Chapter 35: Nostalgic

222 9 0
                                    

"Anak, paano 'to?" tanong ni mama sa kabilang linya, tunog nag aalala. Sinabi niya na gusto akong kausapin ng General Manager ng beach resort.

Iniwan ko lang naman si mama sa beach resort kagabi at bumalik ako ng Maynila. Kahit na ako ang may ari ng resort na yun ay syempre, nahihiya ako. Si Eros ang nagpapatakbo nito, so sakanya parin yun.

"Sinabi ko naman kase sayo, Ma, na umalis ka na dyan." inis na sabi ko.

"Maawa ka naman sa mga empleyado rito, wala ng nag aasikaso sakanila dahil ang may ari ayun, nagbubulakbol." tugon nya.

Bumuntong hininga ako.

"Pag iisipan ko, Ma." sabi ko nalang at binaba na ang tawag. Problemado akong napabuntong hininga.

Pumasok na ako sa convenience store. Pinag iisipan ko na kung ano ang gagawin ko.

Hindi nga sakin nagpakita si Eros sa maghapon. Siguro talaga ay sinunod niya na ang sinabi kong wag ng magpapakita sakin.

Dumating si Daniel nang mag a-out na ako sa trabaho. Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami pauwi sa bahay ko.

"May problema ka ba? Para kasing ang lalim ng iniisip mo." pagbasag ni Daniel sa katahimikan.

Hesitate naman ako kung ikukuwento ko ba sakanya ang pinoproblema ko. Pero baka makatulong naman siya kaya..

"Yung ex ko kase, pinangalan niya sakin ang kanyang beach resort."

Halatang nagulat naman siya sa sinabi ko habang tutok lang siya sa daan.

"Magkatabi ang beach resort namin dati, ngayon binili niya ang resort namin upang mapalawak ang kanilang property pero.. sakin niya pala pinangalan."

"Woah! Ex-boyfriend, magbibigay nalang ng ari-arian sakanyang ex girlfriend?" hindi makapaniwala niyang sambit.

"Unless.." pabitin niyang sabi.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Yan na ba yung ex boyfriend mo na kinuwento mo sakin noon?" tanong niya. Tumango naman ako. Kinuwento ko nga sakanya noon na may ex boyfriend ako na magkalaban kami sa negosyo.

"So, anong gagawin mo?" tanong niya. Nagkibit balikat ako.

"Kaya nga, I need your help, kung ano ang dapat gawin." sabi ko.

"Hindi ko rin alam eh, it's your decision." aniya.

Nakauwi nalang kami ngunit wala akong maisip na solusyon. Mag isa lang ako rito sa bahay. Napabuntong hininga na lamang ako habang nagluluto.

Nang matapos kumain ay nagpasya na akong pumunta sa Labrea. Total, day-off ko naman bukas. Pipilitin ko si mama na sumama na sakin.

Sakay ng bus ay nakarating naman agad ako sa Labrea makalipas ang mahigit tatlong oras ng biyahe. Napayakap ako sa sarili nang humihip ang panggabing hangin. Tinatanaw ko ang malaking hotel sa harapan ko. Pumasok na ako sa may lobby at sinalubong ako ng mga nakangiting empleyado, at si mama na niyakap ako.

"Bumalik ka." masayang sabi niya.

Umirap ako. Sumama nalang ako sakanya patungo sa ini-stayan niyang suite. Nagdadaldal si mama sa mga ginawa niya dito sa hotel, samantalang ako ay umiirap.

"Hay nako, nakakapagod." reklamo niya.

Sasabihan ko na sana siya na sumama na sakin sa pagbalik ng Maynila, kaso parang alam ko na ang sasabihin niya.

Lumabas ako ng hotel at pumunta sa sea side. Nakakamiss din pala ang lugar na 'to. Ang hampas ng alon sa baybayin, ang preskong simoy ng hangin at ang pinong buhangin na aking natatapakan.

