"May problema ba?" tanong ni Jordan. Nandito kami sa may cottage. Katatapos ko pa lamang manduhan ang mga staff nitong resort.
"Wala naman." sagot ko.
"Tulala ka kase." aniya.
Naalala ko kasi ang nangyari dalawang araw na ang nakalilipas, na naligaw ako sa gubat kasama si Eros.
Hindi ko na ikinuwento kay Jordan. Kahit nga yata sugat sa tuhod ko ay hindi ko na sinabi.
"Tara, laro nalang tayo ng volleyball." aya niya. Tumango ako.
Tuwing papalo si Jordan ng bola ay hinihinaan niya lang para mareceived ko ng maayos. Tawa lang ako ng tawa dahil kapag ako naman ang magpapalo ng bola ay inililihis ko sa kanya. Napapakamot siya ng ulo.
"Ang daya mo naman." sabi niya.
Bumawi yata siya dahil napalakas ang palo niya ng bola. Hinabol ko ang bola hanggang sa mapunta ito sa kabilang resort. Nakatingin lang ako sa bola at nakitang bumangga ito sa paa. Pagtingala ko ay si Eros ito, hawak niya na ang bola at inabot sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko, para bang may nagkakarerang mga kabayo sa dibdib ko.
"Thanks." tipid na sabi ko nang tinanggap ko ang bola.
May batang lalake naman na papalapit sa direksyon namin. Tumalikod na ako at narinig ko ang sinabi ng bata.
"Diba siya kuya ang nasa picture doon sa cellphone mo?"
"Ikaw, pinakailamanan mo naman ang cp ko." si Eros.
"Gusto ko kase maglaro ng ml kuya."
Nakalayo na ako at hindi ko na narinig ang sinasabi nila.
Ano raw?
Ako ang nasa picture sa cellphone ni Eros?
Bakit naman?
Imposible. Baka kamukha ko lang.
Nang makabalik na ako kay Jordan ay nakahalukipkip ito.
"Ang tagal mo naman babe."
Tinaasan ko nalang siya ng mga kilay, at pinalo ang bola ng malakas. Ayun, siya naman ang hahabol sa bola. Napatawa ako.
Nang matapos ang laro namin ay pagod na pagod ako. Hinihingal ako sa sobrang pagod, hindi sa pagpalo o pagrecieved, kundi kahahabol sa bola.
Gabi nang magpaalam na si Jordan. Mahaba-haba ang biyahe niya patungong Maynila. Ang hirap naman ng long distance relationship. Kailangan niya pang bumiyahe ng ilang oras para magkasama kami.
Nandito ako sa terrace at paulit-ulit sumasagi sa isipan ko ang narinig ko kay Eros at sa batang kausap niya. Heto na naman ang tibok ng puso ko. Ito yung tibok na matagal ng patay at muling nabuhay.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Para bang may humahaplos sa puso ko.
Naiinis ako sa sarili ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Para bang bumalik sa nakaraan ang puso kong umasa sa lalaking hindi naman ako gusto.
Ang utak ko naman ay nagsusumigaw ng 'May boyfriend ka na.'
Humiga na ako at hindi ako makatulog. I'm thinking about the incident that hasn't happened yet with Eros.
Am I chasing my rival again?
Arrgh! Tinampal ko ang noo ko ng aking palad. Naiinis ako sa sarili ko.
Madaling araw nang magjogging ako. Kung dati ay hindi naman ako maalaga sa katawan, ngayon parang body conscious na ako.
Papasikat na ang araw nang makapunta na ako sa cliff, ang dulo nitong kalsada.
Luminga ako sa paligid. Wala siya.
Pinagmasdan ko ang sunrise. Para bang galing ito sa ilalim ng dagat na paahon na.
Napatalon ako sa gulat nang may taong dumating. Si Eros na nakapamulsa sa kanyang jacket at may earphone sa tenga. Umiwas ako ng tingin nang lumingon siya sakin.
"Kamusta ang sugat mo?" tanong niya.
Lumingon ako sakanya. Tinanggal niya na ang earphone sakanyang tenga.
"Okay na, hindi na masakit." sabi ko.
Tumango siya.
Parang ang awkward naman.
"I-ikaw, ang paa mo?" tanong ko rin.
"Ayos na rin, akala ko maiinjured na ako eh." nakangiting sabi niya.
Heto na naman ang mabilis na pintig ng puso ko nang sandaling makita ang kanyang mga ngiti.
Ang cute.
Ay wait, ano ba itong iniisip ko kay Eros? Diba napapangitan nga ako sakanya?
"Wag ka ng papasok sa gubat na yan, delikado." paalala niya.
Concern ba siya sakin?
"Never na talaga akong papasok diyan." sabi ko.
Bigla naman umalingawngaw ang pamilyar na musika. Tiningnan ko siya, natanggal pala kase ang earphone sa kanyang cellphone. Ang nakakagulat dahil music yun sa Meteor garden. Agad niya namang pinatay ang tugtog.
Pakiramdam ko, uminit ang pisngi ko. Pinigilan kong ngumiti.
Nakikinig pala siya niyan?
"Sige, alis na ako." biglang sabi ko at tumalikod na.
Naalala ko, karibal ko nga pala siya. Nag usap lang naman kami ng sibil, walang malisya.
Nagpatuloy na ako sa pagjogging, pabalik na sa resort.
Bigla namang may humintong puting van sakin. Labis akong kinabahan. Baka mga kidnapper ito, at tama nga ako. Bumaba ang dalawang nakamaskarang lalake at lumapit sakin. Tatakbo na sana ako nang hinarangan nila ako sa harap ng mabilis.
"Jillian!" rinig kong sigaw ni Eros.
Tinakpan nila ng panyo ang bibig ko. Nanghina ako at nawalan malay.
**