Chapter 27: I'm at you're back!

19.1K 521 52
                                    

Vote and Comment please.

Hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Supposedly ay ngayon ang secret celebration namin ni Ken for our Monthsary kaso we decided to part ways and don’t see each other for a month. Oras pa lang ang lumilipas e parang isang araw na ang tumakbo nang siya’y umalis. Para tuloy akong nanibago dahil I’m used to na sa aming Condo at para tuloy bagong buhay ang nangyayari dahil back to our house ako ngayon.

Si Ken lang ang laman ng isip ko pagkagising sa umaga, pagtuntong ng hapon, pagsapit ng gabi na minsa’y umaabot pa ng magdamag. Mas lalo ko siyang naiisip nang mawalay siya sa ‘kin. Nag-rereminisce ako ng mga kissing moments namin, kung paano dumampi ang labi niya sa labi ko. ‘Yung mga conversations namin na nauuwi sa tawanan. ‘Yung pagyakap namin sa isa’t isa during cold nights at marami pang iba. Namiss ko kaagad ang bawat ginagawa niya sa ‘kin, ‘yung iba’y maliit na bagay lamang pero sobra kong naaappreciate, maging ‘yung simpleng pagngiti niya sa ‘kin. Nakakabaliw lang na hindi siya maalis sa isipan ko.... puro Kentot lang. Paano kaya ako makakasurvive sa ganitong set-up?

 **

Lunes, I’m here at school na tipong walang ganang pumasok dahil changes happened in an instant. Halos araw-araw ay nagkikita kaming magkakaibigan pero I don’t know what’s gonna happen this day. Naiisip ko at the back of my mind na makipagkita kay Kentot since Ate will not gonna see us. Tama! Even though we signed the contract, we can still see each other secretly. After ng last subject ko ay nagproceed kaagad ako sa Pantry kung saan madalas naroon ang barkada. Unfortunately, ang nakita ko lang duon ay si Loane, wala ‘yung dalawa. I approached him para kausapin siya.

“Uy Arjay? Ano nang balita?” he said while I’m sitting katapat niya.

“Nasaan na sila?” I asked him pertaining to Arsi and Ken.

“Nagpasama si Ken. May pinuntahan lang. Ikaw? Sabi ni Ken one month ka raw sa bahay niyo muna dahil may ipinapagawang project sayo ‘yung kambal mo.”

Hindi ko kaagad nagets ang sinabi niyang iyon pero narealize ko na baka ayun ang naging palusot ni Ken kaya’t sa bahay muna ako mag-iistay ng isang buwan. “Oo.... kelangan ng Manpower at Brainpower ni Ate,” di ko siguradong sagot.

“Pumapart-time ka na rin Parekoy ah? Bumalik ka kaagad para kumpleto pa rin tayo,” he sweetly said.

“Syempre naman Parekoy!”

Nagkayayaan kami ni Loane para makipag-inuman. Dun lang kami sa labas ng Campus sa may Carinderia umorder ng beer and we had a chitchat. If this guy only knew kung anong status namin ng bestfriend niya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Magselos kaya siya or magalit? He’s still attached with Anne and I always see them together kaya siguro pag nalaman niyang may something kami ni Ken e baka ikibit balikat lang niya.

Nang matapos kaming mag-inuman at magkwentuhan ni Loane ay dumiretso na rin ako sa bahay. Amoy chico ako kaya very cautious akong dumikit sa mga tao dun specially kay Ate dahil baka mapagalitan ako. ‘Yun nga ang nangyari dahil napansin ni Ateng shaky ako at medyo nagbablush.

“Nakipag-inuman ka ano?” she said habang bumababa ng hagdan.

“Oo. Anong masama?” I said frankly in a stiff tone.

“Wala naman. Basta you follow lang my instructions and you’re good to go.”

I’m having a feeling na there’s going on na hindi ko alam na pinag-usapan nila ni Ken. Wala ako sa wisyo nung time na ‘yun dahil part of the liquor stayed onto my brain. “Ate tapatin mo nga ako, may gusto ka ba kay Ken kaya pinaghihiwalay mo kami?” tanong ko sa kanya out of the blue.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon