Chapter 35: Arken

12.9K 466 25
                                    

This is just a short chapter. Hope you could vote and comment in the comment box below :) 

“Hoy Kambal! Sasama ka ba?” pagtapik sa ‘kin ni Ate habang ako’y mahimbing pang natutulog sa aking malambot na kama. Dito ko piniling magstay muna sa bahay dahil wala naman na sa Condo si Ken. Si Arsi na lamang ang naroroon, wala naman akong alam pa kung babalik ng Condo si Loane na malamang ay bumalik dahil nakikituloy lang siya panandalian sa pinsan niya.

“Saan ka ba pupunta?” paantok kong tanong sa kanya habang nakapinid pa rin ang aking mga mata. Kaunti lang ang tulog ko mula kagabi.

“Pupunta ako kina Kentot, kakamustahin ko siya. Ayaw mo bang sumama?”

Bigla akong namulat nang mabanggit ni Ate ang pangalan ng Kentot ko. Bumangon ako na tila ba nagkaroon ng malay tao sa mahabang pagkakaidlip.

“Tumayo ka na diyan kung gusto mong sumama. Hihintayin na lang kita pero bilisan mo dahil magtatanghali na,” bilin niya sa ‘kin.

“Ate hindi pwede......” malungkot kong sabi sa kanya.

“Anong hindi pwede? Ayaw mo bang kumustahin si Ken? Para sumaya man lang na makita ka?”

I told Ate na lumipat na si Kentot pero I didn’t mention to her yet what is the cause of the transfer. “I broke up with him Ate. Kaya... ayun.... hindi pwede,” direktang sabi ko sa kanya.

“Ano?!!” pagulat na reaksyon niya. Tumabi siya sa ‘kin sa pagkakaupo sa kama to verify what I’ve said. “Sigurado ka Kambal? You really did that? How come?”

I faced Ate and gave her a sad stare. It’s like I’m reminiscing the moments nang halos ipagtabuyan ko si Kentot sa Condo at pagsabihan siya ng maaanghang na komento. “Diba sabi ko naman sayo... Tita Lian is not ready for our relationship and I think she’ll never be ready. Matigas ang ulo ni Ken kaya ‘yun na lang ang way para kahit papaano makatulong ako sa paggaling niya. I’d rather let him go than seeing him dying in my arms Ate. Kaya sana tama ang desisyon ko.”

Ate smiled at me and tapped my back. “You really love Kentot. I’ve never seen you in love like this before kambal. I salute you for doing the right thing and being brave.”

Sinuklian ko ng ngiti pabalik si Ate dahil sa kanyang tagos pusong komento. I know for the fact na I made the right decision but that decision left a big hole inside my heart. It’s painful and aching ‘till now, pero mabuti na rin na ako ang makaramdam ng sakit para matuwid at madagdagan pa ang buhay ng Kentot ko.

Ate advised me na kukwentuhan niya ako kung ano na ang status ni Ken. It’s just 3 day past matapos nung pagpunta namin ni Loane sa bahay ni Kentot. Naisipan ko na ring bumalik ng Condo para samahan ang nuo’y nag-iisang si Arsi. He might think na porke wala na ‘yung dalawa sa Condo e bigla ko na lang siyang iiwan dun. I don’t have any idea if nakarating na sa kanya ang masamang balita kay Ken coz baka namention ito sa kanya ni Loane dahil lagi naman silang nagkikita sa Campus.

It was just a normal day for me papuntang Condo na latang lata pa rin ang katawan na para bang may pabigat na nakapatong sa likuran ko. I’m trying not to think of negative things about Ken regarding his state pero hindi pa rin talaga ‘yun mabura sa isip ko. Hindi na nga ako makapag concentrate sa pag-aaral ko dahil sa pag-iisip na ‘yun na kulang na lang ay si Ken ang maisulat ko sa papel tuwing mag-eexam ako. It’s bearably unbearable na apektado lahat ng sistema ko pati pakikitungo ko sa iba. Gusto ko lang mapag-isa at walang kumausap sa ‘kin though I can’t resist not to talk to my Kambal.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon