Vote and Comment guys para mabilis ang Update!!
Nawala bigla ‘yung rush ng libog ko nang makita kami ni Mommy as well as nang bigla siyang mahimatay upon witnessing us doing that hideous act. Nagmadali akong isinuot ang aking shirt habang si Ken nama’y ibinabalik ang boxers na hinubad ko. I went sa kinabagsakan ni Mommy sa may pintuan, bigla naman kaming nakita ni Ate na tipong naghysterical when she saw Mommy collapsed in front of my door. Habang buhat buhat ko ang aking butihing ina, with the help of Kentot, papunta sa aking kama ay agad rin naman siyang nagkaroon ng malay.
“Anong nangyari?” alalang sabi ni Ate. “Arjay please get a glass of water!”
I gave Mommy a glass of water na nuo’y parang hirap huminga. Meron kaseng sakit si Mommy sa puso kaya bawal sa kanya ang mga heavy works, or ‘yung katulad ng ganito na nabibigla. Nawawala na ako sa sarili ko dahil akala ko’y kung ano na ang nangyaring masama sa Mommy ko. She really means the world to me and I don’t wanna lose her nang dahil lang sa katangahan ko.
“Ano bang nangyari Arjay?” alalang tila pagalit na tanong ni Ate. I don’t know how to answer her question dahil nakakahiya kung anuman ang nakita ni Mommy. Napaka weird ng emotions ko ngayon, it’s a mixture of pag-alala at kahihiyan. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng emosyon na tila hindi tinatanggap ng katawan ko kaya’t nagpapalpitate ako.
Mommy is lying in the bed habang pinapainom ko siya ng tubig. “Wag mo nang alamin Chiqui. Wala ‘yun, napagod lang ako,” sabi ni Mommy na ang tono’y ayaw niyang ibulgar kay Ate ang nasaksihan niya.
“Are you okay Mommy? Isusugod kita sa Hospital,” said Ate.
“Napagod lang ako. Tingnan mo nagkamalay tao kaagad ako? Sige na puntahan mo na ‘yang anak mo at kanina pa iyak ng iyak.”
From here e naririnig ko ang baby ni Ate na umiiyak. She’s worrying sa kalagayan ni Mommy big time ngunit minabuti rin niyang bumalik sa kwarto niya para icheck ang kanyang anak.
“Mag-usap nga tayo ng masinsinan Arman James, pakisara ng pinto!” she commanded me at that’s the time na inilock ko ang pinto para hindi kami marinig ni Ate.
I saw Ken na tulala habang nasa gilid ng kama. Hiyang hiya ako sa mother ko na umupo sa tabi niya at hindi ko talaga siya matingnan sa mata. Ano bang pwedeng iexplain ko sa kanya? Nakakahiya talaga ng sobra.
My Mommy is the best mom in the world and I’m the living witness dahil pinalaki niya ako na mabuting nilalang at responsible. Lagi niya akong pinagbibigyan sa mga hilig at gusto ko at never niya akong pinagbuhatan ng kamay. Hindi niya nga magawang sigawan ako, pero ngayo’y hindi ko alam kung anong pangaral ang pwede niyang maibigay sa ‘kin dahil sa nasaksihan niya.
“Mommy...... I’m sorry,” sabi ko na may kababaan ang tono. Para akong tupa na sobrang amo na hindi tumitingin sa mata niya.
“Arman James, hindi ko alam na bakla ka pala?” medyo pahingal niyang batid to recover her breath. Bigla akong tumingin sa kanya mula sa pagkakayuko in defense.
“No Mommy.... sa maniwala kayo’t sa hindi, I’m not gay. I’m not.... “ pautal kong sabi na may halong guilt.
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
RomansaCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...