko nang hinaplos ng kanyang mga palad ang dibdib ko pababa sa pagkababae ko. Hinihila niya na pababa ang short ko.

"Wag po, p-parang awa niyo na..." pagmamakaawa ko.

Hinalikan niya ako sa labi ng mariin. Nalasahan ko na ang matapang na alak sa labi niya. Buong lakas ko na siyang sinipa sa pagkalalaki niya dahilan ng pagbitaw niya sakin at pagdaing.

Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa at tinawagan si Eros. Pero hindi niya sinasagot. Tinawagan ko siya muli, ring lang ng ring ito.

Marahas akong tinumba ni tito Jaime at dinaganan. Nakangiting aso siya habang pinagmamasdan ako. Marahas niyang pinunit ang damit ko. Exposed na ang dibdib ko.

"Pagsinumbong mo ko sa mga pulis o sa mama mo, papatayin ko siya." nakangiting aso niyang banta.

Kinilabutan ako sakanyang banta.

Hindi!

Hinalikan niya akong muli sa leeg. Nagsisigaw ako. Inabot ko ang lampshade at buong lakas itong pinukpok sakanyang ulo at napahawak siya sa ulo niyang may dugo. Dumaing siya.

Mabilis akong tumayo at napayakap sa sariling katawan. Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Narinig ko ang mga yapak na tumatakbo. Agad akong lumabas ng bahay. Napapatakip nalang ako saking bibig habang umiiyak. Walang sapin sa paa at punit ang damit ko habang mabilis na tumatakbo.

Nasa highway na ako. Wala ng gaanong dumadaang mga sasakyan dito dahil hatinggabi na. Tumatakbo ako sa kadiliman. Hindi ko alam kung saan ako papatungo. Napayakap ako sa katawan dahil sa lamig ng hangin.

Magsusumbong ba ako sa mga pulis?

Pero naalala ko ang banta ni tito Jaime. Papatayin niya si mama. Hindi maaari. Siya nalang ang pamilya ko.

Takbo ako ng takbo sa madilim na daan. Paniguradong hinahabol na ako ni tito Jaime. Ang demonyong 'yun.

Pumasok ako sa masukal na kagubatan. Bahala na kung maligaw ako rito, basta hindi lang ako mahanap ng demonyong si Jaime.

Ang hapdi na ng mga paa ko dahil sa naaapakan kong mga matatalim na bagay. Tanging kuliglig lang ang naririnig ko dito sa loob ng gubat hanggang sa may naririnig akong yapak. Tumakbo akong muli. Bahala na kung may matyempuhan akong mabangis na hayop, basta hindi lang ako magahasa ng demonyong yun. Hanggang sa napatili nalang ako nang wala akong natapakan sa sunod kong hakbang at nahulog ako, at nagpagulong-gulong sa damuhan.




***

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon