Chapter 16: It's not a Kiss!

23.3K 564 30
                                    


"Arman James, Ken! Gumising na kayo! Alumusal na!" rinig kong sigaw ni Ate.

 'Pag kinumpleto na niya ang pangalan ko it only meant na she had enough kakagising sa 'kin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata just to find out na yakap yakap ko pala ang nuo'y mahimbing na natutulog na si Ken. Para lang akong tarsier kung makayakap sa kanya with my arms and even my legs cuddling the section of his lower extremities. Nang matauhan e pabigla akong lumayo sa kanya figuring out kung bakit ako nakayakap sa kanya? Napagkamalan ko pa siyang Hotdog Pillow ko na hindi ko naalalang hagkan kagabi.

Madali kong ginising si Ken kahit trip pa niyang matulog. Sa bahay na 'to, sagrado sa amin ang breakfast kaya tuwing nandito ako, they made see to it na we take almusal ng 9:00am na magkakasama. Ken's eyes went red na tila bitin sa kanyang masarap na pagkakatulog.

"Ready na ang almusal Ken. Tawag tayo ni Ate," tinapik-tapik ko siya hanggang makatayo. We took our morning hygiene before we proceeded sa kusina upang samahan ang nuo'y naghihintay na sina Mommy at Ate.

"Hay salamat bumaba na rin ang dalawang Prince Charming sa kanilang 45 years na pagkakatulog," Ate said sarcastically while we were nearing the table. Nagbigay galang muna ako kay Mommy and I kissed her to the cheek, maging si Ken. 

"Good Morning po Tita," he kissed my Mom.

"Good Morning too Ken. Nice to see you again," she said sweetly. It was the third time na nakita niya ang kaibigan ko na tila nagustuhan naman niya.

Magkatabi kami ni Ken ng upuan while Mommy was in the corner at kaharap naman namin si Ate. 

"Gutom na 'ko. Let's eat guys," masigabong sabi ni Ate na akala mo'y ngayon lang makakakain after mag-fasting ng isang linggo. 

Eggs, Sausages, Bacon, Ham and Burger Steak ang almusal na purgang purga na akong kainin. Talagang ito ang almusal for all occasions? Sometimes, gusto ko nang magskip ng breakfast para lang sa lunch at dinner dahil dun mas enggrande ang kinakain namin.

"Ayos ka lang ba Ken? Hindi ka naman ba binugbog ng kapatid ko?" Ate said while getting a hotdog using her fork.

"Hindi naman. Ba't Chiqui? Nambubugbog ba si Arjay?" Ken asked hesitantly while he's preparing a coffee.

"Hindi lang nambubugbog. Nandadagan pa. Ganun 'yan kalikot matulog," pang-iinis sa 'kin ni Ate. "Kanina nga nakita ko kayo, ginawa ka niyang Hotdog pillow. Dapat pala ininform kita na matulog sa guest room," pagngisi pa niya. 

Nahiya tuloy ako kay Ken sa ginagawang pang-aalaska sa 'kin ng madaldal kong kakambal.

"Sanay na 'ko Chiqui."

"Paano ka naman nasanay? E diba separate ang bed niyo sa Condo?" Ate quizzically asked.

"One time nung nagkasakit ako, I told Arjay to sleep at my side. Feeling ko lalo akong nagkasakit dahil hindi ako makatulog sa pagsipa niya at pagdagan sa 'kin paroo't parito," patawang kwento ni Ken. 

Teka lang, hindi ko alam 'yun? Wala naman siyang nabanggit sa 'kin about that when he had a flu.

"What the fuck Ken?" I said.

"Oooopps. No cussing in front of the food," pagsaway sa 'kin ni Ate sa pagmura ko.

"Sorry. I can't remember a single thing Ken," pagdipensa ko.

"Of course you'll not remember. But I did," pagtawang muli niya na sinabayan ni Ate. I also saw Mom smiling sa kakulitan namin.

"I liked your closeness with each other. Para kayong magkapatid na dalawa. You've been such a good influence Ken to Arjay," Mommy heartfully said.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon