Chapter 34: Walk Away

14.1K 452 57
                                    

Tama ba ang ginawa ko? Tama bang pagsalitaan ko si Kentot ng masasakit na bagay para lang layuan ako? May katotohanan man o wala pero ramdam kong labis siyang nasaktan sa binitiwan kong mga paratang sa kanya. It’s not my intention to say those words but that’s the only way for him to get his problem fixed. Nasaktan ako ng sobra sa ginawa niyang paglilihim sa ‘kin, on my end I felt na parang pinagtaksilan niya ko to the point na kinwestiyon ko pa kung mahal niya talaga ako. Sino ba namang taong gustong paglihiman ng mahal niya na sooner or later e mamamatay na sila? It doesn’t make any sense dahil ano at sino ba ako sa buhay ng mahal ko? Wala ba akong kakayahang damayan siya sa hirap na nararanasan niya? Wala ba akong kapasidad na matulungan siyang gumaling? Hindi pa ba sapat ‘yung pagmamahal ko sa kanya para matuto siyang lumaban sa karamdama niya?

Ang dami kong katanungan sa isip ko na pinipilit kong hanapan ng kasagutan. Pero ano kaya ang nasa isip ng Kentot ko kung bakit niya ginawa ‘yun? Kung sinabi ba niyang may Stage 1 Cancer siya simula’t sapul pa lang e aabot ba kami sa ganito katagal na relasyon? Tama ang sinabi ko, malamang hindi ko ientertain ang thoughts na maging kami dahil awa bilang isang kaibigan lamang ang mararamdaman ko sa kanya. Pero bakit ako nasasaktan sa paglilihim niyang ito? Alam kong masakit pero sa totoo lang, hindi ko naman masasabing pinagsisihan ko ang relasyon naming ito. Hinding hindi. Ano pa man ang rason e wala na akong pakialam dahil niyakap ko ng buong puso si Ken bilang tunay kong mahal. Pinagbuklod man kami at pinaglaruan ng kapalaran sa hindi kaaya-ayang paraan e labis ko ‘yung tanggap dahil what matters most is the journey that we travelled onto the love that we earned together. Oo, nasasakatan ako! Para kong nararanasan ang sakit ng bawat pagdaing niya tuwing sinusumpong siya ng migraine. Nararamdaman ko ‘yun na tipong hindi makahinga dahil mahal na mahal ko ang Kentot ko. Mahal na mahal kaya kahit masakit e ginawa ko ang desisyon na layuan siya dahil ‘yun ang nararapat para sa ikabubuti ng lahat. Sana marealize niya na kaya ko ‘to ginawa dahil mas gusto ko siyang gumaling kesa makasama ko siya sa nalalabing araw niya. That’s the real definition of my love for him.

**

Napakabigat ng pakiramdam ko nang gumising kinaumagahan. I took my daily routine tapos larga na sa school. Walang kaalam-alam si Arsi na kami na lang dalawa sa Condo but I’m not in the mood to discuss everything to him.

Mabuti na lang at medyo kalmado na ako at nakakapag-isip na ng mabuti but all I’m thinking is Ken. Not his cancer, but how can I make him feel his burden less painful. Narealize ko kase na since nagkagalit na sila ni Loane tapos nakipagbreak pa ako sa kanya, parang dagdag heavy baggage pa sa kanya tuloy ang mga ‘yun. I don’t want to think of my state, gustong kong kahit papaano’y makatulong akong pagaanin ang loob ng Kentot ko kaya gumawa ako ng paraan para maisagawa ‘yun.

Pinlano kong makipag-usap sa mailap noong si Loane. Kasa-kasama niya si Arsi sa Campus minus me and Ken. Humanap ako ng tiyempo na siya lang mag-isa para masinsinan kaming mag-usap. I wanted to tell him what’s happening to his best friend, tingin ko nama’y lalambot ang puso niya kung sabihin ko ang kundisyon ng Kentot ko.

Natyempuhan ko siya sa labas ng Canteen ng Campus kinahapunan na siya lang mag-isa habang kumakain ng Egg sandwich. I took a chance para samahan siya sa pagkakaupo sa isang secluded na table para makipag-usap sa kanya. Nilukutan niya ako ng mukha ng bigla na lang akong umupo sa harap ng lamesa niya kung saan siya nakaupo. I just gave him a shy smile to initiate a possible talk.

Instead na kausapin ako e bigla niya akong sinungitan at tumungo papuntang kabilang table. I felt na he’s still obviously mad with me kahit hindi ko maabsorb ang pinaghuhugutan niya since si Kentot naman ang nakaaway niya. I took a deep breath at sinamahan siyang muli sa table kung saan siya lumipat. He travelled his eyes around to check ng another paglilipatan ngunit fully occupied na lahat ng tables. He suddenly looked me in the eye and I felt the flare on that stare.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon