We went to Glorietta after our last subject para gumala-gala. Kasama ko sina Loane at Arsi na nuo'y hindi ko pa masyadong close. Hindi ko alam pero parang aloof pa rin ako sa kanila, hindi ko pa sila masakyan sa mga interes nila, hindi gaya ni Ken na may pagkakasundo na kami sa ibang mga bagay. Ken and Andrea were roaming around the Mall but I didn't know exactly kung nasaan sila.
"Parekoy nagtext sa akin si Ken. Pumunta ka raw sa Parking Area, may ibibibay daw siya sayo," Loane told me habang kami'y tumitingin tingin ng CD sa AstroPlus.
"Anong ginagawa nila sa Parking Area?"
"Ewan ko?! Basta pumunta ka na daw dun bilisan mo raw."
I thought gumagala sila sa Mall pero medyo hindi ko ma-gets kung bakit nasa Parking sila? After a moment e napansin kong nagbubungisngisan ang dalawa na pigil na pigil. They were acting pretty strange.
"Ba't kayo tumatawa? Anong nakakatawa?" my brows went arched. Something was wrong with these two.
"Wala Pre may pinag-uusapan lang kaming nakakatawa. Bilisan mo na kanina ka pa hinihintay nun," ani Loane. Patuloy pa rin sila sa pagbungisngis na hindi ko alam kung nababaliw na o napapraning lang.
Agad akong pumunta sa Parking Lot kung saan naroon ang kotse ni Andrea na ginamit namin patungo rito sa Glorietta. Medyo nagmadali ako sa lugar kung saan naroroon ang Apple Green na Kotse niya. Malayo pa lamang ang lugar ko'y nakikita ko na ang Kotse ngunit walang senyales na naroon ang magkasintahan. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil napaka vague ng instruction sa akin ni Loane. Pumunta lang daw ako sa parking lot dahil sabi ni Ken, yun lang. Wala rin akong susi para buksan ang kotse.
Ang sa isip-isip ko'y baka nasa loob ang dalawa. Ngunit anong ginagawa nila sa loob? Nang makalapit ako sa kotse'y napansin kong parang umuuga ito. Medyo kinabahan ako dahil baka kung may anong nangyayaring hindi maganda sa loob kaya't agad kong binuskan ang pinto ng kotse na nuo'y hindi pala naka-lock at laking gulat ko sa aking nasaksihan.
Nakatuwad si Andrea na nakababa ang underwear sa kanyang paanan habang nakasubsob ang mukha sa parteng pribado ni Ken, na nuo'y ungol nang ungol. Walang pang itaas si Ken at ang pantalon at brief niya'y nakababa sa may paanan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita dahil hindi ko akalain na gagawin nila yun sa loob pa mismo ng kotse.
"Oh Shit!!!" bulalas ni Ken na gulat na gulat nang makita ako. Umayos nang pagkakaupo si Andrea na tila hiyang hiya sa akin nang makita ko siya sa ganung posisyon. Mantakin ko ba namang pag bukas ko ng pinto'y nakatambad sa akin ang pagkababae niya?
"What are you doing here?" kabado ngunit tila pagalit na sabi ni Andrea habang tinatakpan ang maseselang parte ng katawan niya.
Agad kong isinara ang pinto ng kotse at hindi nagpaliwanag, biglang alis na parang wala akong nakita. Na-shock ako dahil napaka adventurous naman ng chosen spot nila para magparaos sa isa't isa? Sa Parking Lot pa talaga? Kami ni Athena'y never naisip na magsexcapade sa loob ng kotse gaya nung dalawa. Habang naglalakad ako papalayo sa kanila'y di ko mapigilang ngumiti. Ewan ko kung bakit ako ngumingiti? Ang cool kase ng ginawa nila na parang gusto kong i-try. Pero part of me was very embarrassed for what I saw. Hindi ko dapat makita ang pribadong ginagawa nila ngunit bakit tila masaya ako?
Biglang napalitan ang iniisip ko ng pagkainis dahil nahihinuha kong pakana ito nina Loane at Arsi para pahiyain ako, pati ang kaibigan nila. Ang lakas nilang mang trip! Hindi nakakatuwa ang ginawa nila, kaya siguro'y habang sinasabi nilang pumunta ako sa Parking Area'y bumubungisngis sila. Pero paano nila nalaman na nagtatalik ang dalawa roon sa kotse?
Mabilis akong tumungo pabalik ng AstroPlus ngunit nakita ko ang dalawa na nasa labas ng shop na parang hinihintay ako. I intended na maging bland ang hitsura ng mukha na parang wala lang nangyari, pretending na walang nakitang hindi kanais-nais.
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
RomanceCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...