One minute before 9:00pm. Wala pa ring dumadating ni-isa sa kanila. Aware ba sila na na-move ang Dinner 2 hours earlier? Ken requested it and Ate gave an approval so malamang aware sila unless makaligtaan nila. Si Athena nama'y siguradong male-late raw ng minimum of thirty minutes because of the traffic.
Excited ako na kinakabahan dahil this dinner will not be an ordinary dinner. I knew Ate Chiqui, she'll get to know my friends at siguradong pag natipuhan niya'y magke-create siya ng bond sa mga ito. She's the most congenial person I've ever known, napaka-friendly and bubbly na exact opposite ko naman. Sa sobra ng pagiging Miss Congeniality niya'y maaga siyang nabuntis ng isang mayamang businessman, na hindi ko alam kung good or bad. Nangyari na e, blessing na lang daw? Ganda talaga ng logic ng kakambal ko.
The longest arm in the clock has moved to 12. Eksaktong may kumatok sa pinto. I'm expecting Ate is knocking outside the door pero na-surpise ako nang makita sina Loane, Arsi at Ken together with their girlfriends. Di ko rin expected na nakagayak na sila dahil ang alam ko'y dito sila magbibihis.
"On the dot!" masigabo kong sabi nang pagbuksan sila ng pintuan.
"Wow! Ang daming food!" manghang reaksyon ni Ken nang makita sa may lamesa ang katakam takam na mga pagkain. Dumiretso kaagad papasok si Ken na tila inisnab ako nang makita lang ang mga pagkain.
"Hi Andrea, welcome to our Condo," batid ko na parang waiter lang ang arrive.
"Oh. Thanks," sweet niyang sabi sabay diretso sa jowa niya. I felt meron pa ring awkwardness between us dahil sa nakita kong scandal nila ni Ken.
Kasama naman ni Loane ang kanyang magandang Girlfriend. "Arjay, si Anne. Diba nagkita na kayo?"
"Hi Arjay? I saw you already pero I doubt nakita mo na 'ko?" pagngiti niya sa 'kin.
"I think this is the first time. I'm glad to meet you my lady," magalang kong sabi.
"Thank you Arjay. Kung maka my lady ka parang Game of the Thrones lang ha?" My lady kase, if i recall, ang kadalasang tawag sa mga babaeng mataas ang estado sa lipunan sa TV series na Game of the Thrones na paborito kong panoorin.
"Sige pasok na kayo," anyaya ko sa magnobyo.
Napansin kong kasama ni Arsi ang tila pamilyar na babae. Siya 'yung kahalikan niya duon sa Bar na pinuntahan namin kailan lang. Nilapitan ko silang dalawa na nuo'y pumasok kaagad at naupo sa Sofa.
"Parang kilala kita?" tanong ko sa babae while sitting beside her. Ilang siyang ngumiti sa 'kin na tila ayaw sagutin ang tanong ko.
"Pare 'wag kang maingay?" pabulong na dikta sa 'kin ni Arsi na tila humaba ang leeg pasitsit sa 'kin.
"Ba't naman Pare. You should be proud of your lady."
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Basta shut up ka lang about the nature of her work ha?"
Na-gets ko na kaagad ang sinabi niya. Sa mga ganitong kasiyahan, mahirap i-reveal kung ano ka talaga based on your job. Hindi siguro makahanap si Arsi ng mas matinong babae kaya dumampot na lang siya ng GRO para palabasing girlfriend niya.
"Not a problem Pare," assurance ko sa kanya.
Five minutes after 9:00pm ay dumating na rin sina Ate Chiqui together with her Husband. Pumasok na sila kaagad since nakabukas naman ang pinto.
"Sorry guys? We're late."
Naka-yellow dress si Ate na suot-suot ang yellow stilettos niya. First time kong makita ang asawa niya na may katangkaran. 5'11 ang height at medyo maskulado ang katawan.
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
RomanceCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...