Chapter 21.1: BDay

21K 459 31
                                    

Ibang-iba talaga ang relasyon namin ni Ken. Almost limitless. Hindi siya 'yung katulad ng Heterosexual relationship na limitado at calculated ang relationship dahil kaakibat nun ay ang matinding responsibility. Like what  Athena and I had, since babae siya, andun 'yung responsibility ko sa kanya bilang lalaki dahil nabuntis ko siya, na pinagkait naman niya. E kami ni Kentot kahit araw-araw kaming maglampungan e walang mabubuntis sa 'min dahil pareho kaming lalaki. Namamaximize namin 'yung pwede naming gawin without thinking of the possible consequences. 'Yun nga lang, once na ma-unveil ninuman ang sikretong relasyon namin, hindi pa namin alam ang gagawin kaya't hanggat maaari ay mananatiling itong sikreto.

"Tingin niyo ba ayos 'yung Birthday gift natin kay Arsi?" sangguni sa 'min ni Loane. 

We're here in School Canteen at sikretong nag-uusap sa surprise gift namin kay Arsi. His Birthday will happen the next day kaya pinaghahandaan naming mabuti ang regalo namin para sa bugnuting parekoy namin.

"I think our idea is the best gift that we can offer him....... Aleli!" I exclaimed. 

Hindi material ang regalo namin kay Arsi kundi mismong si Aleli. Nakausap na namin ang babaeng nakapagpatibok sa puso niya at plano pala talaga ni Aleling makipagrelasyon kay Arsi at iwan na ang maduming trabaho niya para rito. Mangyayari sa mismong Birthday ng parekoy namin ang confirmation ng kanilang relasyon officially. 

"Aleli's excited," dagdag pa ni Ken. "Nagawa lang naman niyang magtrabaho bilang G.R.O. because of financial problem. Di mo siya masisisi pero tingin ko 'yung offer na job ni Arsi for her will work. I'm happy for both of them."

"Tama mga parekoy," Loane agreed. "Tingin ko hindi niya makakalimutan 'yung suprise natin sa kanya."

"Cheers for our Parekoy. Cheers for Condo Boys," Ken said while gesturing a toast using the bottle of his RC Cola. Nakipagtoast kami sa kanya gamit ang softdrinks namin ni Loane na Coke at Sprite.

**

We organized a mini celebration for our Parekoy. Gaganapin sa Condo ang celebration na 'yun. Though alam na ni Arsi na ipaghahanda namin siya, hindi niya alam kung ano talaga ang pinaka surprise namin for him.

Nakatoka ako sa pagkain. Mga limang potahe lang naman ang inihanda ko sa tulong na rin ni Ate Chiqui. Hindi makakapunta si Ate sa Birthday surprise dahil nagkasakit ang anak niya kaya she's in the hospital to take care of her angel. Si Ken at Loane nama'y naka-focus  sa soon to be girlfriend ni Arsi. Aleli will wear only bikini at magkakaroon siya ng dance number na ang aim is to seduce Arsi. Secondly, she will accept the proposal of Arsi to be his girlfriend, umamin na si Arsi na gusto niya itong maging girlfriend but the girl was not sure then kung magwowork ang relasyon nila. Ngayong buo na ang desisyon ni Aleling maging nobya ni Arsi, ito na ang pinakahihintay niyang pagsagot ng Oo sa parekoy namin.

"Ayos na ba?" I said to them dahil tapos na ako sa pagprepare ng food na pagsasaluhan namin. The banner was already posted na naka face sa mismong front ng door.

"Ayos na kami dito Arjay," Ken said sa loob ng kwarto nina Loane. All set na kami kaya ako na mismo ang tumawag kay Arsi to come here in Condo for our mini celebration.

"It's done. Punta ka na dito parekoy," masigabong sabi ko kay Arsi over the phone.

"Naks naman. Talagang pinaghandaan niyo pa ang surprise birthday party ko kuno."

"Syempre naman it's a surprise. Magugulat ka na lang sa masasaksihan mo," pagtempt ko sa kanya.

"Kotse ba 'yan? Goodness, excited na  'ko hehe..."

"Sira! Basta magugulat ka!"

"Siguraduhin niyo lang. May surprise din ako sa inyo later pagdating ko diyan."

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon