Chapter 9: Fight

25.3K 505 20
                                    

I accompanied Ken kinabukasan for his Medical Check up regarding his head. He just wanted me to stay outside the hospital but promised me to say the progress of his state. It's good to know na according to his Doctor, bumubuti na ang condition niya. Halos pagbawalan na siyang mag lift ng weights because it adds too much pressure on his brain pag sumobra ang pagod niya.

Na-notice ni Ken ang pag-aalala ko sa kanya. "What's with the face Pare? You've heard it right! My Doctor said, I'm in good condition. Walang inhibition Bro, pwedeng pwede pa ang sex," he said jokingly

I was dead serious staring at him because I knew for the fact na health is a serious matter to deal with. "Magaling kung ganun Pare," I smiled forcefully. "Sana tuloy-tuloy na 'yan. We'll never stop till you get perfectly well."

"Of course Arjay, sa tulong mo, I believe anything is possible. Salamat kaibigan," he tapped my left shoulder.

Tiningnan ko pa ang kanyang kamay habang tapik-tapik ang balikat ko. Masyado lang kasi akong nag-aalala para sa kanya. Brain Diseases are more dangerous than heart problems because neurons cannot be regenerated once it has been damaged. That's what I learned from my science Professor when I was in Highschool.

Ken went to school dahil may tatlo pa siyang subject together with his equally happy go lucky friends Loane and Arsi. Masaya ako na kahit papaano'y nakakangiti pa 'rin si Ken na parang hindi masyadong serious ang kalagayan niya. Hindi pa rin mag sink in sa isip ko kung bakit ako ang binigyan niya ng napakalaking bato sa aking likuran na napakahirap dalhin. It's something that I didn't even imagine nor wish. 

I went to our residence in Makati to visit the two closest girls in my life. I missed Mom and my twin sister, her name is Chiqui. I called her Ate kahit ako talaga 'yung unang lumabas sa sinapupunan ng mother ko. Wala lang, trip lang. Mas mukha kase siyang matured kesa sa 'kin. Nakasanayan ko na ring tawagin siyang Ate.

"Arjay? Mabuti naisipan mong bumisita?" bati niya sa 'kin na nakapamewang sa Main Door ng bahay. 

"Syempre naman bahay ko rin 'to. Nasaan na si Mama?"

"Busy with the business. E ikaw? Wala kang pasok?"

"Wala 'yung Professor ko Ate kaya pumunta ako rito," dahilan ko.

"Asus baka tinatamad ka lang mag-aral Arjay? That's a big No-No."

"Ano ka ba Ate? I'll not do that! You know me?!"

"Hmmmmm.... O siya pumasok ka na. I'll get the Chocolate Graham I made last night"

While getting inside the Kitchen, naramdaman ko kaagad ang sobrang pagkamiss sa bahay. It felt like I've been away for a decade simula nang magdecide akong tumira sa Condo together with my new found friends.

Ate served me her Chocolate Graham sa isang platito. Very enticing ang appearance 'coz she always wanted to perfect both the taste and the presentation.

"Ang sarap ha? Experiment?" 

"Made up experiment. Pwede siyang I add up sa desserts for made to order. Anong tingin mo Arjay?"

"Pwede! Masarap siya," I said while I got a spoonful of the dessert.

"O ano kamusta na ang buhay mag-isa? Namiss mo na ba ang mga sermon ko?"

Si Ate talaga. Sa totoo lang, mas madalas siyang magalit sa 'kin kesa kay Mama. Akala mo kung umasta siya'y parang magulang ko sa sobrang higpit sa 'kin.

"Maganda 'yung Condong napili namin. Mas makakatipid kaming apat," I replied.

"Bagong friends mo ba sa school 'yung mga kasama mo?"

"Yah!"

"Matitino naman ba?" 

Napaisip naman ako sa tinanong niya. Can I classify them as sane friends? May pagka-insane sila kadalasan e.

"Syempre naman. You know me Ate hindi ako nakikisama sa mga non-sense people."

"Echosero. How can you say so? How about pala 'yung life mo sa Condo? Gusto mo ba o gusto mo na ulit bumalik dito?"

"No!" halos pagtaas ko ng boses. "No... I want to be independent. Yan naman din ang gusto mo diba Fairy God Sister?"

"Ayaw mo na talagang marinig ang mga sermon ko.... Period! Baka bukas pumunta pala ako sa Condo niyo."

"Hala? Ano namang gagawin mo 'ron?"

"Wala lang, gusto ko lang makita kung maayos 'don."

"Maayos naman," I insisted.

"Weh?!"

"Maayos nga, ayaw mo pang maniwala?"

"To see is to believe brother. Basta no one can stop me, save the date.. Tomorrow! Expect me there!"

Wala akong nagawa kundi pumayag na lamang sa kagustuhan niya. Mapilit kase itong Ate ko kahit literally e ako ang mas matanda sa kanya. Gusto ko ring i-surprise ang mga mokong dahil hindi nila alam na may kakambal ako. Magkamukha kami ni Ate, pag nilagyan ako ng wig ay kamukhang kamukha ko na siya.

"Bahala ka!" I said while I'm pouring coke in my glass.

Ininom ko ang Coke na nuo'y hindi ko nalasahan dahil sa matamis na kinain ko. Since close kami ni Ate, biglang pahapyaw na pumasok sa isip ko na sabihin sa kanya ang kalagayan ng kaibigan kong si Ken. I wanna know her reaction for that but I made it as a hypothetical question.

"Ate, I want to ask you something."

"What's that bro?"

"What if kung 'yung bestfriend mo e sabihin sayong mamamatay na siya dahil sa malalang sakit," pag-exaggerate ko sa sitwasyon. "And sayo lang niya ito sinabi. Ayaw niyang ipaalam kahit kanino. Do you think you will leave it as a secret without telling it to her parents or so?"

"Of course, walang sabi-sabi tatawag ako sa mga magulang niya kahit nagpromise ako sa kanya. Kargo ko pa yung kaibigan ko 'pag namatay diba? Ba't mo pala naitanong Arjay? Don't tell me may kaibigan ka na malapit nang mamatay?"

"Wala naman? Naisip ko lang dahil I have a classmate na nakipagkasundo sa namatay niyang Bespren tapos tinanong ako. We have the same answers Ate," palusot kong dahilan.

Hindi ko na nagawang dugtungan o sabihing may sakit ang kaibigan kong si Ken sa kanyang ulo. Pero hindi pa naman malala e kaya okay pang hindi ito sabihin sa family niya. Kailangan ko pa bang hintaying lumala para sabihin 'yun? Pero he's religiously consulting his doctor? Pero baka may better plans ang parents niya for his quick recovery? Naguguluhan ako sa totoo lang pero mas matimbang 'yung binitiwan kong pangako sa kanya na sasamahan ko siya sa buong paglalakbay niya para di mauwi sa cancer ang kundisyon niya.

After eating, I went to our mini garden to see my pamangkin. Namiss ko ang makulit na bata dito sa bahay na sobrang cute, gusto ko na tuloy magkaroon ng sariling anak tuwing nakikita ko siya. Yung mga alaga kong aso ay chorus na nagtahulan nang makita ako. Wow, it seems like I've been away for a year dahil sa pagkamiss sa lugar. 

After that, I went to my bedroom, I jumped off to feel the softness of my bed na 100 times malambot kesa sa kama sa Condo. I lied. Thought deeply. Closed my eyes. All I thought is Ken. I may not be his best friend yet but I do care for him, now that he told me his secret. I want to help him to the best that I can do. Kaya mo 'yan Ken!

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon