Chapter 13.1: Show

21.9K 512 12
                                    


"Hoy Arjay gising!"

 Nagising ako sa pagbulabog at pagtapik na 'yun ni Ken. Awtomatiko akong napatayo sa aking pagkakahiga nang akala ko'y huli na 'ko ng pakagising. Medyo ramdam kong sumakit ang ulo ko na siguradong Hang-over kagabi.

"Anong oras na ba?" paghikab ko habang iniistretch ang mga braso.

"Alas Otso. Diba may pasok ka?"

"Nine thirty pa. Aalis ka na ba?" tanong ko sa kanya. Nakagayak na siya pang-alis sa pupuntahang rehearsals para sa Bench Fashion Show na gaganapin mamaya sa MOA.

"Oo. Punta ka Pre ha? Tawagan kita mamaya."

"Wala ka bang kasama? Si Andrea?"

"Hindi siya makakapunta, she has something to do pati na rin 'yung dalawa," patukoy niya kina Arsi at Loane. "Wawa naman ako kung mag-isa lang ako," pasimangot niyang kunwa-kunwa. Hesitant din ako kung sasama ba ako o hindi dahil gusto kong makompronta si Athena within the day. Hindi ko pa siya nakakausap matapos niya akong indyanin kagabi.

"Okay?!" di ko siguradong tugon. "Tawagan mo na lang ako mamaya para maalala ko."

"Salamat Pare," sabi niya sabay tapik sa braso ko. "Bait mo talaga parekoy. Patulong naman o? Pakitulungan mo nga akong ipasok ang mga butones ng Polo Shirt na 'to. Medyo masisikip kase ang butas e."

Napasimangot ako nang slight pero tinulungan ko na rin siyang magbutones habang siya naman ay punong abala sa pag-ayos ng kanyang buhok. Habang inaayos ko ang kanyang pulang polo shirt, bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

"Masakit ba 'yung pagkakasapak ko sayo kagabi? Naramdaman mo 'ba?" tanong ko sa kanya habang ako'y tila nakaluhod na pinapasok ang butones sa pinakaibaba ng kanyang polo shirt. Medyo may kasikipan nga ang butas nito kaya madiin ko itong ipinasok.

"Oo. Ikaw pala 'yung sumapak sa 'kin? Wala akong masyadong maalala."

"Ang bastos mo kase e. Sorry pala kagabi, buti na lang walang nangyaring masama sayo."

"Hayaan mo Arjay 'pag nalasing ulit ako doon na ako sa sala matutulog."

 "Wag naman. Pare-pareho lang tayong nagbabayad dito. Tatalian na lang kita 'pag nalasing ka para di ka na makagalaw. Buti nga hindi ka namuyat masyado kagabi, kung hindi baka maitapon kita palabas ng bintana ng Condo na 'to," pabiro kong banat sa kanya. Napatawa naman siya sa pagbibiro kong iyon.

Gwapings talaga 'tong si Ken. Ang ganda niyang ngumiti at puting puti ang mga ngipin niya. Naging endorser din siya ng toothpaste two years ago kaya hindi kataka-takang pamatay siya kung ngumiti. Hindi ko masyadong pinapansin pero humahanga ako sa kanya nang hindi ko namamalayan.

"One of my deepest darkest secrets 'yan Arjay. Kaya nga I don't sleep with Andrea 'pag nakainom ako because it's a massive turn off. Kung meron lang gamot tuwing lasing e matagal na 'kong bumili sa Mercury Drug."

"Ang gamot lang dyan is Don't Drink.... o kaya'y Moderation. Atsaka Ken, remember what your doctor told you? Don't forget it," payo kong muli sa kanya. He should be in healthy lifestyle most specially with the food he takes and the activities that he does.

"Yes Dok! I'm healthy and fit. Kita naman sa katawan diba Pareng Arjay?" 

 Kinindatan niya 'ko at nginitian which I found very awkward habang nagbubutones ako. Napasimangot tuloy ako sa kanya.

"O ayan ayos na ang damit mo. Ang ganda ah? 'San mo nabili 'yan?"

"Andrea gave this to me. Hindi ko lang masuot dahil hirap akong ayusin 'yung butones."

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon