Chapter 10: Chiqui

23.2K 524 24
                                    


Kinabukasan, I fetched Ate Chiqui from our house para ipakita sa kanya ang Condo namin. She's excited to have a look on our newly found haven. Ginamit namin ang business car for our transportation.

Kung nasawa na ang tatlong mokong sa kakaprank sa 'kin, it's payback time. I already told Ate to portray like me since para kaming pinagbiyak na bunga. I wonder what will be their reaction if malaman nilang naging babae ako? Haha.

I texted Ken muna to check if nasa Condo silang lahat, and he replied yes. He's asking ba't ko raw tinatanong, I didn't attempt to reply because it will be a surprise. Nang ma-reach na namin yung Condo, Ate proceeded in front of the door while I'm hiding at the corner near our room. She knocked I think twice para pagbuksan siya ng pinto, when the door opened, my ears are ready for eavesdropping session.

I saw Loane opened the door frantically na parang may naka-ready silang prank para sa akin but the structure of his face changed when he saw Ate smiling in front of him without uttering a word. I giggled nang makita ko yung reaction nyang nawiwirduhan. Parang kinikilala niya si Ate dahil kamukhang kamukha ko siya talaga. I really wanted to laugh coz I can't stand the reaction of Loane but I needed to calm down to witness more hilarious moments.

"Arjay?" banggit ni Loane sa name ko na alam kong na-confuse. Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa kaengotan ng isang 'to. Hindi ba pwedeng tanungin muna si Ate kung kapatid niya ako? Pangalan ko talaga ang sinabi niya? I almost died laughing secretly. Hindi sumagot si Ate at napangiti na lamang sabay biglang pasok sa room.

Lumapit ako sa pintuan dahil iniwan ni Loane na nakabukas ito, itinuloy ko ang pagmamatyag at para makita kung anong baon ni Ate para sa kanila. Naka-topless pa naman ang tatlo kaya nakakahiya para kay Ate. Yung mukha nila'y parang nakakita ng multo, speechless for a moment na parang kinikilala kung ako nga ba talaga 'yun o ibang tao.

Madali namang na-figure out ni Ken kung sino ang nasa harapan niya. "Kapatid po kayo ni Arjay?" Agad niyang isinuot ang kanyang damit matapos maghinala.

"Very good!" masigabong tugon ni Ate. "Arjay get inside!" sigaw niya para tawagin ako.

Pumasok ako sa room na tawa nang tawa. I can't describe their faces when they saw my Ate.

"Hahaha.... Mga dude, that's epic!" I said laughing.

Kinotongan ako ni Loane na nasa tabi ko lang. "Sira, akala ko naging babae ka na?!"

Epic 'tong si Loane e. Siya talaga 'yung nagpatawa sa 'kin dahil sa expression niya nang makita si Ate sa labas. Mabuti na lang at magaling mangilatis itong si Ken kaya buko kaagad ang planong harmless Prank ko sa kanila.

"Arjay, di mo naman sinabing dadating ang kapatid mo?" sabi ni Ken while fixing himself and repositioning the way he sit.

"Surprise dude?" I said.

"Kambal po kayo?" tanong ni Arsi kay Ate na nuo'y nakatayo sa harap nila.

"Absolutely!" confident niyang sabi.

Nakita ko yung amazement nila nang malamang may kakambal ako. It's something na nagpa-surpirse sa kanila dahil kamukhang kamukha ko ang Ate ko.

Inakbayan ako ni Loane na siyang nagpabigat nanaman ng timbang ko. "Ayos ka brad ha? 'Di mo sinasabi na may kakambal ka pala. Kamukha mo pa talaga."

"Natural kambal e, ano pa nga ba?" pamimilosopo ko.

"Sorry po medyo magulo 'yung Condo namin," si Ken na agad napatayo.

"Not a problem boys. Atsaka 'wag niyo na akong ma-Po po. Pare-pareho lang tayo ng edad. Baka nga mas matanda pa kayo sa 'kin e?"

Kung titingnan, parang nasa mid 20's na si Ate dahil sa pagkamature ng hitsura  ng face niya kahit kamukhang kamukha ko siya. Meron na siyang anak na isang taon na dahil nabuntis siya when she was 15. In short, ang aga niyang lumandi pero kung makapaghigpit 'yan sa 'kin wagas.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon