Chapter 22: Jelly

20.6K 498 35
                                    

Hinayaan ko na lang si Arsing lasapin ang hinanakit niya. Masyado siyang matigas ang ulo pero hindi ko naman siya masisisi kaya iniwan ko na lang siya sa kwarto nang intensyon na niyang hindi ako kausapin. Kahit sabihin pa nating tarantado siya, hindi niya dapat ginawang magdala ng babaeng ipapamukha pa niya sa ‘ming girlfriend niya knowing na nakakunekta pa siya kay Aleli. Ang lakas ng trip niya, kung hindi niya sana ginawa ‘yun e na-save pa sana from negativity ang birthday niya.

Kami na lang tatlo ang kumain ng inihanda kong Menu for Arsi’s B-day. Marami ‘yun kaya ang mga natira’y inilagay na lang namin sa Ref para makain sa mga susunod pang araw. Nakisali na rin ako sa dalawang manuod ng pinapanuod nilang TV Series na Game of Thrones. Tatlong episodes ang natapos namin sabayan pa ng pagkain ng handa. Nang dapuan ng antok e diretso kaagad kaming nag-ayos at tumungo sa kwarto. Loane asked us na makitulog sa kwarto namin ni Ken dahil natatakot raw siyang baka bugbugin ni Arsi. At kailan pa nambugbog si Arsi ng tulog?

“Hoy Ken, wag na wag mo ‘kong kakadyutin ah, virgin pa ko,” pabirong sabi ni Loane kay Ken.

Nakahiga siya sa kama ni Ken dahil duon niya  piniling magpalipas ng isang gabi para makaiwas muna sa bad mood na si Arsi.

“Tarantado!” patawang sagot ni Ken. “Bahala ka..... kahit hindi ako lasing nangangadyot ako.”

“Tang-ina mo talaga Ken, masubuk-subukan mo lang,” pangising bantang sabi niya habang sila’y nagtatawanan sa kalokohan nila.

Andito ako ngayon sa higaan ko. There’s a weird feeling na naramdaman ko. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng selos dahil sa ginagawa nilang kulitan. Usually, after nung naging kami ni Ken, madalas kaming matulog sa isang kama. May switching pa nga e, minsan sa kama niya at minsan sa kama ko kami nakahiga. Nagagawa naming manyakin ni Ken at isa’t isa like playing each other’s angry birds, kissing each others nipples, smooching, licking each other without resorting to sex. Wala lang... masarap lang paglaruan ang katawan ng isa’t isa habang nagkwekwentuhan.

Ngayong gabing ‘to, hindi ko katabi si Kentot kaya tampururot ako at medyo may tampo ako sa kanya. I don’t know if it’s a valid emotion pero ‘yun ang nararamdaman ko. Bwisit kaseng Loane na ‘to e, plano pa atang agawin ang boyfriend ko.

“Ayos ka lang ba diyan Arjay?” bati sa ‘kin ni Kentot. Buti na lang at naalala pa niya ako. Tahimik lang kase ako habang sila’y naghaharutang magkaibigan. ‘Di ako maka konek sa pinag-uusapan nila.

“Ayos lang!” sagot ko. “E kayo? Baka kinabukasan isa na ang buntis sa inyo,” pabiro kong sabi na may halong selos sa tono na tila pinaparinggan si Ken.

“Uy Arjay, pagsabihan mo ‘tong Kentot na ‘to. Bagay na bagay talaga sa kanya ‘yung pangalan niya, palitan mo lang ‘yung “e” ng “a”,” patawa niyang sabi. “Ambastos!”

“Siraulo! Ikaw nga pambabae ‘yung pangalan mo, “Loane”. Yabang mo din ano?” pangising tirada ni Ken.

Hay naku mukhang ang saya-saya nila at hindi ko na talaga mapigilan ang kakaibang selos na ‘to. Instead na pagtuunan ko ng pansin ang kalokohan nila’y minabuti kong mag side view ng pagkakahiga facing the wall at ipinasok ko ang earphone ko sa aking tenga to listen to Colplay’s songs para makatulog na.

**

I woke up very early, siguro mga 6:30am at medyo maliwanag na. I’ve noticed when I stoop up na nakayakap si Loane sa matipunong katawan ni Ken. Nakapatong ang hita niya sa behind ng Kentot ko kaya ang ginawa ko’y inalis ko ito sa pagkakapatong duon upang ireposition ang legs niya. Mahimbing silang natutulog with matching buka ng bunganga na may hilik pa.

It seems weird habang pinagmamasdan ko silang dalawa na natutulog, na they both have good chemistry. What the hell am I’m thinking? Ken and Loane have good looks pero...... Pucha, I’m feeling paranoid dahil nahahaluan na rin ng jealousy ang pagmamasid ko sa kanila. Bakit ko ba pinagseselosan si Loane? Kung tutuusi’y mas close pa nga sila ni Ken kesa sa ‘kin? I took a deep breath at minarapat ko na lang na ilayo ang katawan ni Loane kay Ken para hindi madaganan ang boypren ko sa laki rin naman ng katawan ng Loane na ‘to.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon