Hindi ako nakatulog buong magdamag. Walang tigil din sa kakatawag sa ‘kin si Ken ngunit hindi ko sinasagot ang phone dahil mas lalo lang akong masasaktan kung maririnig ko ang boses niya kaya’t tinext ko na lang siya na hindi ako makakauwi ng Condo ng gabing iyon. Wala na akong mailuluha pa dahil nailabas ko na ito lahat. I’m so drained, tired, overwhelmed and most of all, scared. This is all I wanted to know pero parang gusto kong hilahin ang kahapon para hindi na dumating sa punto na ganito. Gusto ko masaya lang, pero parang pagkakaitan ako ng ganung klaseng kaligayahan. I thought the only challenge that we have is the acceptance of people surrounding us, mali pala ako. Mas mabigat ito, napakabigat. Kung questions of sexuality lang e nakahanda na kami sa hagupit ng kritisismo ng ibang tao pero ang pagsubok na ito’y mas mahirap lagpasan. Napakahirap.
Buong magdamag hanggang sa sumapit ang umaga’y naglalaro pa rin sa isip ko ang nangyari kahapon. Napakatamlay ko nang gumising, maging si Ate. Ni hindi niya ako kinibo nang mag-almusal kami minus our Mommy dahil tumungo siya patungong Batangas. Tanging tunog lang ng kutsarang tumatama sa gilid ng bowl ng soup ang maririnig nang sabay kaming mag-almusal. Walang gustong magsalita hanggang sa kinausap na rin niya ako.
“Ayos ka lang Arjay?” malungkot niyang sabi. Umiling-iling lang ako to tell her that I’m not good. She nodded to gesture na she understand what I’m feeling. “I’ll call Kentot para duon muna siya sa bahay nila.”
“’Wag Ate,” bigla kong sagot. “Wag mo siyang tatawagan. I can handle this.”
Napag-usapan namin ni Ate kagabi ang naging pag-uusap namin ni Tita Lian patungkol kay Ken. My Kentot wanted to stay with me for the remaining days of his life. Ayaw niyang magpagamot dahil nonsense lang daw dahil malala na ang kanyang sakit na naging dahilan ng pagtatalo nilang mag-ina. Unfortunately, ‘yung father niya is still clueless sa kalagayan niya and Tita Lian is just finding courage para sabihin na ang katotohanan sa asawa niya para magreconcile na rin ang mag-ama. Hindi nila masabi sa ‘kin ang tunay na rason sa alitan ng dalawa pero nararamdaman ko na parang it’s more on the business side na ayaw namang gawin ni Ken.
“Kailangan nang seryosong gamutan ni Kentot kaya as much as possible e kailangan na niyang umuwi para asikasuhin na siya ng family niya,” Ate said.
Naalala kong bigla ‘yung naging pakiusap sa ‘kin ni Tita na kailangan ko na raw ibalik sa kanya ang anak niya. It’s not my intention pero ang dating e kaya nagiging matigas ang ulo ng Kentot ko is because of me. Yeah it’s me. I’m owning him already na hindi ko naman intensyon o sadyang matigas lang talaga ang bungo niya?
“A-atteee,” pautal kong banggit. “Ano nang pwedeng mangyari sa ‘min ni Kentot ko?” I’m really worried what’s gonna happen next.
“I understand you Arjay pero kailangan rin siya ng family niya. Ikaw ang bahala kung gusto niyo pang magpatuloy kahit pinapakiusapan ka na ni Tita Lian na lumayo muna sa kanya as a lover.”
Para akong tinusok ng karayom sa sinabi ni Ate. It’s the reality na pilit kong pinagtatakpan. Alam kong nagbubulag bulagan lang ako sa mga nangyayari pero it’s up to me para kumbinsihing mapauwi si Ken sa bahay nila. And that is to let him go....
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
RomanceCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...