Chapter 2: Da Moves

44.3K 643 19
                                    

"Nasaan na kaya 'yun?" bulong ko sa sarili habang patingin tingin sa labas ng room kung saa'y maraming dumaraang mga estudyante. I'm here sa aming Management class at seatmate ko si Ken na hindi pa rin dumarating hanggang ngayon. He promised me that he'll never be late in this subject anymore since na-warningan na siya ng Professor namin for a couple of times.

After 3 centuries and 45 years ay dumating na rin siya na medyo hinihingal pa, tumakbo pa ata ang loko pero hindi pa rin siya nakaabot on time. He took advantage na nagsusulat sa board ang aming Professor na si Ms. Macasaet para mabilis na makaupo sa kayang seat.

"Mister Lim would you please stand up?" biglang sabi ng aming Professor habang nagsusulat sa board. Nakakabibingi kase ang katahimikan tuwing klase nya kaya siguro'y pati ang mahinang kaluskos ng paglakad ay naririnig nya. O di kaya'y meron siyang mata sa batok  kaya napansin nyang pumapasok si Ken?

"Ako ho?" Ken asked kahit alam naman niyang siya ang tinutukoy ng Professor namin.

"Sino pa nga ba e ikaw lang naman ang Mr. Lim sa klaseng ito?!"

Nagtawanan ang buong klase at agad namang tumayo si Ken habang inaayos ang nagusot niyang uniform.

"What time is your class?!" humarap muli sa klase si Ms. Macasaet.

"3:00 pm," sagot ni Ken.

"What time is it?!" dugtong na tanong ni Ma'm while walking closer to Ken.

Aktong tumingin si Ken sa kanyang relo. "Ahmmmmm... 3:05???!"

Nagtawanang muli ang buong klase. Napa-cross arm ang napaka-intimidating naming guro. "For your information, it's already 3:45pm! Mr. Lim, don't tell me you're planning to say the same excuse again, na late ang relo mo?!"

"Ah... eh... parang ganun na nga po Ma'm," utal niyang sabi habang kinakamot ang batok. At nagtawanang muli ang klase sa pagkakalat nya.

Sarap pektusan sa singit nitong si Ken! Gagawa na lang ng alibi yung halatado pang inimbento nya. Feeling nya kayang kaya nya ang lahat ng Professor dito sa Campus. Iba itong si Ms. Macasaet, wala yang sinasanto kahit anak pa ng Presidente ng iskwelahan ang makabangga niya.

"I feel sorry about your ignorance Mister Lim, but here in this class, we practice fairness. This will serve as your final warning, in the meantime you leave the class now!"

Napansin kong napangiti si Ken na tila nakatikim ng mapait na kape. Hindi siya makatingin nang direkta kay Ma'm, he's looking down sa mismong sahig. 

"I consider getting your assignment Mr. Kenji Lim before you leave. By the way class, please pass your assignment."

Pasimple akong kinalabit ni Ken para ibigay sa kanya ang assignment na ginawa ko para sa kanya. Mabilis kong kinuha ito sa aking bag na natataranta.

"Where's your assignment Mr. Lim?"

"Ah wait lang po...."

Nang makita ko'y ibinigay ko agad sa kanya ang ginawa kong assignment. Napansin naman ni Ma'm na ito'y nagmula sa akin. "Can I have those papers".

Patay na! in-examine ni Ms. Macasaet ang assignment naming dalawa. She even re-positioned her glass para tingnan kung may pagkakaiba ang dalawang gawa. Sa totoo lang parehong pareho ng sagot at pagkakasulat ang ginawa ko. I didn't expect na ganun ang mangyayari, na susuriin pa talaga ang assignments naming dalawa. 

"Don't tell me Mr. Lim that you have the same penmanship katulad ng kay Mr. Tan?" patukoy niya sa amin. Wala naman kaming naging reaksyong dalawa dahil alam naming guilty kami sa pagkakataong 'yun.

"I'm not going to condone this fraudulent activity that is tantamount to stealing. Both of you are automatic 5 (fail) in this assignment! Mr. Kenji Lim, you can leave the room now! Mr. Arjay Tan, I'll talk to you after the class."

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon