Chapter 40: Dream

361 10 0
                                    


A/N: This is the last chapter. Next update is epilogue. Thank you sa mga nakaabot sa last chapter na ito.🙂

***

Mahigit isang linggo na ang lumipas mula nang malaman kong nakabalik na si Eros. Pero sa buwang 'yun ay hindi ko pa siya nakikita. Busy yata siya sa hotel niya sa Maynila.

"Nak, may invitation ka from VLN." masayang sabi ni mama nang pumasok sa opisina.

"VLN?" takang tanong ko. Baka iba naman kase ang tinutukoy niyang kompanya.

"Hotel ni Eros sa Maynila." aniya.

"Para saan yan?" tanong ko.

"Company milestone nila." aniya sabay abot na sakin ng invitation card.

Kumalabog ang puso ko nang makita ang pangalan ko na iniimbitahan sakanilang event. May logo ng VLN hotel ang card.

"Dapat pumunta ka, sister company natin yan." si Mama.

Hindi niya na kailangang sabihin 'yan dahil pupunta naman talaga ako. Naghihintay ako dito sakanya sa wala, wala naman yata siyang balak bumalik dito.

Sa makalawa magaganap ang company milestone celebration nila. Balak ko na sa clothing line ni Danny ako kukuha ng dress at magpapamake up. Nagkita-kita na ulit kami ng mga kaibigan ko nang nag staycation sila rito four months ago. Lahat sila, ang laki na ng pinagbago. May sari-sarili na silang pinagkakaabalahan. Si Diane ay may asawa na, pero ang dalawang baklang kaibigan ko ay wala pa. Kinuwento ko naman sakanila ang mga pinagdaanan ko sa buhay.

Nagpahatid nalang ako kinabukasan sa driver gamit ang seattle ng hotel paluwas ng Maynila.

Kinakabahan ako.

Ba't ba ako kinakabahan ng ganito, eh wala namang nakakakaba sa mangyayari? Mag aattend lang naman ako. Pero kasi may balak ako eh.

Nang makaluwas na ng Maynila ay pinadiretso ko ang sasakyan sa VLN hotel. Napagdesisyunan kong makausap na si Eros. Gusto ko lang siyang kamustahin.

"I want to talk to Mr. Eros Villanueva." sabi ko sa receptionist.

"Do you have an appointment to Sir. Villanueva, Ma'am?" the receptionist asked.

"Ahm, wala, pero gusto ko lang siyang makausap." sabi ko.

"Sorry ma'am, but--" she trailed off. Sinundan ko siya ng tingin at nakita si Eros pagkabukas ng elevator, may kasamang babae. Nakalingkis pa ang kamay nito sa braso ni Eros.

Para akong nanlumo sa nakita. Tuluyan na nga talaga siyang nakamove on. Wala na kaming pag asa.

Nagtama ang aming mga mata ni Eros habang naglalakad na sila palabas ng building. Natigil siya sa paglalakad at nilapitan ako kasama ang babae. Ngumiti si Eros sakin, yung ngiting masaya talaga siya. Ngumiti naman ako ng mapait. Bumaling ako sa kasama niyang babae. Maganda ang babae. She look sophisticated in her outfit, parang fashion model.

"Jillian, girlfriend ko nga pala, si Michelle." pakilala niya sakanyang girlfriend.

"Michelle, si Jillian, ex-girlfriend ko."

Parang nagbabadya na ang mga luha saking mata.

Ayaw kong umiyak sa harap nila.

"Hi, nice to meet you, Jillian." nakangiting sabi ng babae sabay lahad ng kanyang kamay sakin. Tinanggap ko naman ang kanyang kamay.

Ngumiti sila sa isa't-isa.

Tumulo na ang mga luhang pinipigilan ko.

"Ma'am, nandito na po tayo."

Chasing My Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon