Chapter 14: Broken

25.4K 607 38
                                    

This is a fast paced Chapter. Please vote and do leave a comment. Thanks!

Tatlong araw nagkasakit si Ken at walang ibang nag-asikaso kundi ako. Thank you kina Arsi at Loane sa napaka-touching na moral support nila para ibigay sa 'kin ang responsibilidad na dapat ay kanila. Part pa ba ito ng initiation test nila sa 'kin na ako ang maging nurse tuwing magkakasakit sila? Mabuti na lang at sincere si Ken sa pagpapasalamat sa 'kin na halos oras-oras ay pinapasalamatan ako. Medyo naka-recover sa sakit na trangkaso ang kaawa-awang kaibigan ko on the 4th day after the event. He missed a lot of activities sa school specially to our ever strict Ms. Macasaet. Sinamahan ko rin siyang magpa-check up both for his physical state at sa kanyang Neurologist. Obvious na may sakit siya at required siyang magpahinga ng ilang araw while sa Neurologist e maayos naman ang kanyang kalagayan. Thank God! Ayoko nang matinding pasanin lalo na pagdating sa health.

Thankful kaming tatlo na hindi na-transmit ang virus ni Ken sa 'min. Even though I have contact with him most of the time, I made see to it na I'm taking my vitamins at ginagawa ko ang precautionary measures to avoid the virus. Mahirap kaseng magkasakit dahil we're away from our parents, e mas lalo na 'pag ako ang may sakit? I can't imagine na aalagaan nila akong tatlo, which I didn't want to happen.

**

Maraming nangyari three weeks after the so called gathering. Medyo napalapit ako nang husto sa tatlo and I got to know them more from those small talks every time magkakasama kami sa Condo. Lagi rin kaming magkakasama sa school even though sometimes I missed their lakad dahil iba ako ng course at schedule kaya minsan ay hindi ako nakakasama. Naging closer ako kay Ken compared sa dalawa for some obvious reasons, ayan 'yung madalas niyang pagpapagawa ng assignments sa 'kin at ako ang nagsisilbing tutor niya tuwing may mamimiss siyang subject. Free tutor lang ang dating ko for him. Matalino si Ken pero he's more active sa mga activities sa school rather than academic. He's known to be a part of the cheering squad of our school kasama ang girlfriend niya, at mahaba ang oras na ginugugol niya roon.

Meron kaming silent war ni Athena kaya we decided na mag cool-off muna because of her ignorance to inform me about her dealings. Yun pa rin 'yung pinagtatalunan namin na nauuwi sa endless debate na dumadating sa puntong kinukwestyon na namin ang trust ng isa't isa. Hindi siya makapagbigay sa 'kin ng valid excuse kaya masyado akong disappointed sa kanya. I felt there's something deeper that's happening na hindi niya sinasabi sa 'kin. Kahit i-rationalize ko ang sinasabi niya, parang may mali sa mga dahilan niya. After the gathering kase e meron na naman siyang hindi sinipot na ipinangako niya sa 'king dadalo siya, and her excuse was may emergency ulit ang Ate niya. Hindi ko alam kung nananadya siya o merong tinatago sa 'kin, or may kinatatagpo siyang ibang lalaki? Minsan na nga lang kami magsama pero lagi naman siyang Missing In Action kaya minsa'y nakakawalang ganang makipag-usap sa kanya.

Dumadalaw si Ate Chiqui once or twice a week sa Condo para kamustahin kami. Pansin kong mas nagiging close na siya kay Ken kesa sa 'kin na laging out of place tuwing mag-uusap sila. Minsan naiisip ko, dumada-moves itong si Ken para i-seduce si Ate kahit may asawa na. Pero itong si Ate, wala pa ring awat sa pakikipag-bond sa tatlo most specially kay Ken.


**


Everything went smooth and perfunctory sa buhay ko hanggang sa sumapit ang sembreak. Biruin mo, tumagal ako ng isang Sem kasama ang mga kolokoy kong kaibigan sa tirahan naming Condo. Feeling ko'y ibang tao na ako dahil ang dami kong natututuhang mga kalokohan sa kanila. Pero gayunpaman, masaya ako dahil itinuring talaga nila akong kaibigan, kahit minsa'y nafi-feel ko na nagiging alila ako sa Condo dahil ako lang naman ang dakilang tagaluto nila. MasterChef na nga ang tawag nila sa 'kin e dahil ang sarap ko raw magluto na dahilan ng pagdagdag ng mga baby fats nila. Si Ken, before the sem has started e medyo lean, ngayon nama'y medyo nagkalaman siya and still buffed pa rin naman dahil sa palagiang pagji-gym. And guess what? I'm a gym lover convert and that's because of him. Kinumpara ko 'yung pictures ko noon na medyo malaki pa ang tummy na mukha pang butete sa present pictures, sobrang laki ng naimporve dahil I went being a muscular type na malaki ang muscles with six pack abs and still lean in figure.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon