Chapter 28: Love is Blind

19.4K 593 79
                                    

I need 90 votes and 35 comments to proceed with the next chapter.

Now I know why Ate did this crazy thing. Hindi ko man maunawaan at first pero the message was clear during its progress. Ako lang ‘tong matigas ang ulo to follow the lead of my heart that goes somewhere I might be lost. Mabuti na lang at hindi pa ganun kagrabe ‘yung dulot sa ‘kin kahit na I’m in the middle of something deeper na kaya pang marecover ang sakit na pwedeng i-cause nito.

I tried to be calm all the time para hindi ko masyadong maramdaman ‘yung sakit. Nandiyan naman sina Ate at Mommy na handang sumuporta sa ‘kin no matter what will be my choices in life without judging me. ‘Dun pa lang I should feel blessed dahil napapaligiran ako ng napakabubuting nilalang. Minsan naiisip ko, ang sakit na nararamdaman ko sa taong minahal ko were just small wounds na parte ng buhay dahil ang tunay na naghihilom dito ay ang mga taong pinakamamahal mo.

During the 15th day after the deal had been imposed, medyo tanggap ko nang ayaw makipag-usap sa ‘kin ni Ken kahit makipagkita man lang. Hindi ko na siya iniisip kahit pa ang puso ko’y nagsusumigaw na I need to make way kung mahal ko ngang talaga siya. Well, my heart wants what it wants but I made see to it na my plans are better than what I feel.

Even without Ken, I’m still having good company with Loane and Arsi. Sila rin ang nagpapagaan ng loob ko dahil sobrang close ko na sa kanila. Nuon puro Kentot ako pero nang dahil missing in action siya, sa dalawa ko nabuhos ang buong atensyon ko. Andito kami ngayon sa Mall to buy clothes. Both of them are Penshoppe endorsers pero they still manage to buy different brand. Hindi kaya sila mademanda nito?

“Nagkita na ba kayo ni Ken, Arjay?” tanong ni Loane while he’s looking for a fit T-shirt na babagay sa maskulado niyang katawan.

“Oo nga Arjay, may problema ba kayong dalawa? Palagi kayong magkasama tapos parang nung mga nakaraang araw nagdedeadmahan kayo. Meron ba kaming kailangang malaman na hindi niyo sinasabi?” mausisang tanong ni Arsi na namimili rin ng damit on my left side.

I cleared my throat sa question na napakahirap sagutin because I can’t tell them the fact. I should tell them white lies to cover up what’s going on with us. “Wala naman.... W-wala...” pautal kong sagot. “Baka busy lang kay Andrea. Alam mo naman ‘yun, kakalimutan lahat basta in love sa babae,” I said na hindi alam kung tama ba ang sinabi o mali.

“Sabagay Parekoy, halos araw-araw na silang magkausap. Hindi na nga rin kami minsan nagkikita sa school, laging sila na lang ni Andrea. Siraulo rin ang loko, akala ko nung tinulungan natin siyang tarantaduhin ‘yung boypren niya, matatapos na ang pag-iilusyon niya sa makating babaeng ‘yun,” Loane exclaimed. “Uy tol, tingin mo bagay ba?” He asked my suggestion sa napiling damit.

“Bagay sayo!” I said.

“May sarili rin akong lovelife kaya wala muna akong pakialam sa kanya,” sabat ni Arsi. Na-curious naman ako kung sino ang bagong lovelife niya or nagkabalikan na ba sila ni Aleli?

“Wow Arsi, sino ang maswerteng babaeng ‘yan?” I asked.

“Wag niyo muna akong tanungin mga Parekoy, next time na lang. Basta ako masaya..... Tapos! he-he.” Hindi rin naman maitago sa mukha ni Arsi ang kasiyahan niya. Ang wish ko lang ay sana si Aleli pa rin ang babaeng tinutukoy niya. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa estado ng relasyon niya pero I wished all the best for my parekoy.

**

Nagdaan ang mga araw ngunit deadma na lang sa ‘kin kung ayaw ni Kentot na masilayan man lang ako. Ayoko na rin siyang iistalk gaya ng ginagawa ko ng mga nakaraang araw dahil nasasaktan lang ako tuwing nakikita ko sila ni Andrea. Based on his reaction tuwing kasama ang babaeng talagang mahal niya, tingin ko nagkabalikan na sila. Para lang tinutusok ng karayom ang puso ko tuwing naiisip ko ang mga bagay na ganun. Ano ‘to? Naging friends with benefits ko lang siya during those times na hinihilom niya ang sugat after his break up with his fiancée? Oo, aminado ako na part of me nung magkahiwalay kami ni Athena e ganun din ang naramdaman ko. Siya ‘yung sumalo sa ‘kin pero on the long run naman e talagang minahal ko siya ng buong puso kahit lalaki pa siya.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon