Theme Song of this Chapter: Dare You To Move by Switchfoot
Makalipas ang isang linggo matapos ang Get Away at walang abisong pag-alis ni Loane sa Condo, pansin ko ang malaking pagbabago kay Ken. Hindi na siya gaya nang dati na masayahin at maligalig. Ewan ko, I tried my best to cheer him up pero pilit na pilit lang ‘yung mga pagngiti niya para sabihing wala siyang dinadamdam. I know he’s tremendously affected sa pagkalamat ng pagkakaibigan nila ni Loane lalo pa’t wala talaga silang kibuan at isnaban lang sila tuwing magkakasalubong sa Campus. We don’t know kung saan nakatira ngayon si Loane, according sa mga naririnig ko e tumutuloy siya ngayon sa bahay ng pinsan niya na malapit lang din sa School. Si Arsi lang ang pinapansin ni Loane at kahit ganu’y wala pa rin namang pinapanigan sa ‘min itong si Arsi, nasa gitna lang siya, as much as possible e gusto niya kaming magbatian na pero malabo atang mangyari ‘yun at this point of time.
I also noticed ang tila pagsumpong ng pananakit ng ulo ni Ken sa paglipas ng mga araw. Halos araw-araw na ang pagsumpong nito at ang pag-inom niya ng gamot ang laging solusyon sa paghupa nito. He always insists and tell me na normal lang ito dahil pagod lang siya pero I insist na hindi. Matigas ang ulo niya na tila merong kinukubli na masyado namang obvious dahil sa mga reaksyon at kilos niya. Dumating ang point na nagtalo kami ng dahil lang dun. I want to rush him in the nearest Hospital dahil sa pagdaing na sobrang sakit ng ulo niya pero mahigpit niya pa rin itong tinutulan. Dumating sa punto na napagsalitaan ko siya na “Sige, sa katigasan ng ulo mo hayaan kitang mamatay diyan!” Napapakalma naman siya ng gamot pero hindi talaga mapanatag ang loob ko dahil hindi biro-biro ang pagsakit ng ulo niya na kulang na lang e iumpog niya sa pader. It was worse kesa nung nasa Boracay kami na pilit niyang hindi pinapakita pero the pain that is causing him gave him a cry of pain. Sobra akong nangangamba. I’m not good with Ken keeping an obvious secret to me. Alam kong gusto lang niyang itago pero nararamdaman ko na ang posibleng mangyari na kinatatakutan ko ever since pa.
Nagkaroon ako ng hint na hindi maganda nang hindi umuwi si Ken sa Condo ng apat na araw. He stayed sa bahay nila na hindi ko alam ang clear reason. Ang sabi niya’y Birthday daw ng Dad niya pero when I researched for his Dad’s Birthday, malayo pa naman ito. Hindi rin convincing dahil apat na araw siyang hindi umuwi. ‘Dun ko talaga naramdamang sigurado na ang lihim na itinatago niya sa ‘kin. ‘Pag iniisip ko ito, I’m praying to the Lord na sana’y mali ang hinala ko. Minsan napapaluha na lang ako sa kawalan at nananalig na hindi sana mangyari ang kinatatakutan ko dahil baka hindi ko kayanin. Isipin ko pa lang e parang bibigay na ‘ko. Hindi ko kaya. I don’t wanna feel that kind of agony. Ayoko.
Bumalik si Ken sa Condo after four days na halata ang pagbagsak ng timbang. Nangayayat siya na para bang nag fasting ng apat na araw. It’s not a good sign. It was really not. When he went back to our Condo, dun na ako gumawa ng paraan para matukoy kung ano nga ba talaga ang itinatago niya. Pinag-isipan ko ito ng mabuti kahit alam kong medyo nakakahiya dahil kailangan ko ng lakas ng loob para gawin ito. I’ve decided na kausapin mismo si Tita Lian para ikumpronta siya about the real status of Ken’s health. I’m 75% sure na kaya umuwi si Ken sa bahay nila is because of his Migraine. Since ayaw niyang sabihin sa ‘kin, baka sinabi niya ito sa kanyang Mother. Maybe she has an idea of what’s going on.
That day nagkalakas ako ng loob para pumunta sa malamansyong tahanan ni Ken. Hindi ko talaga ipinaalam sa kanya kung saan ako pupunta at ang rason nito. Kelangan kong makausap si Tita kahit alam kong medyo mainit ang dugo niya sa ‘kin dahil sa pag-amin ni Kentot patungkol sa relasyon namin. Kailangan ko na lang talaga kapalan ang mukha ko para malaman ang dapat kong malaman.
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
RomanceCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...