2 weeks passed, tuluyan ng nakulong si tito Jaime sa salang attempted rape. Dalawang trial ang nangyari. Akala ko sa una ay hindi ako mananalo sa korte dahil hindi yata sapat ang ebidensya ko at ngayon lang kasi ako naghain ng kaso, but justice has been well served. He's guilty. Parang may natanggal na nakabarang tinik saking dibdib. Nakakagaan ng pakiramdam na nakamit ko na ang hustisya.
Nadischarge narin si mama sa mental hospital. Ang sabi ng doktor ay gumaling na si mama. The treatment was successful. Magkasama na kami sa bahay. Umalis ng kusa ang mga anak ni tito Jaime.
Everything felt surreal. Marami mang nagbago ay kuntento ako sa ngayon dahil magkasama na ulit kami ni mama. Nagtatrabaho parin ako sa isang convenience store.
Nanlaki ang mga mata ko nang si Daniel pala ang customer na nasa harap ko. Medyo marami-rami kasi ang customer kaya hindi ko siya napansin kanina.
"Daniel?" gulat ko. Tumaas baba ang kilay niya. Kaya naman pala kagabi ay tinext niya ako kung saan daw ako nagtatrabaho.
Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Namiss ko siya ng sobra.
"Wait lang, hindi ako makahinga." reklamo niya. Kumalas na ako at masiglang pinagmasdan siya.
"Namiss lang kita." sabi ko sabay tapik sakanyang braso.
Luminga-linga siya sa paligid at tumango-tango.
"Hindi ka ba nahihirapang magtrabaho rito?" tanong niya.
"Lahat naman ng trabaho mahirap at ayos lang naman ako rito." sabi ko.
"Saan ka nadestino?" tanong ko.
"Sa Pasig." sagot niya.
Narinig nalang naming may tumitikhim sa likuran ni Daniel. Customer na naiinip na. Mabilis ko namang iniscan ang biniling ice cream ni Daniel.
"Sayo yan." abot niya saking isang ice cream.
"Thanks." sabi ko.
"Kainin mo na." aniya.
"Di pwede, nagtatrabaho pa ako." sabi ko at nilagay muna ang ice cream sa fridge.
"Hintay nalang ako rito dahil mamamasyal tayo mamaya, treat kita." aniya. Tumango nalang ako. Umupo siya doon sa gilid na may mga nakahilirang mesa at upuan at kumain na ng ice cream.
Nanunukso naman ang tingin sakin ni Jd. Magkasama ulit kami sa shift na pang umaga.
"Kaibigan ko lang yan." sabi ko.
Kumurba ang bibig niya, mukhang hindi siya naniniwala. Tss, bahala siya kung ayaw niyang maniwala.
Out ko na at uminat-inat si Daniel habang papalabas kami ng convenience store. Mahigit dalawang oras lang naman siyang naghintay na matapos ang trabaho ko.
"Sasakyan mo 'to?" tanong ko nang makasakay na kami ng kotse.
Ngumiti nalang siya.
"Naks, asinsado ka na talaga ah."
"Saan tayo?" tanong ko habang nagbabiyahe na kami.
"Mamasyal kahit saan." aniya.
Tumango ako.
"Pagkatapos ay ipakilala mo naman ako kay mama." aniya.
Kumunot ang noo ko nang balingan ko siya.
"Anong mama ka dyan?"
Tumawa lang siya.
Pumunta kami sa isang mall. Naglakad-lakad kami.
"Wag na, mauubos ang oras natin dyan." sabi ko dahil gusto niya raw manood ng sine.