Biglang may sumagi na nakaraan saking isipan. May dumaang kirot sa puso ko nang maalala ang masasaya at malungkot na pangyayari sa buhay ko. A nostalgic feelings. Parang gusto kong balikan ang nakaraan ngunit may parte doon na ayaw ko ng balikan.

Siguro kong babalik ako sa nakaraan, ang dami kong babaguhin. Isa na doon ang makilala siya. Ang lalaking sinaktan ako. Isa siyang malaking pagkakamali sa buhay ko.

Sa aking pagkakatulala, ay may naramdaman akong tao sa likuran ko. Bumaling ako dito.

Napatalon ang puso ko nang magtama ang aming mga mata.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa Maynila siya.

Pero mas mabuti pang mag usap na kami ngayon.

"Ah, sorry." aniya.

Tatalikuran niya na sana ako nang tinawag ko siya.

"Eros, mag usap tayo."

Bakas sa mga mata niya ang paninimbang sakin habang lumalapit siya. Umiwas naman ako ng tingin sakanya.

"Ililipat ko sa pangalan mo ang beach resort na 'to," I exclaimed.

"Huh? Sayo to."

Matalim na tingin ang ginawad ko sakanya.

"Kung ayaw mo, edi, hindi na kita mapapatawad pa." sabi ko. Kita ko ang pagdaan ng lungkot sakanyang mga mata.

"Hindi ko kailangan ng awa mo, alam ko na bumabawi ka dahil nasaktan mo ako noon, pero hindi ito ang solusyon para mapatawad kita." mataman kong sinabi.

"Edi, hindi mo na ako patawarin, basta sayo ang resort na 'to."

Talagang ayaw magpatinag na isang 'to.

"Buo na ang desisyon ko na itransfer sa pangalan mo ang resort na ito." sabi ko at tinalikuran na siya. Hindi ko na siya nilingon pa. Bumalik na ako ng hotel.

Natulog ako sa kung saan si mama na hotel room. Hindi na siya roon sa presidential suite. Ayaw niya na raw doon o baka nakaramdam na ng hiya.

Pormal akong kinausap ng General Manager ng hotel kinaumagahan. She formally introduced herself. Her name is Shiela. I think nasa mid 40's na ang kanyang edad. Pormal ang kanyang suot na blouse with a blazer, pencil skirt at pumps, samantalang ako ay nakasuot lamang ng simpleng shirt, jeans at lumang sapatos.

She report the current state of the beach resort. Akala ko mag uusap lang kami pero meeting na yata ito.

Sa kalagitnaan ng aming meeting ay biglang dumating si Eros dito sa board room. He's wearing a long sleeve, slacks and black shoes.

"Good morning, Mr. Villanueva." pormal na bati ni Ms. Shiela.

Ngumiti lang siya sa amin bago umupo sa harap ko. Agad akong umiwas nang magtama ang aming mga mata.

Akala ko ba magiging busy siya sa kompanya niya sa Maynila?

Natapos na lamang ang report ng General Manager na wala akong naintindihan. Lutang ako. Dumagdag pa itong lalaking kaharap ko na sulyap ng sulyap sakin kaya mas lalong hindi ako makapagconcentrate sa nirereport ni Ms. Shiela. I felt nostalgic at the same time. Naalala ko noon na nagpapatakbo ako ng resort.

May pagkain naman na dumating.

"Let's eat." tipid na sabi ni Eros at nagsimula na silang kumain. Kumain narin ako kasi nakakahiya naman kung tatanggi ako at magwo-walk out dito sa board room.

"How's your relationship with Steffi?" tanong ni Ms. Shiela kay Eros.

Kumakain lang ako pero hindi ko maiwasang pakinggan ang usapan nila.

"Were not in a relationship." simpleng sabi ni Eros.

"Why? I thought you're dating her in Manila." si Ms. Shiela.

Napaangat ako ng tingin kay Eros. Nagtama ang aming mga mata. Agad akong umiwas ng tingin sakanya, at pinagtuonan ko ng pansin ang pagkain sa harap.

"Wag na po nating siyang pag usapan," rinig kong sabi ni Eros.

"Dahil.. dahil may nagseselos." aniya pa.

***

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon