Chapter 6: Hurt

449 10 2
                                    

Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito

"Hindi kayo titigil?" saway ko sa dalawang baklang kaibigan ko. Kase naman, kanina pa nila itong kinakanta. Na-music syndrome ang mga ito.

"Tara, awrahan natin si Pogi." si Danny.

"Sinong pogi?" tanong ko.

"Sa kabilang resort, yung kumanta ng 'Di ko alam hanggang kailan tayo, Di ko mabago ang ikot ng mundo,"

Kumunot ang noo ko. Alam ko naman na si Eros ang tinutukoy nila. Buti nalang talaga at hindi ko pinakita noon ang litrato ni Eros, kaya hindi nila alam na ito ang crush ko noon.

"Nagaguwapuhan kayo sa lalaking 'yun?" mapait kong tanong.

"Bes, ang pogi niya, pang boyfriend material." Napangiwi nalang ako sa sinabi ni Danny.

"Atsaka, sex appealing siya." dagdag ni Toni.

Habulin pala ng mga bakla ang gago. Napangisi nalang ako nang maimagine na minomolestiya nila si Eros. Ay, ang bad naman yata ng imagination ko.

"Ayun oh, may afam." turo ni Diane. May naglalakad kase na foreigner sa baybayin.

Parang kiti-kiti naman ang mga baklang lumapit sa dalampasigan. Natawa nalang kami ni Diane.

Nandito kami tumatambay sa cottage. Maganda naman ang kinalabasan ng battle of the band namin kagabi. Kaso nga lang ang ingay ng kabilang resort. Nakakarinding pakinggan ang mga music nila.

Kinahapunan ay check out na ng mga kaibigan ko dito sa resort.

"Balik kayo dito ah." malungkot kong sabi.

"Syempre naman, babalik kami rito." si Danny at nagbeso kami.

"Babalikan ko pa si Eros." sabi ni Toni na ikinagulat ko. Alam na nila ang pangalan ng gagong yun?

"Sinong Eros?" maang-maangan kong tanong.

"Si Pogi sa kabilang resort." si Danny.

"Knows na namin ang name niya dahil nagtanong kami doon sa staff ng resort." si Toni.

I rolled my eyes.

"Wow! Ang taray mo girl, ang competitive mo masyado." natatawang sabi ni Danny.

Wala kasi silang alam kung bakit ako galit sa kalaban naming resort.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na sila.


Madaling araw nang naisipan kong magjogging. Nakasuot ako ng sweater, short leggings and a pair of sneakers. Tinext ko si Jordan na mag jogging naman kami, kaso sabi niya may gagawin daw siya. So, ako itong mag jojogging ng mag isa.

Tanaw mula rito sa kalsada ang dagat habang nagjo-jogging ako. Konti lang dito sa kalsada ang dumadaang sasakyan. May mga nakakasalubong akong mga bikers, at naisip na mag bicycle naman ako next day. Nakalayo na ako na mahigit dalawang kilometro. Huminto muna ako sa pagjogging sa may cliff at tinanaw ang sunrise.

Wow! Kayganda nitong pagmasdan. Ibinuka ko ang mga kamay ko, pumikit ang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin.

Naramdaman ko naman na may tao sa paligid at paglingon ko, para akong napatalon sa gulat. Si Pennywise lang naman ang nakita ko. Hay naku, ang ganda ng umaga ko, sisirain lang nito. Sa papasikat na araw lang siya nakatingin. Nakasuot ito ng sweater, jogging pants at rubber shoes.

Umirap ako nang lumingon siya sakin.

Makaalis na nga rito, saktong pagtalikod ko ay natalisod ako sa bato.

Aray ko!

Napaupo ako sa damuhan at napahawak sa tuhod kong may sugat na. Shit!

Nakita kong may mga paa na sa harapan ko at pagtingala ko ay si Eros na nakalahad ang kamay sakin.

Umikot ang mga mata ko at tumayo akong mag isa. Iniinda ko parin ang sugat sa tuhod ko.

Paika-ika naman akong naglalakad. Haist! Ang layo-layo pa ng resort. Parang hindi ko kayang maglakad na mahapdi ang tuhod. Bihira pa naman ang mga sasakyang dumadaan dito kaya wala akong masasakyan pabalik sa resort.

Shit! Ang hapdi talaga.

Tiningnan ko si Eros sa gilid ng mga mata ko. Nakatingin lang siya sakin.

Tumawid ako ng kalsada at naisipang pumasok sa gubat para maghanap nalang ng halamang gamot sa sugat, patuloy kase ito sa pagdugo. Ngayon, nagsisisi na ako na dapat nagjogging pants nalang ako.

Palinga-linga ako sa paligid nitong gubat. Medyo madilim dahil natatakpan ng matataas na punong-kahoy ang araw at tanging kuliglig lang ang naririnig ko. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa may nakita na akong halamang gamot. Pumitas ako at umupo sa malaking ugat ng puno. I crampled the leaves para lumabas ang katas nito. Dinampi ko na sa tuhod kong may sugat. Shit! Ang hapdi.

Nagpahinga muna ako na nakaupo dito sa malaking ugat. Sumandal ako sa puno. Pumikit ako at nag idlip muna. Nagulat ako nang biglang kumulog.

Luh! Parang uulan. Tumayo na ako, pero teka, saan na ba ang daanan palabas nitong gubat? Nilibot ko ang paningin ko. Mukhang naliligaw ako ah. Ginapangan ako ng kaba at takot.

"Tulong!" Kasabay ng pagsigaw ko ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Haist! Malas talaga nang makita ko si Eros kanina.

Paika-ika parin ako na naglakad kung saan. Bahala na. Sana tama itong direksyong tinatahak ko. Para na akong basang sisiw na naliligaw. Ngayon lang to nangyari sakin. Natatakot na ako. Baka may mabangis na hayop akong makasalubong. Nagpray naman ako kay God na sana gabayan niya ako. Huhu! Kinakabahan na talaga ako.

"Jillian," Nanlaki ang mga mata ko nang may tumawag sakin. Laking gulat ko nang bumungad sa harapan ko si Eros.

"Are you lost?"

***





Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon